Dear Francheska,
Nabalitaan ko kay Alyssa na sa susunod na linggo na raw ang uwi niyo. Ibig sabihin, makikita na kita? Wow. Wow, pero alam kong hindi kita pwedeng lapitan. Hindi kita pwedeng kausapin. Kaya wala akong ibang magagawa kundi pagmasdan ka mula sa malayo. Pagmasdan ka ng hindi mo nakikita. Pagmasdan ka ng hindi mo alam. Okay na siguro 'yun, at least alam kong makikita na kita. Makakasama. Kahit nasa malayo ka.
Ibinalita na rin sa akin ni Harry na uuwi nga raw kayo, at dito na rin siya papasok kasama mo. I wanted to ask kung anong mayroon sa inyo, pero natakot ako na baka sabihin niyang kayo na. Na tuluyan mo na nga akong ipinagpalit. Na tuluyan mo na akong kinalimutan. Na wala na ngang pag-asa. Kinakabahan ako, Francheska. Pero gusto na kitang makita. Gusto na kitang makasama, kahit mayroon tayong distansya. Francheska, miss na miss na kita.
Next week na lang ulit ako susulat sa 'yo kapag nandito ka na. Kapag malapit ka na. Kapag alam ko kung binabasa mo talaga ang mga sulat ko. Kahit hindi ka sumagot, naiintindihan ko. Maiintindihan ko. Basta basahin mo lang ang mga sulat ko, masaya na ako. :) Ganiyan kita kamahal Francheska.
Sige na. Hindi ko na ito pakakahabaan. Hihintayin ko na lang 'yung araw na makikita na ulit kita. Naghihintay pa rin ako, Francheska.
Mahal na mahal kita. Hanggang ngayon. At mamahalin kita hangga't kaya ko pa.
Love,
The Jerk who broke your heart
ZAYN
BINABASA MO ANG
Love, The Jerk who broke your heart
AléatoireDear Francheska, Please give me one more chance. Love, The Jerk who broke your heart ZAYN