JN 5

51 2 1
                                    


Sa tuwing nakikita kong magkasama sina Zayn at Anthine, hindi ko talaga mapigilang hindi malungkot. Kaya sa halip na makasalubong ko sila, gumagawa ako ng paraan para hindi magkrus ang mga landas namin. Umiiwas ako.


"Ah, Che. Baka gusto mong kumain na lang sa canteen? Hehe." Ani Gellie na napansin yatang makakasalubong namin sina Zayn.

"Sige." Matipid ko namang sagot.


Nahihirapan ako sa ganitong set up. Hindi ko gusto na may iniiwasan ako lalo na kung alam kong makikita at makikita ko sila.


"Anong gusto mong kainin?" Tanong ni Reg na nakatingin naman sa ibang direksyon.

"Ako ba talaga ang sinasagot mo o siya?" Pagturo ko naman doon sa lalaking nakilala niya noong isang araw.

"H-Hindi ah. Hehe ikaw." Ani Reg na biglang namula ang pisngi.

"I-grab mo na 'yung opportunity bago mawala." Payo ko naman sa kaniya.

"Bakit? Para hindi maging kagaya ng nangyari sa 'yo? Haha!" Ani Reg na hindi ko masyadong nagustuhan.

"Reg ano ka ba!" Pagbulong naman ni Gellie.

"Okay lang." Sagot ko naman.


Tama naman siya eh. Tanggap ko 'yung sinabi niya dahil alam kong kasalanan ko naman talaga lahat. Paano ba naman kasi, wala akong alam sa love love na 'yan noon kaya hindi niyo ako masisisi.


"Sorry, Che." Ani Reg na kaagad namang hinawakan ang kamay ko.

"Okay lang. Ikaw talaga." Sagot ko naman sa kaniya.


Pauwi na kami nang biglang nasira 'yung sasakyan namin. At dahil doon, kailangan kong magcommute kahit hindi naman ako sa sanay.


"Cheska!" Hiyaw ni Harry na palabas na ng gate ng school.

"Uy!" Kumaway ako sa kaniya at lalapit na sana ako pero may isang sasakyan na biglang humara. "Ay!"

"Cheska? Okay ka lang ba?" Tanong ni Harry na kaagad namang bumaba upang i-check ako.

"Okay lang ako." Sagot ko naman sa kaniya.

"Sino ba naman kasi 'tong.." Magsasalita sana si Harry pero nagulat kami pareho ng lumabas si Zayn mula doon sa sasakyan.

"Sira ang sasakyan niyo 'di ba? Ihahatid na kita." Ani Zayn na bigla namang hinawakan ang kamay ko.

"Ako na ang maghahatid sa kaniya." Sabi naman ni Harry bago niya ako hinawakan sa kabilang kamay ko. "Ihahatid mo pa si Anthine 'di ba?"

Umiling si Zayn at sinabing, "No. She's not coming with me. Kaya ako na ang maghahatid sa kaniya."


At para makaiwas sa gulo, bumitaw ako sa kanilang dalawa. Sumimangot ako, pero sa halip na matakot sila na galit ako, eh bahagyang tumawa lang si Zayn.


"Sumama ka na sa akin kung hindi, tatamaan 'tong si Harry." Pabirong sabi naman ni Zayn.

"Ingatan mo 'yan ha." Ani Harry saka ako hinayaang sumakay sa sasakyan ni Zayn.


Sasakay na sana ako sa unahan pero nagulat ako nang nakita ko si Anthine na masama ang tingin sa akin. Sumenyas siya na tila itinataboy ako pero nagulat ako ng hinawakan ni Zayn ang kamay niya at hinila siya palabas.


"Bakit nandiyan ka pa rin? Umalis ka nga diyan. Ihahatid ko si Francheska sa kanila. Magcommute ka na lang." Ani Zayn na ikinagulat ko naman.

"What?! Are you serious Zayn?" Tanong ni Anthine na akmang sasabunutan ako pero hinila lang ako ni Zayn palayo sa kaniya.

"Don't you even dare." Mahinang sabi ni Zayn na medyo gumulat sa akin. Seriously?


Habang nasa byahe kami ni Zayn, tahimik lang kaming dalawa hanggang sa dumating kami sa tapat ng isang 7Eleven. Bumaba siya at akala ko didiretso na siya sa loob, pero pumunta siya sa kabilang side ng sasakyan at pinagbuksan niya ako ng pintuan.


"Baba." Utos niya na sinunod ko naman kaagad. "Anong gusto mong kainin?"

Umiling ako at sinabing, "Wala. Busog pa ako." Sagot ko naman kaso biglang tumunog ang tiyan ko.

"Halika na nga. Doon na tayo mamili sa loob." Aniya.


Naglalakad na kami papasok ng 7Eleven ng bigla siyang tumigil at nagulat ako ng humawak siya sa ulo niya. Bigla akong nag-alala.


"Zayn! Okay ka lang ba?" Tanong ko sa kaniya ng pilit kong itinunghay ang ulo niya.

Nakangiti siyang tumunghay at sinabing, "Uy, concerned siya sa akin."

"Nakakainis ka!" Sagot ko naman sa kaniya saka ko siya hinampas.


Hindi ko alam pero iba 'yung pakiramdam ko ngayon. Tahimik lang din kaming pumili ng makakain, at dalawa lang naman 'yung kinuha ko - Hot choco drink saka Chips Delight.


"Nakakamiss kang alagaan. Alam mo ba 'yun?" Aniya habang kumakain kami.

"Kailan mo na ba ako inalagaan?" Natatawa ko namang biro sa kaniya.

"Inaalagaan kita noon, hindi mo lang alam saka hindi ko lang masyadong ipinaramdam." Nakangiti niyang sinabi. "Sayang. Hindi na kita pwedeng alagaan."


Malungkot ang boses niya nung sinabi niya 'yun. Pero bakit? Bakit hindi na niya ako pwedeng alagaan? Hindi ba pwedeng wala na lang iwanan? 

Love, The Jerk who broke your heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon