Letter #6

53 2 0
                                    

Dear Francheska,



One month and two weeks na, hindi pa rin dumarating 'yung letters mo. Totoo kaya 'yung sinabi sa akin ni Reg na wala ka raw balak sumagot sa mga sulat ko? Hindi naman siguro, ano? Siguro inis lang siya sa akin kaya niya 'yun nasabi.


Kagabi, alam mo, hindi ulit ako nakatulog ng maayos. Iniisip kasi kita, kung kamusta ka na, saka kung anong isusulat ko para sa 'yo. Ang hirap talaga kapag wala tayong communication. Natatanggap mo 'yung mga sulat ko, pero hindi ko natatanggap 'yung sa 'yo. Don't worry. Hindi naman ako nagpapaka-demanding. I'm still waiting. Alam kong may mga letters mula sa 'yo na darating. Alam ko 'yun. Ramdam ko. Mahal kita kaya naniniwala ako. :)


Kamusta nga pala sina Tito at Tita? Ikamusta mo ako sa kanila ha? Sabihin mo sa kanila na humihingi rin ako ng tawad sa kanila. Francheska, Nerdy Girl, nagbago na ako. Nagbago ako para sa 'yo, para matanggap mo ulit ako. Alam kong marami akong pagkukulang, pero handa naman akong punan 'yun, bumalik ka lang. Handa at willing akong maghintay, kasi mahal kita.


Nga pala. Nagkasya ba sa 'yo 'yung ipinadala kong damit? Sa akin, kasyang-kasya. Nagsama nga rin pala ako ng picture ko suot 'yung damit mo. Kapag sumagot ka na sa sulat ko, magpadala ka rin ng litrato mo, para maikapit ko sa kisame ng kwarto ko. Haha. Korni ba? Gusto ko kasi, bago ako matulog at pagkagising ko tuwing umaga, mukha mo kaagad 'yung makikita ko. Ipapa-tarpaulin ko rin para mas malaki. Singlaki ng pagmamahal ko sa 'yo. Sayang, kulang 'yung space ng kisame ng kwarto ko. Kung maikakapit ko lang siguro sa kalangitan, kulang pa rin. Ganoon kita kamahal, Francheska. Higit pa sa sobra.


Sige na. Ito na lang muna. Kinakamusta ka nga pala nina Alyssa. Nakasalubong ko sila kanina. Sabi ko sa kanila, palagi akong sumusulat sa 'yo. Wala na rin daw kasi silang oras, kaya ako na lang daw ang magsabi sa 'yo. Miss ka na raw nila. Pero mas miss kita, Francheska. Kaya sana, dumating na 'yung mga sulat mo. Maghihintay pa rin ako.


I love you Francheska. Please give me one more chance.



Love,

The Jerk who broke your heart

ZAYN

Love, The Jerk who broke your heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon