06.

115 9 0
                                    

Buong oras ay hindi naging maayos ang paghinga ko. Jeoniel's arms is still on my waist. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. A part of me is happy that I can finally feel him close to me again but part of me is afraid. Afraid that if he come closer, he'll hear the fast beating of my heart.

When was the last time I felt Jeon this close? Matagal tagal na rin pala. 5 months? 6 months? I lost count but, feeling him near me made me want to cry. Ang pamilyar na amoy niya na gustong gusto ko. Kung dati ay libre akong yakapin siya kahit anong oras kong gusto, ngayon ay napaka-imposible na.

We spent our day on the cemetery. Ang dapat sandaling pananatili ko roon ay mas humaba dahil maliban sa ayaw akong bitawan ni Jeon ay ayaw din akong paalisin ni Lola Sally. Ika niya'y namiss daw niyang makita na magkasama kami ng apo niya.

I have a feeling about why Jeon is still holding me. Klaro sa akin kung bakit ayaw pa niyang bumitaw pero, isinasantabi ko. Kahit papaano ay maramdaman ko man lang siya ng ganito kalapit ulit.

"Alam niyo ba noon? Si Janice at ang tatay mo, Jeoniel na si Erwin, hindi gano'n ka-perpekto ang relasyon nila. Mas madalas ang pag-aaway sa kanila. Mainitin kasi ang ulo ni Erwin at maging si Janice ay hindi rin papatalo," pagkukwento ni Lola.

"Pero, kahit gano'n, nagtagal sila. Sa lahat ng naging nobyo ng anak ko, kay Erwin siya mas tumagal. Dumaan sila sa puntong kinamuhian nila ang isa't isa ngunit mas nanaig ang pag-ibig sa pagitan nila. Lahat ng pagdududa ay isa lang palang maling akala." Napalunok ako at agad ginapangan ng kaba sa hindi malamang dahilan.

Agad bumaling si Lola Sally sa amin at nagbitaw ng salita. "Kaya kayong dalawa, Lorrie at Jeoniel. Pakatandaan niyo sana na kahit gaano pa kalaki ang kasalanan ng isa man sa inyo, kapag pagmamahal ang mas nangibabaw, babalik at babalik pa rin kayo sa isa't isa. Tipong kahit gaano niyo gustong lumayo at kalimutan ang isa't isa, ang puso niyo'y patuloy na babalik at babalik sa nagma-may ari," makahulugang sabi ni Lola. Ngumiti rin siya at hinarap kaming dalawa.

"Hiling ko na sana ay maging mas matibay ang relasiyon niyo, mga apo."

Nang mag-alas kwatro na ng hapon, nagsabi na si Lola Sally na gusto na niyang umuwi kaya naman nagpaalam na kami sa puntod ni Tita Janice. Lola Sally asked me to tag along. Inimbitahan niya rin ako para sumalo sa kanilang hapunan dahil akala nga niya ay kami pa rin ni Jeoniel.

Jeoniel drives the car while Lola Sally is on the passenger seat. Ako naman ang nasa back seat. Naramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone ko kaya agad ko iyong kinuha.

Yanah's messages pops up.

From: Yanah

Girl! Ano? Kamusta?

Kuya Yael is with me right now!

Tinatanong niya kung kamusta daw 'yung lakad mo!!

Tell us kung magpapasundo ka, ha?

Agad gumuhit ang ngiti sa labi dahil sa mga natanggap na mensahe. Napakaswerte ko dahil nagkaroon ako ng kaibigan na tulad ni Yanah at Yael. I'll forever be grateful to them.

Nag angat ako ng tingin ngunit napatigil ako nang masalubong ko ang masamang tingin ni Jeoniel nang lumingon ako. Agad akong napaiwas at sa bintana na lang tinuon ang paningin hanggang sa makarating kami sa bahay nila Lola.

Mabilis akong bumaba at umalalay kay Lola Sally. Nakakapit siya sa braso ko habang naglalakad kami papasok ng gate. This house is making me remember every single moment.

Pagpasok pa lang sa pintuan ay tanaw kaagad ang family portrait na nakasabit sa pader. Naroon sa litrato sina Lola Sally, Lolo Bert, Tita Janice, Tito Erwin at maging si Jeoniel. Nag-iisang anak lang si Jeoniel kaya hindi na ako magtataka kung bakit mahal na mahal siya ng lahat. I've witnessed how his family loves him and cares for him. I've witnessed it all.

"Sandali nga, apo. Pupuntahan ko lang ang asawa ko at baka tulog na naman 'yon. Maiwan ko muna kayo," biglang sabi ni Lola Sally. May lumapit na lalaki sa kaniya na sa tingin ko ay ang nag-aalaga sa kanilang dalawa. Tumango lang ito sa amin bago alalayan si Lola paakyat sa kwarto.

Now, we're left alone. Umiral na naman ang kaba sa dibdib ko. Katahimikan ang bumalot sa amin. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Basta ang alam ko, naiwan na naman kami ni Jeoniel dito.

I heard his footsteps at nang bahagya ko siyang nilingon ay nakita kong naupo siya sa sofa. Pinagsalikop niya ang dalawang kamay bago nag angat ng tingin sa akin.

"Don't assume anything," he said with a cold voice. Napuno ng pagtataka ang mukha ko. Napansin niya 'yon at agad siyang bumuntong hininga na parang iritado dahil sa pagtataka ko. "I said that a while ago because I don't want Lola to know that we aren't okay." Sumandal siya sa sofa at tinitigan ako nang mariin.

I knew it. Palabas lang ang ginawa niya kanina. Naisip ko na rin 'yon ngunit isinawalang bahala ko dahil gusto kong maramdaman siya ulit na malapit sa akin. Alam ko na iyon, una pa lang.

I cleared my throat. "Alam ko naman 'yon. I'm not assuming anything." Tumalikod na ako nang makita ko na sina Lola Sally at Lolo Bert. Sa likod nila ay ang lalaking taga-alaga.

"Lorrie Jane, apo!" Masayang bati ni Lolo Bert. Napangiti ako lalo pa nang yakapin niya ako. Naramdaman ko ang paghaplos niya sa buhok ko.

"Hello po, Lolo," malumanay na sabi ko.

"Nako! Masaya ako at nakita ulit kita. Matagal na mula nang huli kayong dumalaw dito ni Jeoniel," nakangiting sabi niya. Napakagat labi ako at napatango na lang.

"Abala lang po sa trabaho, Lolo." Ngumiti ako. Nag aya na si Lola Sally na magtungo sa kusina para kumain na.

Na-miss ko rin ang luto ni Lola Sally. Noon kasi, madalas ako dito. Si Lola Sally ang nagluluto ng mga pagkain. Masarap kasi ang luto niya. Ika niya'y nagmula pa daw sa Lola ng Lola niya ang recipe.

Lola Sally urges us to eat. Nagtabi rin kami ni Jeoniel dahil kung magkalayo kami ay paniguradong magtataka sila.

Magsisimula na sana akong kumain nang may bagong pumasok sa kusina.

"Magandang gabi po!" Bati ng isang babae at nang lingunin ko ay nanlaki ang mata ko at hindi makapaniwalang tumingin sa kaniya.

"Kath, nandito ka! Halika at sabayan mo kaming kumain!" Rinig kong sabi ni Lola Sally pero nakatuon lang ang atensyon ko sa babaeng naglalakad na papunta sa upuan katabi rin ni Jeoniel.

What is my cousin doing here?

Where Secrets Lie (SOW #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon