Letter #7

35 4 0
                                    

Dear Francheska,

Kamusta ka na? Sana okay ka lang. Sana nararamdaman mong mahal na mahal kita kahit alam kong hindi ka talaga sasagot sa mga sulat ko. It's okay, Francheska. Naiintindihan ko. Alam ko ring kasalanan ko 'to. Maybe, ito na nga 'yung karmang hinihintay ko. Karma sa pananakit ko sa 'yo. I understand. 'Wag mo sanang isiping nagagalit ako. I don't have the right to hate you, right? Because I love you.

Harry called me last night, and he told me that you are doing fine. Okay na siguro 'yung ganoon, at least alam kong okay ka. Kahit hindi ka sumasagot sa mga sulat ko. Kahit alam kong wala akong matatanggap na sulat mula sa 'yo. Pwede ba akong malungkot kahit konti lang?

Should I give up or should I just keep chasing pavements? Minsan napapakanta na lang ako kapag naiisip ko kung dapat pa ba akong umasa na magkakaayos tayo. Kasalanan ko rin naman 'to, right? Right? Right. I was the one who wasted the chance. I was the one who made you hate me. Siguro kung may kaso 'yung pananakit ko sa damdamin mo, guilty ako. And I am willing to pay for it. I am willing to pay for the damages that my stupidity has caused you.

Francheska, alam mo ba 'yung kantang IF THIS WAS A MOVIE ni Taylor Swift? Napakinggan ko siya kanina. Alam mo ba, habang pinapakinggan ko 'yun, iniisip kita. 'Yung lyrics kasi noong kanta, ganoon din 'yung nararamdaman ko eh. Nasasaktan ako. Nasasaktan ako dahil sa sarili kong katangahan. Nasasaktan ako dahil sinaktan ko 'yung babaeng nagmahal sa akin ng totoo. 'Yung babaeng alam kong hanggang ngayon, ay laman pa rin ng puso ko.

Should I just let you go? Or should I keep on hoping that we could still work it out?

Love,
The Jerk who broke your heart
ZAYN

Love, The Jerk who broke your heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon