XERINITY POV:
"Nasaan ako? Wait nasa bahay ako namin dati?" Gulat na sabi ko.
"Wait dati?" Biglang saad ko.
"Naalala ko na ba-, nay nay nasaan ka?" Tumakbo ako sa buong bahay dahil nasisiyahan ako sa mga nangyayari.
"Nay naalala ko na kayo," masayang-masaya kong tugon.
"Wait, my dear, my dear," sabi kong nagtatalon talon dahil naaalala ko na ang mga pangyayaring inaasam ko.
Bumabalik sa aking mga ala-ala ang unang pagkikita namin ni Simon noong nasa elabator kami.
I got bumped by him too sa kompanya. Naaalala ko din ang mga pangyayaring nagmamakaawa ako sa kanya. Lalo na yung mga tilian sa loob ng kompanya niya.
"My god,thank you lord," pagsisigaw ko sa saya. Yung kinuha niya ako sa bar dahil naglalasing ako dahil hindi aattend sila mama sa graduation ko.
"Tapos yung," napasmile ako noong maaalala ko ang nangyayari sa beach sa outing.
"AHHHHH, nakakakilig, ahhhhh, mom,dad, kuya nakaalala na ako," patuloy parin ako sa pagsisigaw.
"Pero," bigla nalang nagbago ang aking awra nang maaalala kong may Abby na pa siya.
"AHHHHHHHH, mama pano na ako?" Naiiyak kong umupo sa sala namin.
"Pano na ako? Pano na ako na sunflower niya," iyak kong sabi at pumunta sa dating kwarto ko.
"Ipagpapalit mo ba ako sa kanya. Pano na yung mga nakakilig na chat namin dati. Dito pa ako lumundag sa kwarto nato," iyak parin ako ng iyak.
Tumingin ako sa bintana at naaalala ko na naman yung kindat niya, noong hinalikan ko siya pagkatapos niyang magconfessed sa akin.
"AHHHHHHH, ANG sakitttt, ang sakitt sakittt," pagsisigaw ko sa aking kwarto.
"Zhiel? Anong nangyari sayo?" Biglang sabi ni mama Marites na kakapasok lang kwarto ko.
"Ma?" Masaya at iyak kong sabi nang makita ko siya.
"Maaaa," humagulgol ako ng iyak at yumakap sa kanya.
"Zhielll," narinig kong umiyak siya.
"Patawarin mo ako anak. Patawarin mo ako sa nagawa kong kasalanan sayo. Nagawa ko lang iyon dahil galit ako sa tunay mong magulang. Anak patawarin mo ako," iyak na mama na nakayakap sa akin.
"Mama, wag kang mag-aalala. Di ako marunong magtanim ng galit," hikbi kong sabi sa kanya.
Mas lalo niyang hinigpitan ang pagyakap sa akin.
"Salamat anak, akala ko talaga di na kita makikita," sabi niya sa akin.
"Halika at may ibibigay ako sayo," sabi niya sa akin at hinila sa kwarto niya.
"Heto, anak. Ito ang nga liham na galing kay Sir Simon noong akala niyang patay kana, kinuha ko iyan araw-araw kapag bumisita siya sa puntod. May album din siyang dinala kaya kinuha ko narin," sabi ko.
Kinuha ko ang mga liham ni Simon sa akin.
"Para sayo iyan anak, grabeng paghihinagpis ang ginawa ni Simon para sayo," mama utterred.
Binasa ko ang mga liham niya at grabeng ang sakit ng nararamdaman ko. Humihikbi akong nagbabasa habang nababasa ang mga liham.
Mas binilisan kong binasa ang lahat ng liham niya para sa akin. At patuloy parin sa pagdaloy ang aking mga luha.
Limang oras kong binasa lahat ng liham ni Simon. Di ko parin mawaglit ang sakit ng mga nararamdaman ko.
"My dear, I GOT MY MEMORIES BACK, naaalala ko na lahat. I can be your sunflower again. Pero," hikbi kong sabi na yumayakap kay mama.
"Pero mama, may iba na siya! May bago na siya, anong gagawin ko wahhhhhh," iyak kong sabi na parang bata.
"Di ka papalitan non anak," sabi ni mama.
