Letter #8

34 3 0
                                    

Dear Francheska,

I miss you. I really do. This 8th letter will prove you. Kasi, kung hindi kita namimiss, sana, kahit alam kong hindi ka sasagot sa mga sulat ko, tumigil na dapat ako sa pagsulat sa 'yo. Hindi ako mapapagod na sulatan ka, Francheska. Sa ngayon kasi, ito lang 'yung alam kong paraan para maramdaman mong mahal na mahal kita. 'Yung efforts ko.

May narinig akong balita na babalik ka na raw ng Pinas. Totoo ba? Narinig ko rin na dito ka na lang mag-aaral at hindi na diyan sa America. I hope it's true. Para mas mapadama ko sa 'yo na nagsisisi ako sa mga nagawa ko. Para makabawi ako sa 'yo. Para alam ko kung ayos ka lang ba. At para mas maramdaman mong mahal kita.

Sakali man na umuwi ka at ayaw mo pa rin akong makausap, hindi pa rin ako titigil sa pagsulat. Kung ayaw mo akong makita, hindi ako magpapakita sa 'yo. Hindi ako gagawa ng ikagagalit mo. Hindi ako gagawa ng kahit na anong mas makapagpapagalit sa 'yo. Francheska, sabihin mo lang sa 'kin na wala ng pag-asa, titigilan na kita. Sabihin mo lang sa akin na ayaw mo na, lalayuan kita. Pero hangga't wala kang sinasabi, patuloy pa rin akong aasa. Wala naman sigurong masama 'di ba? Pero kung sakali rin na may mahal ka ng iba, don't worry about me. Masakit mang tanggapin, basta makita kong masaya ka sa kaniya at talagang mahal mo siya, pipilitin kong kayanin.

Sige na. Baka kasi naiinis ka na sa pagbabasa sa mga letters na ipinapadala ko. :) Pero palagi mong tatandaan, na kung ako 'yang nasa sitwasyon mo, at ikaw ay ako, paulit-ulit kong babasahin ang mga sulat mo. Pagkagising, bago matulog, kahit habang kumakain. Ganiyan kita kamahal Francheska. :)

See you soon, Francheska. Sana mayroon pang pag-asa.

Love,
The Jerk who broke your heart
ZAYN

Love, The Jerk who broke your heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon