11.

114 10 0
                                    

Nagising ako dahil sa bulungan na naririnig ko. I gasped when my head hurts. Ikinalma ko muna ang sarili ko at hinayaang mawala ang sakit ng ulo ko bago ako magmulat ng mata. Natigil din ang bulungan.

Pamilyar na kisame ang bumungad sa akin. Napatitig pa ako para alalahanin kung saan ko nga ba nakita ang kisame ito. Hmm, saan nga ba?

"Gising ka na, Lorrie!" Nakarinig ako ng boses kaya napalingon ako sa gilid ko at nakita si Yanah na naglakad palapit sa akin.

"Yanah..." mahinang sabi ko. Naupo si Yanah sa upuan sa tabi ng kamang hinihigaan ko. Humawak siya sa kamay ko at bakas sa mukha niya ang pag-aalala.

"Nag-alala kami. You had seizures, kaya dinala ka namin dito sa hospital. Yuri called us." Napatango ako at mas tiningnan ang paligid. Oh right, I'm in the hospital. Kaya naman pala pamilyar na pamilyar ang paligid.

"Salamat. Ayos lang ako, salamat din kay..." hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang mapagtanto kung ano ang pangalang babanggitin ko. Nanlaki ang mata ko at nilingon si Yanah ngunit nahagip ng mata ko ang lalaki sa likuran.

Inatake ako sa harapan ni Yurinard!

Someone cleared throat. Doon pa lang ay sobra na akong kinakabahan. Huminga ako nang malalim para kalmahin ang sarili ko. Lorrie, calm down. Hingang malalim.

"Tubig?" Nag angat ako ng tingin at nakita ang seryosong ekspresyon ni Yuri habang inilalahad sa akin ang baso ng tubig. Nanginginig ang kamay ko itong kinuha.

My fear is rising! Alam kong sa mga oras na ito, alam na ni Yuri na may sakit ako. Maaaring narinig na niya mula sa doktor o kaya may assumption na siya. Hindi ko na alam!

Yael's phone rang. Lumabas siya para sagutin iyon at ipinagdasal ko na sana 'wag maisipan ni Yanah na umalis dahil hindi ko alam kung paano ko haharapin si Yuri.

But, heavens didn't grant my wish.

Yanah gestured me that she'll go out. Hindi na ako nakaangal dahil nakaalis na siya. Now, it's me and Yuri. Hindi ko alam kung anong gagawin niya matapos nito. Sasabihin ba niya kay Jeoniel? Pero, ayoko. Ayokong malaman ni Jeoniel.

"You fainted," sambit niya. Tumango lang ako at hindi na umimik. Nanatili siyang nakapamulsa sa harapan ko bago bumuntong hininga.

"Tell me, Lorrie Jane..." he trailed off. "Ano ba talagang nangyayari sa inyo ni Jeoniel?" Ang tanong na iyon ay nagpakaba sa akin nang husto. Halos hindi ako makahinga nang maayos.

Bakit pa kasi inatake ako sa harapan niya? Ayos naman na ako. Bakit pa kailangang makita ni Yuri 'yon? Bakit pa kailangang malaman ni Yuri?

"Wala akong intensyong manghimasok pero, talaga bang niloko mo si Jeoniel? Did you really had an affair with other man while you're with him?"

Hindi.

I want to shout that word. Hindi ako nagloko. Hindi ko gustong saktan si Jeoniel. Hindi ko alam kung paano nakahanap si Jeoniel ng gano'ng larawan. Hindi ko alam kung saan niya nakuha 'yong mga larawan na 'yon.

Ngayong nanumbalik sa isip ko 'yon, saan nga ba nakuha ni Jeoniel ang mga larawang 'yon?

Hindi ko siya kokomprontahin. Hindi ko susubukang ipaliwanag kay Jeoniel na hindi ako nagloloko. Hahayaan ko siyang gano'n ang isipin. Ang iniisip ko lang, saan niya nakuha ang litratong 'yon?

Sino ang nagbigay sa kaniya?

"Wala kang balak sabihin sa akin? Well, fine." Yuri turned his back and walked out. Nakahinga ako nang maluwag at nanghihinang napahiga muli. I suddenly felt drained.

The doctor let me go out. Dra. Tejia adviced me to take my medicines and attend check ups. Dahil sa pagkalugmok ko kay Jeoniel, nakakalimutan ko na rin pati ang gamot ko. Sinabi ko na lang na iinom ako bago kami umalis ni Yanah. Yael already left when he got a call from the resort. May emergency daw doon.

"Lorrie, kaya mo na ba?" Naupo sa harapan ko si Yanah nang makauwi kami sa condo niya. Tinitigan ko ang mga papeles na nasa harapan ko.

I wanna go back to work. Maybe, If I go back, makakapag isip ako nang maayos. Ayos nang maging busy sa trabaho ko kesa puro si Jeoniel ang naiisip ko.

I'm planning to go back to the clinic. Nakapagsabi na ako sa head ng hospital na babalik na ako at ngayon, kararating lang ng email. Maaari na daw akong bumalik sa trabaho.

"Kaya ko naman. Gusto ko na ring bumalik sa pagtatrabaho. I miss treating patients," nakangiting sabi ko.

My work as a veterinarian is a great job. Yes, I'm a veterinarian. Mahilig ako sa mga hayop noon pa man, literal na hayop. Hayop na pet. Not hayop na... why am I thinking this?

I remembered our first dog. We did had a dog back then. Kapag nagkakasakit ay dadalhin niya sa clinic namin at ako ang gagamot agad dito. Ngunit, namatay na rin ang asong 'yon. Kasabay ng pagkamatay ng pagmamahal sa aming dalawa.

"Okay, alam ko namang hindi ka na mapipigilan. I bet, you miss those cute looking pets!" Yanah smiled. Tumango naman ako dahil totoo naman. I feel like if I see those cute creatures, I'll relax.

"Wala kang balak umuwi sa inyo?"

Napatingin ako kay Yanah nang itanong niya iyon.

"Ibig kong sabihin, baka hinahanap ka ni Jeoniel. Hindi ka ba uuwi? Baka mamaya ay biglang dumalaw ang Lola nun tapos wala ka," aniya.

Napasilip ako sa cellphone ko nang wala sa oras dahil sa sinabi niya. No text. Malamang, bakit pa magti-text?

"Hindi na. Hindi naman niya ako hinahanap at hindi na ako hahanapin nun." Tumayo ako at dumiretso sa kwarto ni Yanah. Ginawa ko ang nakasanayang gawin bago ko kinuha ang notebook ko.

This notebook is my witness. Narito lahat ng saloobin ko. Dahil alam ko, wala na akong mapagsasabihan. Hindi ko na siya pwedeng pagbuntungan ng sakit at bigat na nararamdaman ko.

The notebook he gave me years ago is now witnessing how I'm suffering... without him knowing.

Where Secrets Lie (SOW #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon