12.

111 12 0
                                    

My first day of coming back to work, busy na kaagad. Umaga pa lang ay sunod sunod na ang dating ng mga amo kasama ang alaga nila. Ang ilang pasyente ko ay tuwang tuwa nang makita ako. Natawa pa ako nang masiglang lumapit sa akin ang isang tuta at dinilaan ang pisngi ko.

"Doc, ilang buwan din siyang hindi nakapagpa-check up sa Vet. Hindi ko alam pero mukhang ikaw ang gusto niyang mag-alaga sa kaniya. Dinadala ko 'yan dito pero mailap kapag iba ang tumitingin sa kaniya," sambit ng amo ng tuta na si Lola Rufina. Palagi silang nasa clinic ng alaga niya.

Noon ay hindi pa itong tuta ang lagi niyang dala rito. Nabalitaan kong patay na ang asong una niyang dinala rito at ito ang anak. Nakwento rin sa akin ni Lola Rufina na ang tutang ito lang ang nakaligtas. Ang mga kapatid ay patay na nang ilabas. Naaksidente kasi ang asong 'yon at apektado ang tiyan.

Napatingin ako sa tutang paikot ikot at hinahabol ang buntot niya. This puppy is lucky. He's the only one who survive. He's the only who manages to be alive.

Maswerte siya at ngayon, hinihiling ko na sana ay makita kong lumaki ang tutang ito.

Nagsimula akong tingnan ang kalusugan ng tuta at natutuwa ako dahil napakaliksi nito at napakalusog rin. Sinabihan ko si Lola Rufina sa schedule ng check up ng tutang si Bambi. Sinigurado ko na ako ang titingin kay Bambi tuwing check ups at tuwang tuwa naman siya.

"Ako'y uuwi na, Doc. Salamat sa'yo. Naging masiglang muli ang alaga kong ito. Nag-alala ako dahil matamlay sa nakaraang buwan. Mabuti na lang ay bumalik na ang sigla dahil yata sa'yo," natatawang sabi ni Lola Rufina. Napatayo ako kaagad ng mapansing medyo hirap na si Lola maglakad.

Wala man lang bang kasama si Lola?

"Lola, uuwi po kayo mag-isa?" Tanong ko at inalalayan siya maglakad.

"Naku, Doc! Nakakahiya naman! Kaya ko pang maglakad. Kinaya kong maglakad ng dalawang oras patungo dito kung kaya't kaya ko rin pabalik." Napanguso naman ako sa sinabi ni Lola. Naglalakad siya ng dalawang oras? Wala man lang naghahatid sa kaniya dito?

"Nasaan ang mga anak mo, Lola? O ang apo?" Tanong ko. Humarap sa akin si Lola Rufina habang buhat si Bambi na nakalabas ang dila.

"Umalis na sa bahay ang panganay ko dahil bumukod na. Iniwan naman nila ako ng sapat na pera para sa pangaraw-araw ko. Ang bunso ko naman ay nagtatrabaho abroad at balita ko'y may pamilya na rin doon. Pinadadalhan naman nila ako ng panggastos sa araw araw kaya naipapagamot ko pa itong si Bambi. Nako! Kung mawala pa ito si Bambi, hindi ko na alam ang gagawin." Nilingon niya si Bambi na nakasandal na sa kaniyang dibdib. Para bang nakikinig rin ito sa sinasabi ng matanda.

"Si Bambi ang kasama ko sa bahay ngayon. Palagi akong nalilibang dahil sa tutang ito..." Ngumiti si Lola Rufina ngunit kapansin-pansin ang lungkot sa mata niya. "Ngunit, iba pa rin talaga kung anak ko ang kasama ko."

Nakaramdam ako ng lungkot para kay Lola Rufina. Tanging ang tutang si Bambi lang pala ang kasama niya sa bahay. Imagine, kung hindi nabuhay si Bambi ay baka mag-isa lang si Lola sa bahay niya.

Napakagat labi naman ako at ngumiti kay Lola.

"Gusto niyo pong bumisita ako sa inyo? Kahit tuwing Sabado at Linggo po," nakangiting sabi ko.

Rest day ko tuwing Sabado at Linggo kaya bakit hindi ko na lang bisitahin si Lola tutal wala naman akong ginagawa? Malilibang pa ako kay Bambi.

"Doc, sigurado ka ba r'yan?"

Ngumiti akong muli at humawak sa balikat ni Lola. "Lorrie na lang po. Sigurado po ako, dadalaw po ako sa inyo tuwing Sabado at Linggo para po may kasama kayo, okay po ba 'yon?"

Gumuhit ang ngiti sa labi ni Lola kaya sobra sobrang kasiyahan ang nararamdaman ko. Magaan, masarap sa pakiramdam.

"Napakabait mong bata, Lorrie! Pagpalain ka nawa ng Diyos!"

Matapos 'yon ay tumawag ako ng taxi para kay Lola Rufina. Tinanong ko ang address ni Lola para malaman ko rin kung pupunta ako saka ko sinabi sa driver. Binayaran ko na rin ang driver ng isang libo. Sabi ko na kapag may sukli ay iabot na lang sa matanda.

"Ingat po kayo ni Bambi, Lola!" Paalam ko habang kumakaway. Ngumiti ang matanda bago tuluyang umalis ang taxi.

Bumalik ako sa loob ng clinic at nginitian ang iba pang mga taong naroon. Nang mag lunchtime ay naabutan ko kaagad si Yanah na nasa labas ng clinic kaya sabay na kaming nagpunta sa isang kainan malapit sa clinic. Ang ilang katrabaho ay nagkanya kanya ring punta sa kakainan nila.

"How's your first day after months of not working?" Tanong ni Yanah habang hinihintay naming maging pula ang traffic lights at makatawid.

"Masaya. Lalo nang makausap ko si Lola Rufina," sagot ko at nang makita ang paghinto ng mga sasakyan ay mabilis akong naglakad kasama si Yanah ngunit nagulat ako sa malakas na busina mula sa kanang bahagi.

"Lorrie!" Boses ni Yanah iyon ngunit hindi ko gano'ng narinig.

Naramdaman ko na lang na may humila sa akin dahilang nang pagbagsak ko sa lupa kasabay ng isang hindi ko kilalang lalaki.

Isang daing mula sa kaniya ang narinig ko ngunit hindi ko siya maaninag ng maayos. My visions are doubled! Napapikit ako at naghintay ng ilang segundo bago muling magmulat. Maayos nang muli ang paningin ko pero ang pagtibok ng puso ko, hindi.

I just met Jeoniel's gaze. Seryosong nakatingin sa akin ang walang emosyong mga mata niya. Kitang kita ko kung paano magsalubong ang kilay niya, senyales na seryoso siya.

Hindi ko alam kung paano nangyaring narito siya. Siya ba ang humila sa akin? Bakit sa dinami dami ay siya pa?

"Stand the fuck up." Malamig ang boses na lumabas sa kaniyang bibig. Natauhan ako at agad tumayo. Tinubuan ako ng hiya dahil nakita kong karamihan sa mga tao ay nakatingin sa amin.

Narinig ko ang pagtayo ni Jeoniel ngunit hindi ko siya nagawang lingunin. Naglakad ako palapit kay Yanah para sana hilahin na siya paalis pero nagsalita pa ang lalaki.

"'Wag tatanga tanga, ha?"

Oh, fuck... Jeoniel and his harsh words.

Where Secrets Lie (SOW #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon