30.

189 8 0
                                    

The familiar ceiling greets me the moment I opened my eyes. The familiar smell of the hospital reached my nose. Napabuntonghininga ako bago nilingon ang paligid.

I stopped when I saw Jeon on the sofa, sleeping with his mouth parted. Nakasandal lang siya sa sofa at nakahalukipkip. I can even hear him snoring.

Kath's words went back to my mind. Sa sandaling 'yon, umiwas ako ng tingin kay Jeon. Kath's words made me think.

Tama nga naman siya, sila ni Jeon ang magkasama at imposibleng walang nangyayari sa kanila. Knowing that Jeon hates me, it's not impossible. Ngayon, nagbunga ang ginawa nila. The sonogram and pregnancy test itself proves that what they did is true.

He's a father now. He'll have his own family now.

Hiniling ko ito noon. Na sana maging masaya si Jeon, magkaroon ng sariling pamilya kapag nawala na ako at heto na ngayon. Magkakaanak na siya. Magiging tatay na siya.

May karapatan pa ba akong makisawsaw sa buhay niya?

Hindi na pwede. Hindi na kami pwede. Imposible nang maibalik ang lahat. Imposible nang maipagpatuloy ang pagmamahalan naming dalawa.

"Babe?"

Mabilis akong napalingon at nakita si Jeon na papalapit sa akin. Mas bumigat ang pakiramdam ko pero nanahimik na lang ako.

"I'm glad you're awake now. The doctor talked to me, he said that... your tumor is continously spreading but in a slow pace..." he trailed off. "A-ayokong pangunahan ka pero, a-ayaw mo ba talagang magpa-opera? Ayaw mo bang... m-makasama ako?"

"Gusto," mabilis kong sagot pero umiwas ako ng tingin. "Gusto ko pang mabuhay, Jeon. Gusto kong magkapamilya. Gusto kong magka-anak. Oo, tinanggap ko sa sarili ko noon na mawawala na ako pero, nakakatangina, alam mo 'yon? Bakit kasi nandito ka? Bakit kasi bumalik ka? Alam mo bang... humiling na naman ako. Humiling ng isa pang pagkakataon pero... para saan pa? Gustong gusto kong mabuhay pa! Gusto kong magpa-opera pero anong saysay ng buhay ko kung wala na rin namang naghihintay sa akin?!" His eyes went wide. Ang matang malambot ay napalitan ng pagdilim at agad siyang napatayo.

"W-walang maghihintay sa 'yo? Anong tingin mo sa akin? I'll fucking wait for you! I'm praying to Him for your full recovery, Lorrie! Sana mawala na lang 'yang sakit mo! Sana mawala na lang 'yang pahihirap mo! Sana ako na lang 'yung naghihirap, hindi ikaw!" dala ng damdamin, pareho kaming umiiyak na naman. Bakit laging ganito? Lagi na lang ba kaming iiyak? Lagi na lang ba akong iiyak? Wala na ba talaga akong karapatang makaramdam ng pangmatagalang saya?

"I've read your notebook. I fucking saw what's written in your notebook. 'Yun 'yung notebook na iniregalo ko sa'yo noon, diba?"

For the nth time, my body felt cold and I froze in my seat. His bloodshot eyes are staring at me, hoping for me to answer him but I can't find my voice. I can't process everything.

Bakit ba nangyayari pa ito? May anak na siya! May magiging pamilya na siya pero bakit pinipilit niya ang sarili nya dito? Bakit nandito na naman siya? Gusto kong magwala pero dahil sa sobrang gulat ay hindi ko na magawa pang magsalita.

"I read all pages. H-how you knew about your tumor, how much you wanted to tell me and... t-the part... the part where you wrote that you really didn't cheat! All of that! I read all of that, Lorrie! G-gusto kong suntukin o kaya iumpog ang sarili ko dahil hindi ko matanggap! Hindi ko matanggap na napakagago ko para iwanan ka ng gano'n! Hindi ko matanggap na napakawalang kwenta ko para isipin na paghigantihan ka pa kahit wala ka naman talagang kasalanan! S-sana ako na lang 'yung naghirap! S-sana ako na lang, hindi na ikaw!" Napaluhod siya sa sahig at humagulgol. Sobrang lakas ng pag-iyak niya. Maging ako'y hindi na rin makahinga sa sobrang pag-yak.

Where Secrets Lie (SOW #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon