"Wala ka bang balak umalis?" Tanong ko paglabas ko ng banyo. Naabutan ko siyang nakaupo sa kama ko. Ang mga unan ko at kumot ay nakasalansan na nang maayos.
Nag angat siya ng tingin bago tumayo. "I'll stay here, Lorrie."
Napabuntong hininga ako at lumapit sa mesa ko para magsuklay. Napaisip ako. Bakit gusto niya pang mag-stay dito? Para alagaan ako? Kaya ko naman, eh. Kayang kaya ko. Hindi niya ako kailangan kaawaan.
"Uh, Yanah called you earlier. Aalis raw kayo para mamili ng mga furnitures..." sabi niya, binalewala ang tanong ko kanina. "Uh, pwede akong sumama?" Kunot noo akong humarap sa kaniya.
"Bakit ka sasama?"
He cleared his throat. "In case, you need help. Wala naman akong gagawin ngayon. Someone's managing the shop so, it's fine." Tumingin siya sa akin na parang nananantya. "So, can I? Baka may mabigat kayong bilhin... uhh, tutulong ako."
Hindi ko alam kung bakit agad nadako ang mata ko sa braso niyang exposed dahil sa suot na sando. Saan niya nakuha 'yang sando?
"Saan ka nakakuha niyang sando?" Tanong ko at tinuro ang suot niya. Napatingin siya roon bago nag angat ng tingin sa akin.
"Dala ko sa kotse. Nga rin pala, sa akin na kayo sumabay. Ipagda-drive ko kayo," sabi niya. Mabilis akong umiling at tumalikod saka dinampot ang cellphone ko.
I saw a text from Yanah.
From: Yanah
Girl, punta na ako d'yan! Marami kang ikukwento sa akin, okay? On the way na ako!
Napabuntong hininga ako at hindi na lang nag-reply. Dumiretso ako sa cabinet ko at kumuha ng damit pamalit. I pulled out a white blouse and jeans before I went to the bathroom to take a bath, completely ignoring the other person in the room.
Sa buong oras ng paliligo ko ay wala akong ibang naisip kundi si Jeoniel. Hindi ko alam kung anong purpose pa ng pagkakaalam niya tungkol sa kondisyon ko. Bakit niya pa malaman? Para saan pa? Did he really wants to take care of me o naaawa siya dahil mag-isa ako?
I don't know.
I dried my hair while walking out the bathroom. Wala na si Jeoniel nang bumalik ako sa kwarto kaya nakahinga ako nang maluwag. Inayos ko na ang sarili ko hanggang sa nakarinig ako ng boses mula sa labas ng kwarto. Nabosesan ko 'yon at napagtantong si Yanah na 'yon.
Naglagay na lang ako ng powder at nagsuklay ng buhok bago kinuha ang wallet at cellphone ko saka lumabas. Dumiretso ako sa sala at namataan si Yanah at Jeon na naroon at seryosong nagu-usap. Natigilan ako at naudyok na makinig muna.
"Bakit nandito ka?" Yanah asked seriously.
Jeoniel sighed. "I knew about Lorrie's sickness."
Yanah gasped but she immediately calmed down. "Oh, tapos? Ngayong nalaman mo, nandito ka? Eh, galit ka sa kaniya, right? You even told her that she'll suffer like you do, right? Pero Jeoniel, hindi mo alam na una pa lang, nagsa-suffer na siya! Una pa lang, naghirap na si Lorrie at ang kapal ng mukha mong magpakita dito porket nalaman mo lahat!" Napahinga ako nang malalim bago hinaplos ang dibdib kong bumibigat na naman. I sighed and sighed to ease the pain.
"I'm worried for her. I was devastated when I heard from Sheen and Victorious. N-naalala ko lahat ng masasakit na salitang nasabi ko at napakagago ko para gawin 'yon..." Jeon's voice broke. Dumoble ang bigat at sakit ng dibdib ko habang pinapakinggan siya.
"Talagang napaka-gago mo, Jeoniel! Bakit ka ba nandito? Ano? Kinakaawaan mo si Lorrie? Eh diba, kayo na nung Kath na 'yon? Kapal naman ng mukha mo talaga!"
Sinilip ko sila at nakitang nakayuko na si Jeoniel.
"No, hindi kami ni Kath. We never got into a relationship and I'm here because... I want to take care of Lorrie. I want to make up for all the things I've done and said to her," he said while he is looking down. Kumirot muli ang puso ko nang makita ang paggalaw ng balikat niya.
He's crying.
Is he crying for me?
"You're here even after... she cheated?" I noticed how Yanah hesitated to say the last two words. Alam naming pareho na hindi totoong nagloko ako pero sa palagay ko ay napagtanto rin niyang hindi pa 'yon alam ni Jeoniel.
Jeon lifts up his head. I can clearly see his tears. Namumula na ang ilong niya at nakakagat labi siya para pigilan ang luha.
"I got mad at her for that but right now, I'm more mad at myself for leaving her alone while she's suffering. Nandiyan siya nung nagluluksa ako pero, ako wala nung siya naman ang nahihirapan."
"She cheated on you while you are mourning for you mother," Yanah stated but I noticed her hesitancy.
Jeoniel sighed heavily. "Still. She stayed with me. She cried with me. She mourned with me. Kahit alam kong nagloko siya... sinamahan pa rin niya ako noong time na ako ang nagluluksa."
Natahimik silang dalawa. Yanah seems to notice my presence as she lifts up her head and look straight at my direction. Mabilis akong umiling at inayos ang sarili ko bago tuluyang nagpakita.
"Aalis na ba tayo?" Malamig na tanong ko.
Jeoniel jumped a bit and I saw how he quickly wipe his tears. Iniwas ko ang tingin sa kaniya at nilingon na lang si Yanah na pinapanood ako.
"Tara na para mabilis tayong makabalik."
Tumalikod ako ngunit natigilan nang magsalita si Jeoniel.
"Can I come? I can help you." Bumuntonghininga ako at tumango na lang bago naglakad muli.
Yanah held my arm. Sinabayan niya akong maglakad palabas ng bahay.
"Alam na ni Jeoniel ang tungkol sa sakit mo?" Bulong niya.
"Hmm, noong isang gabi niya nalaman..." sagot ko. Yanah gasped and we both stopped, waiting for Jeoniel to open his car's door. Nilingon ko ang lalaki na agad nagmadali ng lakad nang mapansing nakatingin kami sa kaniya. Binuksan niya ang pintuan sa passenger seat at maging sa backseat.
"Ikaw na sa passenger seat, Lorrie..." sabi ni Yanah. Hindi na ako nakipagtalo. Mabilis na akong pumasok at isinara ang pintuan. Sumandal ako sa upuan at pumikit muna habang hinihintay silang pumasok.
"Saang mall ba? Gusto niyong kumain muna?" Jeoniel asked but I remained closing my eyes. Natahimik kaya nagtaka ako at nagmulat ngunit muntik na aking mapatili nang mabungaran ko si Jeoniel na malapit sa akin.
"A-anong..." utal na sabi ko.
I heard a clicked. Jeoniel smiled at me. "Seatbelt, my love."
BINABASA MO ANG
Where Secrets Lie (SOW #3)
RomanceSeries Of Wheres #3 - Happily engaged and soon-to-be married, Lorrie Jane Fuertes and Jeoniel Salazar developed their future plans. They planned to have a simple yet happy life with the family that they would create. They say a rainbow comes after...