13.

126 11 0
                                    

Sanay na ako.

Sanay na akong tanggapin ang mga maaanghang niyang mga salita. Sanay na akong mapagsalitaan niya ng masama. Dahil doon, sinampal ako ng katotohanang malaki na ang nagbago sa pagitan namin. Gusto kong gano'n na lang. Wag na sanang magkalapit kami ulit dahil alam kong kapag nangyari 'yon, madali akong bibigay.

Jeoniel is the sweetest man I've met pero dahil sa pangyayari, nag-iba na siya. Nag-iba siya sa akin pero siguro sa iba, hindi.

Bigla kong naisip ang pinsan ko. Ngayong magkalapit na sila ng lalaking gusto niya, hindi malabong mahalin rin siya ni Jeoniel pabalik. Hindi malabong maging sila rin.

Matagal nang gusto ni Kath si Jeoniel at sa palagay ko ngayon ay nakahanap na siya ng daan papasok sa buhay ng lalaki.

Well, it hurts but I know, I must accept it.

"Lorrie!" Yanah exclaimed making me snapped out of my thoughts.

"Bakit?"

"Ang sabi ko, ano bang gusto mong kainin? Nakatulala ka lang diyan!" Napakagat labi ako at napaiwas. Naningkit naman ang mata niya. "Iniisip mo ba si Jeoniel?"

His name still sends different emotions in me.

"Hindi," sagot ko bago tumayo at bumili ng makakakain. Pumila ako habang nakatulala sa sahig.

I never thought I'll be like this. Akala ko kapag nakaipon na kami ay ikakasal na, magkakapamilya, mamumuhay ng magkasama. 'Yon ang future na nakikita ko sa amin ni Jeoniel. Sabay naming susunduin ang magiging anak sa school, hahalik at yayakap tuwing papasok at pauwi.

But, fate really has a way to turn our lives upside down.

Nagkaroon ako ng sakit na alam kong hindi ko na matatakasan at nasaktan ko si Jeoniel. Ako ang masama sa tingin nila. Ako ang masama dahil niloko ko siya. Ako ang naging masama dahil lang sa kagustuhan kong wag siyang saktan.

Pero hindi bale, konting tiis na lang.

"You know what I regret the most, Lorrie?" Nag angat ako ng tingin kay Yanah na nakayuko lang sa pagkain niya.

"What is it?"

She sighed and looked up to meet my gaze. "Iyon ay 'yung time na hindi ko kinausap si... si Ralph. Nagalit ako sa kaniya sa paga-akalang niloloko niya ako pero, hindi pala. Sinusuyo niya ako pero nagmamatigas ako hanggang sa... kinailangan niyang umalis para sa seminar..." Yanah's eyes are now teary. Hinawakan ko naman ang kamay niya. "Tapos... nangyari na. Hindi ko na siya makakausap ulit. Hindi na ako nakakahingi ng tawad sa kaniya. Hindi ko na siya makakayakap. Hindi ko na siya mahahalikan." Yanah sobbed. Nagmadali akong tumayo at yumakap sa kaniya.

Yanah stopped teaching after what happened to Ralph. Naiintindihan ko siya dahil masakit sa kaniya ang nangyari. Sa mga buwan na hindi siya nagtuturo, ako ang sinasamahan niya. Alam kong kahit masigla siyang makipag usap sa akin minsan, deep inside ay durog pa rin siya.

Losing someone you love feels like part of you died.

And that's what Yanah feels... even me.

"Kaya sana pag-isipan mo uli, Lorrie. Alam kong desidido ka nang ituloy 'yang pagpapanggap mo pero sa nakikita ko kasi, pinapahirapan mo lang ang sarili mo." Nagpunas siya ng luha at tumingin sa akin. "Lorrie, think about it before it's too late. Kahit 'wag na ako ang sumaya, kahit ikaw na lang. You still have the chance to make it right while... I don't."

Yanah went back home after our lunch. Ako naman ay bumalik sa clinic. Her words are lingering in my mind until I reached the clinic.

"Doc, kumusta po? Ilang buwan po kayong nawala, ah." Napalingon ako nang kausapin ako ng isang doctor rin na kasama ko. Ngumiti ito sa akin kung kaya't agad ko ring nginitian pabalik.

Where Secrets Lie (SOW #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon