04.

125 12 2
                                    

I managed to go to Yanah's unit despite crying nonstop. Nanghihina man ang katawan ko dahil sa labis na pag iyak ay pinilit kong makarating. Ngayon ay nandito na ako sa unit ni Yanah, naghihintay sa kaniyang matapos sa pagluluto.

Pinanood ko lang siya nang tahimik. Alam kong nase-sense niyang may mali sa akin pero alam niya ring hindi niya ako pwedeng pilitin. She'll wait until I'll tell her. Mananahimik siya hanggang sa sumuko ako at magsalita.

Yanah's been my friend for long. Mula pa noong kolehiyo ay kilala ko na siya dahil naging kapitbahay namin siya noon hanggang sa lumipat siya ng tirahan dahil sa kursong gustong aralin. She studied far away from me and that's how we lost communication but the moment Jeoniel introduced Ralph, I got the chance to see Yanah again. We're back now as being bestfriends. Leisheen sometimes joins us but in this matter, only the both of us knows.

Hindi sa ayaw kong ipaaam kay Leisheen, it's just that... she's busy with her family and I do not want to add up to her stress and problems. Maybe, when the right time comes, I'll be the one to tell her.

Maybe, before I die... masabi ko kay Sheen.

"Anong movie gusto mong panoorin natin?" I glanced at her and saw her looking at me. Napangiti na lang ako at sumandal sa upuan. By that, I know she's trying to divert my attention.

Laking pasasalamat ko kay Yanah dahil buong oras na kumakain kami ay siniguro niyang maayos ang pakiamdam ko at nakatawa ako. She'll tell me jokes and we will both laugh out loud. I know Yannah has her own problems but the feeling of someone trying to cheer you up without you telling them is one of the most comforting feeling in the world.

After we ate, we head straight to her room. Nakahanda na roon ang mga snacks naming dalawa. Maging ang TV ay nakabukas na at pati ang mga CD niya ay nakalabas na.

I proceeded to go to the bathroom to clean myself as Yanah prepared the movie. Dala dala ko ang pajamas ko at agad akong naglinis ng katawan. Silence engulfed me and suddenly my mind became clouded.

For the past months, hindi ko alam kung nagawa ko pa bang gumising nang masaya. Kung nagawa ko pa bang gumising nang magaan ang pakiramdam ko. Sa nagdaang mga araw, wala akong ginawa kundi ang umiyak at maghirap.

I wonder, kung hindi kaya nangyari lahat ng ito, ano na kayang sitwasyon namin? Pareho siguro kaming abala sa paghahanda para sa kasal namin. Pareho siguro kaming bumibisita sa mga wedding organizers. Sabay nagpaplano, sabay nilu-look forward ang future namin.

But, fate fucked us up.

Bakit gano'n? Bakit kailangang mangyari pa ito? Masaya na kami, eh. Mahal namin ang isa't isa, handa na kaming magpakasal pero siguro, hindi ibig sabihin na handa na kayo ay talagang magiging masaya na kayo. Hindi ibig sabihin na mahal niyo ang isa't isa ay mananatiling kayo sa huli.

Dahil ang pagmamahalang walang kasing-tamis noon ay wala nang kasing-lamig ngayon.

My hand suddenly found its way to the bathroom's wall. Napasinghap ako nang maramdaman ang pagkirot ng ulo ko. Sinubukan kong maglakad ngunit mas tumitindi ang sakit sa puntong nanlambot na ang tuhod ko.

I screamed as the pain got intense. Parang binibiyak ang ulo ko. Sobrang sakit na naging sanhi na rin ng pagtulo ng luha ko. Clutching my head tight using both my hands, I screamed until I heard the door opened abruptly.

"Lorrie!" I heard Yanah's voice until everything went black.

A loud ringing of phone made me open my eyes. Bumungad sa akin ang pamilyar na kisame ng kwarto ni Yanah. Tumitig pa ako roon nang ilang sandali upang pakiramdam ang sarili ko. Nang masigurong ayos na ako ay dahan-dahan akong tumayo at nadako ang tingin sa orasan sa itaas ng pintuan.

9:13 PM in the evening.

Napahawak ako sa tiyan ko nang maramdaman ang gutom. Kaninang tanghalian pa kami kumain kaya hindi na ako magtataka kung gutom na gutom ako ngayon.

I moved to find my slippers before I stood up. Itinali ko ang nakalugay kong buhok bago ako lumabas ng kwarto. The hallway is already dark but I manage to find my way towards the kitchen.

Binuksan ko ang ilaw ng kusina at agad akong napatili sa gulat dahil sa nakita. Napahawak rin ako sa dibdib ko habang nanlalaki ang matang nakatitig sa lalaking gulat na gulat rin na nakatitig sa akin.

Ilang segundo kaming nagkatitigan hanggang sa sabay kaming napahinga nang malalim. Napasandal ako sa mesa at pinawi ang gulat ko.

"Nakakagulat ka, Lorrie," Yael said and shook his head as he continue peeling the fruit he's holding. Nang tingnan ko 'yon ay nakita kong mansananas iyon.

Natawa na lang ako at bahagyang lumapit sa kaniya. I watched as his fingers skillfully peel the skin off the fruit. The apples looks so fresh. Mas lalo naman akong nagutom.

"Ayos ka na ba? Yanah told me that you fainted on the bathroom. Napaaga uwi ko from the trip tapos naabutan ko si Yanah na natataranta. The doctor checked on you and she said..." he paused. Huminga siya nang malalim at muling nagpatuloy.

"The cause of you fainting is because you've been stressing yourself. Lorrie, I know that you are stressed and hurt because of everything but please, take care of yourself." Yael's voice came out soft. Itinigil niya ang pagbabalat sa mansanas na hawak bago siya humarap sa akin.

Yael was there when everything about Jeon and I fell apart. Pinakilala siya sa akin ni Yanah noong minsang magkasalubong kami habang palabas ako ng clinic. He's handsome, has dimples on his both cheeks, sharp nose, beautiful pair of jet black eyes. His jawline can cut your fingers because of how sharp it is. His smile can make every woman fell in love in just a matter if second. He's indeed gorgeous, no exagerration.

"Yael..." I called him. His jet black eyes looks at me with softness, care and gentleness. Napangiti naman ako at sinambit ang salitang gusto kong sabihin sa kaniya noon pa ngunit palagi akong nawawalan ng pagkakataon.

"What is it?" He raised his brows then bit his lips, making his dimple more visible.

I took a deep breath and genuinely smile at him. "Thank you for being there for me."

His eyes softened. "Of course, you are important to me. Hindi pwedeng hayaan ka naming durugin ang sarili mo sa pagpapanggap mo. Magpanggap ka mang ayos lang ang lahat, alam kong hindi. You ex-fiance may be clouded with the thought of you cheating but, I know the whole truth. Nandito kami para sa 'yo," aniya kaya hindi ko maiwasang hindi siya yakapin.

"Salamat, Yael. Maraming maraming salamat," bulong ko.

Where Secrets Lie (SOW #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon