18.

129 10 0
                                    

Lola Rufina stayed at the clinic. I also insisted for her to stay. Tanghaling tapat rin at mainit sa labas. Mas mabuting nandito si Lola, malamig at makakapagpahinga pa siya sa opisina ko.

Bambi is playing with the other dogs. Tuwang tuwa kaming lahat habang nagtatrabaho. Seeing them cheerful and happy lifts up my mood.

Sumapit ang alas kwatro ng hapon nang wala nang gano'ng dumating kaya nakapagpahinga kami. I went to my office ang saw Lola sleeping.

Tahimik akong nagtungo sa mesa ko at kinuha ang wallet ko para makabili ng makakain sa labas. I'm hungry. Kaninang lunch pa ako huling kumain.

I went outside the clinic. Sa isang malapit ay nagtitinda ng streetfoods at katabi noon ang mga tusok-tusok. May nagbebenta rin ng gulaman at palamig. Saktong sakto sa meryenda.

"Hi, Doc!" Bati ni Manong na nagtitinda ng fishball. Bahagyang nanlaki ang mata ko nang makilala siya. Mukhang nakilala rin ako nito dahil lumawak ang ngiti sa mukha niya.

"Tagal ko po kayong hindi nakita, ah!" Sabi niya.

Siya ang madalas naming binibilhan noon ng mga ganito kapag lumalabas kami.

Tumango na lang ako at ngumiti. "Oo nga po, eh. May nangyari lang po pero ayos naman na." Lumapit ako at nagsimulang tumusok ng gusto ko. Nilingon ko ang ale na nagtitinda ng palamig. "Ate, limang pisong palamig nga po," sambit ko na agad niyang tinugunan.

Kumain ako mag-isa roon habang tanaw ang abalang kalsada. Inubos ko mag-isa ang pagkain ko bago ako nagpasyang bumalik. Nagpaluto pa ako ng iilang tusok-tusok para maibigay kay Lola Rufina.

Bumalik na ako sa clinic at dumiretso sa opisina. Naabutan kong naroon na si Bambi at nakaupo sa tapat ng matanda na gising na.

"Lola," tawag ko. Nag-angat ng tingin ang matanda at ngumiti sa akin. Lumapit ako at ibinigay sa kaniya ang nabili kong meryenda.

"Maraming salamat, Doktora. Saktong sakto ito dahil sa palagay ko'y gutom na itong si Bambi." Napangiti ako at naupo sa swivel chair ko.

Maganang kumain si Bambi ng mga nabili ko at maging si Lola. Nang sumapit na ang alas singko ay tumayo na ako at inayos ang gamit ko.

"Hatid ko na po kayo, Lola."

Nilingon ako ng matanda at tumango. Tumayo na rin ito at binuhat na ang aso na agad humilig sa dibdib niya. Kinuha ko ang gamit ko at sabay na kaming lumabas. Nagpaalam ako sa mga katrabaho ko na pauwi na rin. Pinauna ko na silang makalabas dahil gaya ng nakagawian, ako ang nagsasara ng clinic.

"Hija, sigurado ka ba na ihahatid mo ako? Baka gabihin ka at baka may naghahanap na sa 'yo," mabilis akong umiling at hinarap si Lola. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala pero ngumiti akong muli.

"Ayos lang po, Lola. Mas mahalaga po na maihatid ko kayo. Wala rin pong maghahanap sa akin dahil nag-isa lang naman po akong nakatira sa bahay ko."

"Ganun ba? Aba, delikado rin kung mag-isa ka roon sa bahay mo. Bakit hindi ka na lang sa aming bahay magpalipas ng gabi? Delikado ang mag-isa roon, hija. Lalo pa't babae ka," nag-aalalang sambit ni Lola.

Napaisip rin ako. Kung hindi ako papayag, maiiwang mag-isa si Lola sa bahay niya. Gaya ng sabi niya ay delikadong mag-isa. Paano kung may biglang pumasok sa bahay niya at siya lang mag-isa?

"Sigurado po kayo, Lola? Hindi po ba abala sa inyo?"

"Hindi, apo. Ako nga yata ang nakaabala na sa 'yo kaya pumayag ka na. Ako'y mag-aalala kapag umuwi kang mag-isa roon sa bahay mo. Kahit papaano ay naging malapit na kayo sa akin dahil inaalagaan niyo ang pinakamamahal kong aso."

Napangiti ako at pumayag sa gusto ni Lola. Nang maihatid sa bahay niya, agad kong tinawagan si Yanah para pumunta sa bahay ni Lola. Sakto naman wala siyang ginagawa kaya agad siyang nakatugon.

"Saan punta mo?" Tanong niya nang makita akong paalis.

"Kukuha lang ako ng damit sa bahay tapos babalik ako dito. Sabi ni Lola Rufina ay dito na lang daw ako matulog," sabi ko.

Lumabas si Lola Rufina kasunod si Bambi. Nginitian nito si Yanah bago siya naupo sa sofa. Nag-angat ito ng tingin sa akin at nagtaka.

"May lakad ka, hija?"

"Kukuha lang po ako ng pamalit sa bahay, Lola," sagot ko. Tumingon ito kay Yanah bago bumalik ang tingin sa akin. Nilingon ko rin ang kaibigan bago mulng nagsalita. "Sasamahan po kayo ni Yanah dito habang kumukuha po ako ng damit," sambit ko.

Lola Rufina looked at Yanah. "Bakit hindi ka na lang din dito matulog muna, hija? Mag-isa ka rin ba sa iyong bahay?" Mukhang nagulat si Yanah sa tanong ni Lola pero agad din siyang sumagot.

"Opo, mag-isa po ako roon. Umuuwi naman po doon ang Kuya ko pero may trabaho po siya ngayon kaya mag-isa nga lang po ako."

"Oh, bakit hindi na lang kayo dumito muna? Wala rin naman akong kasama dito sa bahay at kung uuwi pa kayo ay baka mapahamak kayo sa labas." Nagkatinginan kami ni Yanah at parehong tumango.

"Daanan ko 'yung damit mo sa condo mo," sabi ko sa kaniya. Nagpaalam na rin ako at tuluyan nang lumabas. Sumakay ako sa isang nakaparadang tricycle at ilang saglit pa ay nakarating na ako sa tapat ng bahay ko. Pinakiusapan ko ang driver na maghintay sandali dahil sa kaniya na lang rin ako magpapahatid kaysa maghintay pa ako. Pumasok ako sa bahay ko na wala pa ring kagamit-gamit at dumiretso sa kwarto na tinutulugan ko. Kumuha ako ng kaunting damit bago lumabas.

Napaawang ang labi ko nang hindi ko makita ang tricycle na sasakyan ko sana bagkus, isang kotse ang bumungad sa akin.

Ang mas nagpagulat sa akin ay ang taong nakasandal sa kotseng iyon. Diretso itong nakatingin sa akin bago umayos ng tayo.

"Sakay na." Tumalikod siya at binuksan ang pintuan ng passenger seat. Napako ako sa kinatatayuan ko at hindi mawari kung anong sunod na gagawin.

Bakit nandito siya?

"Lorrie, sakay na," seryosong saad niya pero hindi ko pa rin magawang kumilos. Unti unting nilukob ng kalungkutan ang puso ko hanggang sa napagtanto ko kung gaano ko siya na-miss.

Lorrie, akala ko ba magmu-move on ka na? Bakit nami-miss mo?

Jeoniel sighed when I didn't move. Lumapit siya at marahang kinuha ang bag na hawak ko saka inilagay iyon sa backseat. Muli niya akong nilingon.

"Sakay na, ihahatid kita."

Where Secrets Lie (SOW #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon