Chapter 40

29.6K 1K 1K
                                    

ARTEMIS' POV

"Ma'am! Ayos lang ba talaga kayo? Wala ba nangyari sa'yo ng masama?"

Nagising ako sa ingay ni Elena, nagulat ako nang makita siya sa harapan ko. Napaigtad ako nang makita ang mga bodyguards na nakaabang sa labas ng suite ko.

"What's happening?" Mahinang sabi ko. Napahawak ako sa ulo ko dahil sa naramdaman na pagkirot nito.

"Oh, oh, ma'am, mainit na tea para sa hangover!" Nagmamadali na binigay sa akin ni Elena ang tsaa.

"It's freaking 7 in the morning, why did you bring the bodyguards here?" Asik ko sa kanya.

"Eh kasi, ma'am. Lasing tayo lahat kahapon, kusa kang bumalik sa suite mo at nahilo na ako sa kakahanap sa'yo. Bumagsak na ako ma'am, hindi na nakayanan ang kalasingan. Sorry talaga, ma'am!"

"Oh, tapos?" I took a sip of tea.

"Nataranta ako nung pagkagising ko, at naaalala kita bigla. Sabi nila may grupo daw ng lalaki ang nakakita sa'yo, isa sa mga kaibigan nila ang tumulong sa'yo." Sabi niya.

Kumunot ang noo ko. Wala ako maalala kahit isa. Ayoko pilitin ang sarili ko na alalahanin ang nangyari, lalo sumasakit ang ulo ko. Ang importante ay nakabalik ako ng ligtas.

Pinabalik ko si Elena sa suite niya kasi wala pa siyang ayos at nakapambahay pa nung pumunta dito. We're not at work so I'm not her responsibility. But still, I'm thankful that I have a caring secretary.

I was too drunk last night. All I just remembered is I managed to come here and sleep on my bed, gladly it's not on the floor. Napahilot ako sa sentido ko. Lumabas na ako ng banyo habang inaayos ang tali ng bathrobe ko.

Kumakalam na ang sikmura ko, I'll have my breakfast at the buffet. I'm starving. I decided to wear a simple white spaghetti strap floral summer dress with a slit on the side. And of course, sunglasses for the sunlight.

After I applied some light makeup to my face, I rushed down to the breakfast buffet. I met a few of my employees and I greeted them. I'm happy that they're enjoying their stay here.

Should I extend their vacation? I think they deserve it. I should probably talk to Hades. But it is hard to reach him out, he's nowhere to be seen sometimes.

Kumuha na ako ng pagkain para sa breakfast ko. Bread toast with bacon, eggs and sausage. Also pancakes with syrup, some fruits and veggies. At syempre hindi mawawala ang mango milkshake ko.

Pasubo na sana ako ng pagkain ko nang may naghila ng upuan sa harapan ko. Napahinto ako at umangat ang tingin. Muntik ko na mabitawan ang tinidor nang makilala kung sino iyon.

"Coffee is better than milkshakes in the morning." Athaleigh said in a low tone. She put the cup of coffee on the table before she sat down.

Napakurap ako ng ilang beses bago mapagtanto na nandito talaga siya sa harapan ko. What is she doing here? Oh shit, hindi pa nga pala siya umaalis simula nung kahapon. I met her in the nightclub again last night!

I swallowed hard and looked away from her stares.

"I prefer cold drinks." Mahinang sabi ko saka tahimik na kumain.

I pretended like her presence doesn't bother me, but I'm already panicking inside! She's freaking here, I still can't understand why. Hindi ba snobber 'to kahapon? What happened? Why is she talking to me right now as if she didn't ignore me for many times?

May nakain yata ito kaya nakakapag bati na sa wakas.

Hindi siya sumagot. Sumilip ako sa kanya.

She's wearing a white shirt underneath and summer blue polo on the outside. And khaki shorts on the bottom. Not to mention that we're both wearing sunglasses. Then I remembered that it helps to lessen the pain of her migraine.

The Curse of Limerence ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon