Letter #13

32 2 0
                                    

Dear Francheska,

Kamusta ka na? Pasensya na kung medyo matagal akong hindi nakasulat sa 'yo. Alam mo na, marami ang pumupunta sa pinagtatrabahuhan ko. Baka tumigil din muna ako sa pagwowork dahil pasukan na bukas.

Makikita na ulit kita. Naalala ko tuloy 'yung mga unang araw na nagkasama tayo sa school. 'Yung mga araw na inaagawan kita lunch, nagpapagawa ako sa 'yo ng mga assignments ko, kinukulit kita na turuan mo ako. Tanda mo pa ba 'yun? Ako, oo. Hinding-hindi ko kasi 'yun makakalimutan. 'Yun kasi 'yung mga araw na nakakasama kita, at na nakakalapit ako sa 'yo, kahit na alam kong inis na inis ka kapag nakikita mo ako.

Tandang-tanda ko pa rin 'yung mga araw na naiinis ka sa akin at sinusungitan mo ako. 'Yung araw na pinasan kita sa likod ko kasi masakit ang paa mo. Naaalala mo pa ba 'yun? Araw na sinabi ko sa 'yo na kapag nahulog ka, handa akong sumalo, at na hinding-hindi kita bibitawan. I'm trying to keep my promise, Francheska. Nandito pa rin ako, hindi bumibitaw, kahit alam kong matagal mo na akong binitawan. Nandito pa rin ako, handang sumalo kapag nahulog ka na ulit sa akin. Pero, ang tanong, mahalin mo pa kaya ako ulit?

Araw-araw, bago ako pumunta sa trabaho, dumaraan ako sa tapat ng bahay niyo. Umaasa ako na lalabas ka, makikita mo ako, ngingiti ka, at kakausapin mo ako..pero hindi eh. Kaya mas minabuti ko na lang pagmasdan ka mula sa lugar na hindi mo mapapansin. Sa direksyong hindi mo lilingunin.

Pasukan na bukas. Magkikita na ulit tayong dalawa. Hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya. Sana pansinin mo na ako. Sana patawarin mo na ako. Kahit isang ngiti lang mula sa 'yo, okay na ako.

Francheska, mahal na mahal pa rin kita. Hindi 'yun magbabago kahit dumating 'yung araw na may mahal ka ng iba.

Love,
The Jerk who broke your heart
ZAYN

Love, The Jerk who broke your heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon