Dear Francheska,
Nakatanggap ako ng e-mail mula sa courier na natanggap mo na raw 'yung letter at gifts na ipinadala ko para sa 'yo. Nabasa mo na ba? Nakain mo na rin ba 'yung chocolate na ipinadala ko? Pinag-aralan ko ng mabuti kung paano gumawa niyan. Ang tagal palang dumating kapag ipinapa-ship mula sa Pinas papunta diyan sa 'yo ano? Ayos lang. At least alam kong natanggap mo na. Kainin mo kaagad 'yung chocolate ha?
Isang linggo bago 'yan dumating sa 'yo. Siguro isang linggo rin bago dumating 'yung letter na mula sa 'yo. Ayos lang. Maghihintay ako. Okay lang kahit mas matagal pa kaysa sa isang linggo, basta sumagot ka lang. Maghihintay ako. Promise. Hihintayin ko ang sagot mo. Basta sumagot ka ha? Okay lang kahit walang kasamang kahit ano, para hindi masyadong mahal ang bayaran mo. Kahit letter lang, basta galing sa 'yo.
Naaalala mo pa ba noong unang beses tayong nagkakilala? Gusto naman talaga kitang tulungan noon eh, kaso masama pa akong tao noong mga oras na 'yun. Wala pa akong pakialam sa 'yo noong mga oras na 'yon. Pero ngayon mayroon na. I care about you a lot. Araw-araw at gabi-gabi kong iniisip kung kumain ka na ba, kung okay ka lang ba. But don't worry. Kapag nalunod ka ulit, sasagipin na kita. Ililigtas na kita. Babawi ako sa 'yo, makasama lang ulit kita. Promise. Hindi na kita aawayin. Hindi na kita sasaktan. Bumalik ka lang.
Sige na. Baka tamarin ka ng basahin 'tong sulat ko. Hehe. Mag-iingat ka palagi diyan ha? 'Wag mong pababayaan ang sarili mo. Mahal na mahal kita. Sana bumilis ang oras para makasama na ulit kita. Kung hindi man bumilis ang oras, ako na lang ang pupunta. Pero saglit lang ha? Mag-iipon pa kasi ako. Kaya sa ngayon, letter na lang muna. Next time ulit ako magpapadala ng chocolate ha? Mag-aaral ako ng iba pang flavors para hindi ka kaagad magsawa.
Hihintayin ko 'yung sagot mo ah? Kahit matagal, basta sumagot ka lang.
I love you so much, Francheska. Please give me one more chance.
Love,
The jerk who broke your heart
ZAYN
BINABASA MO ANG
Love, The Jerk who broke your heart
De TodoDear Francheska, Please give me one more chance. Love, The Jerk who broke your heart ZAYN