"Meron na mama e'. Meron na siya," hikbi ko parin.
"E' tanga-tanga pala yang sir mo. Iiwan ka niya na iniiyak iyakan ka araw-araw . Tapos di ba siya nasasayangan sa 20 million na binigay niya sa atin para mapapaoperahan kalang. Baliw na lalaki yon ganoon," inis na sabi ni mama na imbis naumiiyak ako natatawa ako bigla.
"Mama naman e'. Pinapatawa mo naman ako mama e'," sabi ko sa kanya na kumalas sa yakap.
"Di naman ako nagbibiro, totoo naman 'yon," sabi niya sa akin ng seryoso.
"Ano na? Okay ka na? Wala nabang masakit sayo?" Sabi niya sa akin habang hinawakan ang aking mukha at nilagay ang aking buhok sa tenga.
Di ko alam na may soft side pala si mama. Naiiyak ako ng makita kong kulubot na ang kanyang mukha tapos wala na siyang ngipin. Kung ikompara kay dad and mom kakaibang kakaiba.
"Mama, namiss kita," napaluha kong sabi sa kanya.
Napaluha nalang din siya nang makita niya ang aking mukha.
"Mama, bakit pala napunta ako sa'yo gayo'y ang tunay na magulang ko ay si mom and dad," I asked.
"Kinidnapped kita sa kanila anak. Bumali ako sa papa mo ng pera pampagaling ng anak ko na kaedad mo din pero di nila ako binigyan. Namatay ang anak ko dahil sa sakit niya. Nagalit ako sa pamilya mo kaya dinala kita sa nayon namin," mom utterred at naiintindihan ko naman siya.
Marami pa siyang sinabi sa akin at nabigla ako sa kanyang kahuli-hulihang sinabi.
"Kaya hanggang ngayon, pinaghahanap parin ako ng mga police dahil sayo, pero wag kang mag-aalala anak, susuko na ako," sabi ni mama na mapait ang kanyang mga ngiti.
"Mama may dahilan ka naman e' kaya mo ako kinuha. At nagpapasalamat nga ako dahil di mo ako pinatay," sabi ko sa kanya.
"O siya anak, halika kain na tayo. Galing ako sa palengke kanina namimili ako ng masarap na pagkain para sayo," sabi ni mama sa akin na masaya akong sumunod sa kanya.
"Nga pala, nakalimutan kong ibigay sayo ang cellphone, nakuha ko ito ng makita kita sa kinuhanan ko ng panggatong," mama utterred.
"Hayss salamat mama, sigurado akong hinahanap na ako ng mga magulang ko," I utterrred.
"Nga pala mama, ilang araw ba ako di nagising," tanong ko sa kanya sabay kain dahil gutom na gutom na ako.
"Limang araw kang hindi nagising," sabi ni mama.
"Ang tagal pala," sabi ko habang sumubo parin ng pagkain.
"Nga pala may pinuntahan ako kanina para siya na magdala sayo sa inyong bahay," sabi ni mama.
Di ko nalang ito pinansin dahil sobrang gutom ako.
"Nga pala mama, nasaan si papa?" tanong ko sa kanya.
"Patay na siya anak, namatay siya noong nawala ka. Nalulungkot yun dahil di kana niya makita," sabi ni mama na nakapagpapaiyak sa akin.
"Kawawa naman po si papa, e' si bunso ma?" Sabi ko sa kanya.
"Kinuha na siya ng tunay na magulang niya," mama utterred na umiiyak.
"Kaya ngayon ako nalang mag-isa," napaluha siya sa kanyang sinabi.
"Mama, how about doon tayo sa bahay ulit? Balik kayo do'n," sabi ko.
"Magpapakulong na muna ako anak, dapat kong pagbayaran ang aking mga kasalanan," she utterred.
"I will do my best para maayos kalagayan mo ma, ako bahala sayo," I utterred na nakapagpapahagulgol sa kanya.

YOU ARE READING
YES! I'M MR. SIMON // BOOK 2 (COMPLETED)
FanficSimon reclaims the SM company from his brother. He fights the corporation as a metaphor of his love for Zhiel, whom he had met and love inside the company. He realizes that he already lost his sweetheart, and now he does not want to lose the company...