Hi guys! Sorry naman kung super late ang update. Sobrang busy lang talaga sa work. :D
Ito na po!
***
Nasa tapat na kami ng bahay namin pero hindi kaagad kami lumabas ng sasakyan ni Zayn. Nakaupo lang kami, nakatulala sa kawalan, at nagising lang ako sa katotohanan nung hinawakan niya 'yung kamay ko.
"Okay ka lang ba?" Tanong niya.
Napatingin ako sa kamay niya at sinabing, "O-Okay lang." Saka ako bumitaw sa pagkakahawak niya.
"Tss. Ayaw mo ng hawakan ang kamay ko ah. Ikaw rin. Baka magsisi ka sa bandang huli at masabi mong Sana hindi ako bumitaw sa kaniya. Hahaha." Aniya.
"Tss. Kahit kailan naman hindi ako magsisisi na bumitaw ako sa 'yo." Sagot ko sa kaniya, at narinig ko ang biglang pagtigil niya sa pagtawa.
Narinig ko na lang na tumunog 'yung lock ng sasakyan niya. Mukhang gusto na niya akong paalisin pagkatapos ng narinig niya mula sa akin. At dahil doon, bumaba na lang ako at hindi na nagpaalam.
Papasok na sana ako sa loob ng naramdaman kong may humawak sa kamay ko. Pagharap ko, si Zayn pala.
"Kahit kailan ba talaga, hindi ka magsisisi na bumitaw ka?" Tanong niya, at ramdam ko ang seryoso sa tanong niya.
Umiling ako at sinabing, "Hindi."
Binitawan niya ako at tumalikod siya saka niya sinabing, "Kahit mamatay ako?"
Umiling lang ako at dumiretso ako sa loob ng bahay namin. Naiwan lang siyang nakatayo sa labas at pasimple ko siyang sinilip mula sa bintana ng kwarto ko. Natakot naman ako ng bigla niyang sinabutan ang sarili niya na para bang masakit ang ulo niya. Bigla akong nag-alala.
Dali-dali akong bumaba upang puntahan siya pero nang nasa gate na ako, nakita kong naroon na si Anthine at inaalalayan na siya papasok ng kotse niya, kaya hindi na ako nakalapit. Nang napansin naman niyang nandoon lang ako, nakita ko kung paano niya ako inirapan.
"Tara na." Aniya sa kasama niyang magmamaneho ng kotseng dala niya, at siya naman ang magddrive ng kay Zayn.
Nang medyo nakalayo na sila, lumabas ako ng gate namin. Wala akong ibang nagawa kundi pagmasdan sila habang lumalayo.
Kinabukasan, hindi ko alam kung bakit pero hinanap ko si Zayn. Buong araw ko siyang nakita kaya nag-alala na ako na baka may nangyari na sa kaniya.
"Oh bakit tulala ka diyan?" Tanong ni Gellie nang lumapit siya sa akin.
"Wala naman." Pagsisinungaling ko.
"Sigurado ka ba diyan?" Aniya, at yumuko lang ako. "Si Zayn na naman ba?"
Nang tumunghay ako, nakita ko si Harry na nakatayo sa harap ko at nakangiti. Ngumiti rin ako sa kaniya saka ulit ako yumuko.
"Oh bakit malungkot ka?" Aniya nang umupo siya sa tabi ko.
"Naku. Si Zayn na naman dahilan niyan." Ani Gellie na nagpeace sign sa akin nang tumunghay ako.
"Nasa ospital si Zayn." Ani Harry na tumapik pa sa balikat ko. "Pero okay naman siya. Don't worry."
"B-Bakit siya nasa ospital?" Tanong ko naman dahil mas lalo akong nag-alala.
Pupunta sana ako sa ospital ngunit pinigilan ako ni Harry. Aniya, baka hindi maging okay si Zayn kapag nakita niya ako. Hindi ko maintindihan kung bakit, pero sumang-ayon na lang ako.
"Nagri-ring phone mo. Hindi mo ba naririnig?" Ani Harry habang ikinakaway ang kamay niya sa harap ng mukha ko.
"Sorry." Sagot ko naman bago ko tiningnan kung sinong tumatawag sa akin..Mama ni Zayn. "Hello po?"
"Pwede mo bang bisitahin si Zayn sa bahay sa weekend?" Tanong niya at hindi na ako nagdalawang-isip.
"Opo. Wala pong problema." Pagkasagot ko, ibinaba na kaagad niya ang phone.
Tinanong ako ni Harry kung sino raw ang tumawag sa akin pero hindi ko siya sinagot. Sa halip, umuwi na lang ako upang makapag-isip.
Hindi nagtagal, mabilis na lumipas ang araw at weekend na. Maaga akong pumunta sa bahay nina Zayn at nang dumating ako, tulog pa siya sa kwarto niya. Wala siyang kasama sa bahay kundi isang nurse na siyang nagbabantay sa kaniya.
"Hi miss." Pagbati ko sa nurse na kagagaling lang sa kwarto ni Zayn. "Sorry. Itatanong ko lang sana.."
"Ano po 'yun?" Nakangiting tanong sa akin ng nurse. Niyaya ko naman siyang pumunta sa sala.
"Bakit kailangan ni Zayn ng nurse? Gaano kalala ba ang nangyari sa kaniya, o sakit niya, para magkaroon siya ng private nurse?" Hindi ko alam kung bakit natanung ko 'yun pero mukha kasing seryoso na talaga.
"Kasama po sa pinirmahan kong kontrata na hindi ako magsasabi ng kahit na ano sa ibang tao, lalo na po sa inyo. Pasensiya na." Nahihiya niyang sagot. "Pero isa lang po ang masasabi ko." Ngumiti siya at sinabing, "Enjoyin niyo 'yung mga araw na nandiyan pa siya."
Alam kong seryoso na ang kalagayan ni Zayn dahil sa sinabi sa akin ng nurse, kaya mas lalo akong hindi mapakali. Dinala ako ng mga paa ko sa kwarto ni Zayn at habang natutulog siya ay pinagmasdan ko siyang maigi.
"Kahit kailan ba talaga, hindi ka magsisisi na bumitaw ka?"
"Hindi."
"Kahit mamatay ako?"
Magsisisi ako, Zayn. Magsisisi ako na binitawan kita at alam ko 'yun. Pero umiiwas ako at ginagawa ko 'to para protektahan ang sarili ko mula sa 'yo. Pero bakit sa tuwing nakikita kita? tila gusto kong gibain ang mga pader ng puso ko. Dapat ba? Dapat ba kitang papasukin ulit sa buhay ko? O hayaan kitang mawala at pagsisihan ko lahat ng ito, para lang protektahan ko ang sarili ko?
BINABASA MO ANG
Love, The Jerk who broke your heart
RandomDear Francheska, Please give me one more chance. Love, The Jerk who broke your heart ZAYN