Pero siguro akala ko lang bumalik ang lahat sa dati, pero hindi. Hindi pala. Akala ko lang pala. Siguro nga namiss ko lang siya at hanggang doon na lang 'yun.
"Okay lang ba?" Tanong ni Reg habang nasa may student's lane kami ng school.
"Okay lang ako. May bigla lang akong naisip." Mahinahon kong sagot.
"O baka naman mamaya iniisip mo si Zayn ha?" Ani Gellie na may dalang ice cream. "Oh." Aniya nang iniabot ang ice cream sa amin ni Reg.
"Hindi ah..o siguro oo. Hindi ko alam." Napayuko na lang ako.
"Natural lang 'yan. Part of moving on." Ani Reg habang nakangiti sa isang lalaking medyo malapit sa amin.
"Reg ano 'yan? Sino 'yung tinititigan mo, ha?" Tanong naman ni Gellie.
Hindi sumagot si Reg at sa halip ay tumawa na lang siya ng malakas. Sa sobrang grabe ng tawa niya, naibato niya 'yung ice cream niya na sakto namang tumama sa lalaking tinititigan niya kanina na daraan para sa harap naming tatlo.
"Oh my God, Reg." Nagulat na sambit ni Gellie. "Che, uh, halika na. 'Di ba may klase pa tayo? Hehe. Una na tayo?"
"Huh? Eh mamaya pa namang.." Hindi ko na naituloy ang sinasabi ko kasi hinila na ako ni Gellie palayo sa kung nasaan si Reg, 'yung lalaking tinititigan niya kanina, at 'yung mga kasama nung lalaki. "Uy si Reg."
"Che, baka madamay pa tayo. Ano ka ba. Kaya na ni Reg 'yun!"
Hindi ko alam kung anong gagawin ko pero nagpadala na lang ako sa paghila ni Gellie. Nang nilingon ko naman si Reg, sumenyas siya na okay lang siya. Bigla naman akong nakampante.
"Kumusta na kaya si Reg?" Tanong ko kay Gellie.
"Bago mo kumustahin si Reg, kumustahin mo muna ang sarili mo. I mean, get ready." Ani Gellie na hindi ko naman maintindihan kung bakit niya 'yun sinabi.
"Ano bang ibig mong-" Naputol kong sabi.
Nakita ko sina Zayn at Anthine na magkatabi sa corridor at masayang nag-uusap. Nang dadaan na kami sa tapat nila, nag-iwas ako ng tingin.
Mukhang okay na siya. Mukha ngang ang saya-saya niya eh. Ang saya-saya nilang dalawa. Nakaka..inis.
"Ano, okay ka lang ba?" Tanong ni Gellie.
"Okay lang. Masasanay rin naman siguro ako." Sagot ko naman sa kaniya.
"Okay lang 'yan. Ganiyan talaga. Parte ng pagtanggap ng katotohanan."
Siguro nga tama si Gellie. Pero bakit nga ba ako nagpapaapekto? Hindi dapat. Mali ito. Hindi dapat ako maapektuhan noon.
Nang nakabalik si Reg sa room, tinanong kaagad namin siya kung anong nangyari. Aniya, wala naman daw masamang nangyari. Sa katunayan, may maganda pa raw naganap.
"Kayo na agad? Grabe ka Reg." Ani Gellie na tila ba sigurado siya sa hula niya.
"Hindi! Nakakainis naman 'to oh. Okay lang daw na nadumihan ko 'yung damit niya since magpapalit din naman sila ng shirt dahil galing sila sa practice." Nakangiting sagot ni Reg.
"Ahh, mabuti naman. So ano, nagkausap ba kayo ng matagal?" Tanong ko naman.
"Syempre..hindi. May mga kasama siya eh."
Masaya ako para kay Reg. Hindi ko alam kung bakit pero feeling ko turn naman niyang maging masaya. They've been there for me thru ups and downs at gusto ko maging masaya sila ni Gellie, kahit ako, saka na lang siguro.
BINABASA MO ANG
Love, The Jerk who broke your heart
RandomDear Francheska, Please give me one more chance. Love, The Jerk who broke your heart ZAYN