26.

137 8 0
                                    

Si Yanah ang nakikipag-usap sa mga saleslady tungkol sa gamit. Hinayaan ko siya dahil may tiwala naman ako sa kanya. She knows my taste so, I let her handle.

Jeoniel beside me is silent. Naupo ako sa sofa sa gilid at pinapanood si Yanah na pumipili ng gamit. Jeoniel chose to stay and sit with me while we wait for Yanah.

"Gusto mo bang kumain? I can buy you food outside," Jeoniel said making me turn my head towards him. Pinakiramdaman ko ang sarili ko kung nagugutom ba ako.

"'Wag na. Hindi ako gutom," sabi ko bago muling lumingon sa harapan. Yanah looked at me and smiled. Halata sa mukha niya ang pagtatanong kung ayos lang ba ako kaya binigyan ko lang siya ng thumbs up.

"How about drinks? Hindi ka ba nauuhaw?" Tanong niyang muli. I sighed and shook my head.

"Hindi na. Hindi ako gutom o nauuhaw," sagot ko bago sumandal sa sofa. Bumuntonghininga siya bago tumango. Dumako ang tingin ko sa kanya pababa sa kamay niya. Natigilan ako nang makita ang suot niya.

Nanuyo ang lalamunan ko habang nakatitig doon.

"The engagement ring..." I trailed off while looking at his finger wearing a ring. Our engagement ring, to be exact. Muling kumabog ang puso ko at napuno ng pagtataka ang utak ko.

"W-why are you wearing that?" Nanginginig na tanong ko. Jeoniel followed my gaze and I saw how his fist clenched. Nanginginig man, nag-angat ako ng tingin sa kaniya.

"Bakit suot mo 'yan?" Ulit ko.

His soft eyes is on me. Tahimik siyang pinapanood ako bago bumaba ang tingin niya sa kamay niya. Napatingin ako nang kunin niya ang kamay ko at pinagsalikop ang kamay naming dalawa. Agad kong binawi ang kamay ko pero mas hinigpitan niya ang hawak.

"No..." he whispered.

I bit my shaking lips. "Bakit suot mo 'yan? T-tinapon mo na 'yan, diba?" Basag ang boses ko nang itanong 'yon.

Jeoniel scoots closer to me and I didn't have time to react when he leaned and put his face in my shoulder. I'm hearing his continous deep breaths before I felt his arm encircled my waist.

"I threw it, yes..." bulong niya. "But, I looked for it again. I'm mad but I can't threw it just like that," dagdag niya.

I closed my eyes and melted in his arms. His warmth slowly embracing me and I teared up realizing how much I miss his hugs. How much I wished to be in his arms again.

"I'm sorry, Lorrie Jane. If you want me to beg just for you to forgive me, I will. If you want me to kneel and kiss the ground just to be accepted again, I'll do it in a heartbeat," his arms on my waist tighten. "Take me back, please. Take me back in your arms... babe."

He wants me to take him back. I don't know if I'm just dreaming or if this is true. Hindi ko alam. Totoo ba? Did Jeon really said this? Or I'm just hallucinating?

I flinched when I felt him kiss my cheeks and whispered in my ear.

"I'll punish myself for hurting you if you want, just please... take me back."

I don't know how I manage to still stand properly there while we are waiting for Jeon to finish helping some male staff for the delivery of our furnitures. Iilan ang kinuha namin at ang iba ay ipapadala na lang daw. I paid for the furnitures and just let them do the work.

"Are you okay? Kanina ka pa tulala." Kinalabit ako ni Yanah kaya napatingin ako sa kaniya. Kunot ang noo niya at halatang nagtataka sa inaasal ko.

I mentally scolded myself and shook my head.

"Ayos lang ako, pinapanood ko lang silang mag-ayos," sabi ko sabay lingon kela Jeon pero nagulat ako nang masalubong ko ang mata niyang nakatingin ng diretso sa akin. Nakapamewang doon si Jeoniel habang tumatagaktak ang pawis. He slightly tilted his head, confused as to why am I looking at him. Mabilis akong nag-iwas ng tingin at tumingin na lang sa sahig.

I can't even look at him without feeling awkward. Hindi ko alam, ewan. I feel like it's forbidden. Forbidden for me to look at him or even talk to him.

Maybe, the thought that he's with my cousin is engraved in my mind 'til now? He said that they didn't have a relationship but, I can't still believe him. It's like, I want proof. I want proof that they really didn't have a realtionship. Who knows? Ilang buwan kaming hiwalay ni Jeon, imposibleng sa mga buwan na 'yon ay hindi naging sila o hindi nila naisipang pumasok sa relasyon.

"Lorrie, tara na. Uwi na tayo," Yanah held my hand them we walk towards Jeon's car. Tahimik akong naupo sa passenger seat habang pinapanood si Jeon na nakikipag-usap sa empleyado roon.

"Kanina ko pa napapansin na nagnanakaw kayo ng tingin sa isa't isa. Seryoso, anong meron?" Yanah commented making me turn my head to her. Mabilis akong umiling pero mukhang hindi siya kumbinsido.

"Did you two already talked?" She asked. I bit my lips and sighed before shaking my head. Yanah nodded and looked at me. "I was shocked when Jeon cried in front of me saying that he regrets leaving you suffering alone. Galit ako d'yan sa ex-fiance mo pero nung umiyak siya sa harapan ko, naawa ako. He cried for you, Lorrie. I can see that he still loves you. Hindi awa ang dahilan kaya nandito siya pero, nasa sa'yo ang desisyon kung hahayaan mo siyang makapasok ulit sa buhay mo."

I saw it. I saw how Jeon cried while he talks to Yanah. I saw how he cried the moment he knew about my tumor. I saw how he cried while I tried pushing him away. I saw how he cried saying he's a jerk.

Is that enough proof to assume that he really did came back because he still loves me? He's here with me to take care of me?

The door of the car opened and Jeon entered. Pawisan siya ngunit imbis na pawisan ay dumako ang tingin niya sa akin.

"May masakit ba sayo? Ayos ka lang? Do you want to eat something before we go home?" He asked while his eyes are fixed on me. I shook my head and smiled a bit.

"I'm fine..." mahinang sagot ko.

He started the engine and smiled at me.

"Tell me if you need anything. Just one word from you, I'll stop this car so I can buy what you want."

Where Secrets Lie (SOW #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon