Letter #3

58 3 0
                                    

Dear Francheska,

        Siguro malapit ng dumating 'yung letter na sagot mo sa letter ko last week. Nakatanggap na kasi ulit ako ng e-mail na natanggap mo na raw 'yung ipinadala ko. Sana nakain mo na 'yung cookies na kasama ng letter ko. I baked it for you. Naka-ilang tries ako bago ko na-perfect 'yan. Ipinatikim ko rin sa mga kapitbahay namin, at sabi naman nila okay naman daw, kaya kainin mo kaagad ha? Isulat mo sa next letter mo kung anong masasabi mo sa cookies na ginawa ko para sa 'yo, ha?

        Nga pala. Nagpaplano akong magbusiness kahit maliit lang, para pandagdag sa ipon ko. Hindi rin magtatagal at mapupuntahan na kita diyan. Makakasama na ulit kita. Magkakasama na ulit tayong dalawa. Gusto kong paghirapan ko 'yung sunod nating pagkikita. Nag-iipon din ako para kapag pumunta ako diyan, ako ang bahala sa gagastusin nating dalawa. Kakain tayo sa pinakamahal na mga restaurants diyan, promise. Punta rin tayo sa theme parks at kahit saan mo gusto. Promise.

        Sana dumating na 'yung mga letters na mula sa 'yo. Hindi na ako makapaghintay na makita ulit ang sulat-kamay mo. I miss the way you write my name on my notebook, kapag ipinaggagawa mo ako ng assignments. I miss the way you call me Zander, noong mga panahong ayaw ko pa ng pangalang 'yun. Sa totoo lang, noong ikaw ang tumatawag sa akin ng Zander, iba 'yung dating sa akin eh. Kaso, you've known me as someone who hates to be called by my full name. Kapag nagkita ulit tayong dalawa, call me Zander, kahit oras-oras, minu-minuto, o kahit pa segu-segundo. Basta ikaw, promise, hindi ako magrereklamo.

        Gabi na ng isinulat ko 'to, kaya hindi ko na masyadong hahabaan. Bukas na bukas ipapadala ko na kaagad 'to, para dumating kaagad sa 'yo. Next time ko na ulit sasamahan ng pagkain ha? Medyo mahal kasi kapag mas mabigat at mas marami ang ipinapadala. Tipid-tipid muna para makapunta na kaagad ako diyan. Magkikita rin tayong dalawa. Tiwala lang.

        Sulat ka kaagad ha? Maghihintay ako. Siguro after two to three days, nandito na 'yung letter mo. Hehe. Hindi ako naiinip, promise. Kaya take your time. Alam kong darating din 'yun. Alam kong sasagot ka.

        I love you so much. Please give me one more chance.

Love,

The Jerk who broke your heart

ZAYN

Love, The Jerk who broke your heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon