20.

140 11 0
                                    

"What?" Mahina ang boses ko nang itanong ko iyon.

Yanah stood up. "I remember you telling me that your cousin wants to meet up with you, right? Then, you sent me a text for me to pick you up, remember? Wala kang ibang kasama noon kundi si Kath lang bago nagkaroon si Jeoniel ng litratong gano'n!"

I sighed and felt drained. Why am I getting shock after shock? Sunod sunod ang labas ng mga rebelasyon. Hindi ba pwedeng kumalma muna?

"And also!" Yanah exclaimed. "I remember seeing a guy with you. Langong lango ka noon sa alak nang makita kita tapos 'yung lalaki ay hindi makatingin sa akin noon. So, I therefore conclude that your bitchy and bratty cousin who loves Jeoniel, set you up using that guy!"

Nanghihina akong napahiga sa kama at napatitig sa kisame. I feel myself getting numb. Para bang ang lahat ng nalalaman ko ay naghalo halo na kaya wala na akong maramdaman pa.

I blankly stare at the ceiling while memories keeps flashing on my mind. The night where my cousin asked me to meet her up. I remembered getting drunk and dizzy and after that, everything went black. I woke up the next day with a massive headache and Yanah took care of me.

So, she framed me up, huh?

"Lorrie, that cousin of yours ruined you two! Jeoniel believes that you cheated on him and when he saw my brother, inakala niyang si Kuya Yael ang lalaking kasama mo!" Napapikit na lang ako at tumagilid para yakapin ang sarili ko. I feel lost. Hindi ko na alam.

"Stop it. Wala nang patutunguhan ang lahat," bulong ko. I closed my eyes and wished for everything to be back to normal. Hinihiling ko na sana ay panaginip lang ang lahat. Sana magising ako mula sa bangungot na ito.

I woke up next morning. Wala si Yanah ngunit rinig ko ang boses nila sa labas at ang pagkahol ni Bambi. Tumayo ako at mabilis na naghilamos bago lumabas ng kwarto.

Bambi barked and ran to me. Napangiti ako at binuhat ang aso.

"Good morning, hija. Nakatulog ka ba nang maayos?" Napaangat ako ng tingin nang marinig ang boses ni Lola Rufina.

Yanah smiled to me. Nakita ko ang bakas ng ngiti sa mukha niya. Dahil siguro sa usapan nila ni Lola Rufina.

"Opo, Lola. Kayo po ba? Kamusta po ang tulog niyo?" Tanong ko at lumapit kay Yanah na may hinahalo sa isang kaldero.

"Maayos ang tulog ko, hija. Mabuti naman at naging komportable kayo sa tulog niyo. Kayo ba ay tutuloy na matapos mag-almusal?"

"Opo, Lola. Kailangan pa po naming pumasok sa trabaho at bukas po, mamimili kami ni Lorrie ng gamit sa bahay niya," tugon ni Yanah.

"Ganoon ba? Maraming salamat sa inyo at sinamahan niyo ako rito kagabi. Pagpasensyahan niyo na rin kung pinilit kong dito kayo magpalipas muna ng gabi."

I smiled and shook my head. "Ayos lang po, Lola. Mabuti nga po at may kasama kayo at tama rin naman po kayo. Delikado po ang mag-isa," sagot ko at tumulong na sa pagsalin ng sopas na niluluto ni Yanah.

Masaya ang naging atmospera habang nag-aalmusal kami. Tuwang tuwa ako kay Bambi dahil panay ang pag-ikot nito sa paanan ko. Sinuway siya ni Lola pero sinabi ko na ayos lang at hindi naman nakakaabala.

Kami na rin ni Yanah ang naghugas ng pinagkainan habang nakikipagkwentuhan kay Lola. Matagal na raw mula nang huli niyang makita ang mga anak. 

"Mag-iingat kayo, Yanah at Lorrie. Dumalaw muli kayo rito sa susunod," bilin ni Lola Rufina sa amin bago kami umalis ni Yanah. Sabay kaming pumanhik at dumiretso sa kaniya-kaniyang trabaho.

"Sabay tayo magdinner mamaya, girl. Sunduin kita sa apartment mo," sabi ni Yanah bago siya umalis. Pumasok ako sa clinic at bumati sa mga katrabaho ko.

The day went smooth. Nang mag-lunch ay sabay sabay kaming kumain sa loob dahil nagdala ng pagkain ang isang katrabaho. Kaarawan pala niya kaya napuno rin ng batian at kantahan ang buong clinic. Nakangiti lang ako buong oras habang nagkakantahan sila at kinakantyawan ang doktor na may kaarawan.

When 1 PM came, muli kaming bumalik sa trabaho. May mga tao na ring dumating at nagpatingin kaya naging abala na kami sa trabaho. Mabilis ring lumipas ang oras at namalayan ko na lang na uwian na. Gaya ng nakagawian, ako ang nagsara ng clinic. Yanah's already waiting for me while still wearing her uniform.

"Kumusta?" Tanong niya nang magsimula kaming maglakad patungo sa madalas naming kainan.

"Ayos lang naman. May handaan kanina dahil kaarawan nung isang katrabaho. Ikaw ba?" Tanong ko.

Yanah scoffed. "Nakaka-stress! Alam mo bang nai-stress ako dun sa dalawang estudyanteng lantaran kung magharutan, nako!" Natawa ako nang malakas dahil sa sinabi niya. Halata ngang nai-stress siya sa mga estudyanteng 'yon.

"Hayaan mo na. Gano'n talaga ang kabataan," tumatawang sagot ko bago kami sabay pumasok sa kainan. Sa madalas na inuupuan namin kami dumiretso at gaya ng nakagawian, si Yanah ang um-order para sa aming dalawa.

Naiwan ako sa mesa ko at tinuon ang sarili sa cellphone ko. Nag-angat ako ng tingin para silipin si Yanah pero iba ang nahagip ng mata ko. His eyes are staring straight at me. Nilukob na naman ng kaba ang dibdib ko kaya mabilis akong mag-iwas ng tingin

Hindi na ako mapalagay dahil alam kong nasa iisang lugar lang kami. Kahit nang dumating si Yanah ay hindi pa rin ako mapakali. Walang imik akong kumain habang si Yanah ay nagkukwento.

Muli kong sinulyapan ang lugar kung nasaan siya na sana pala ay hindi ko na lang ginawa dahil hanggang ngayon ay nasa akin pa rin ang mata niya.

"Oh, shit! Ano, Lorrie? Ipabalot na lang natin ito?" Napansin ni Yanah ang itsura ko. Sa palagay ko'y nakita na rin niya si Jeoniel. "Lorrie, ipabalot na lang natin ito," sabi niya at akmang tatayo na pero isang boses ang nagpatigil sa kaniya.

"Pwede ka bang makausap?"

Natigilan ako at agad na nawalan ng sasabihin. Pinapanood ko si Yanah na sumubok magsalita. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko.

"Lorrie... can we talk... please?"

Where Secrets Lie (SOW #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon