Kaagad naming idiretso si Zayn sa Infirmary, at ang advice ng nurse, idiretso namin siya sa ospital. Kaagad ko namang tinawagan sina Tito Richard upang sumunod sila sa ospital. Kami nina Harry, Gellie, at Reg ang naghatid kay Zayn sa ospital. Pero nang nakarating kami roon, hindi na kami pinapasok sa E.R..
"Francheska, hija." Ani Tito Richard, na kaagad kong nilapitan. "Nasaan si Zander?"
"Nasa Emergency Room po." Sagot ko naman. "Parents muna raw po ang pwedeng pumasok."
"Sige. Diyan ka muna." Ani Tito, na kaagad namang pumasok sa E.R.
Naupo muna kami saglit sa labas ng E.R., at si Harry naman ay bumili ng makakain naming apat. Hindi pa kasi kami nagla-lunch noong mga oras na 'yun.
"Magnoodles at tinapay muna tayo." Ani Harry, habang iniaabot sa amin ang mga binili niya.
"Salamat." Sagot ko naman habang nakatitig sa pintuan ng E.R. "Sana maging okay rin siya."
"Sana nga. Ano ba kasing nangyari kanina?" Tanong ni Reg.
"Magkausap kaming dalawa, tapos bigla na lang siyang nahimatay. Natakot nga ako eh." Sagot ko naman.
Ilang minuto kaming naghintay, at nang lumabas na si Tito mula sa E.R., ay kaagad kaming lumapit. Nakangiti lang siya noon sa aming apat.
"Salamat sa inyo ha? Kung hindi dahil sa inyo, baka kung napaano na si Zander. Francheska, hija, pasensya na sa abala. Kamusta ka na nga pala?"
"Ayos lang po ako. Kayo po ba?" Tanong ko naman.
Saglit kaming nag-usap, at halos makalimutan ko ng itanong ang kalagayan ni Zayn. Nang tinanong naman si Tito, maikli lang ang naging sagot niya sa akin.
"Magiging okay rin siya. Don't worry." Aniya.
"Mabuti naman po. Hmm, Tito. Mauuna na rin po kami maya-maya. At kung maaari lang po sana, 'wag niyo ng mabanggit sa kaniya na kami ang nagdala sa kaniya rito ah?"
Tumango si Tito at sinabing, "Sige, hija. Maraming salamat ulit sa inyo. Alam kong naging mahirap ito sa part mo, kaya pasensya na talaga. Ikamusta mo na lang ako kina Mama at Papa mo ha?"
Ayaw kong malaman niya na kami ang naghatid sa kaniya, dahil baka kung anong isipin niya. Ayaw kong isipin niya na espesyal na ulit siya sa 'kin. Hindi ko alam kung bakit. Basta, hindi pa ako handa.
Tahimik lang kami sa loob ng sasakyan, habang nakikinig sa music mula sa radyo. Feel the Light by Jennifer Lopez. What a really nice song.
"Cheska, mauna na muna ako. Tito, ingat po kayo." Ani Harry, na nagpapaalam na pala sa amin.
"Anak, aalis na si Harry." Ani Papa, na siyang gumising sa akin.
"Ah, sige. Ingat ka Harry. Salamat." Pagpapaalam ko naman, saka ako dumiretso sa loob ng aming bahay.
Buong magdamag ko siyang inisip. Halos hindi ako makatulog. Halos masira ang kama ko kakapalit ko ng posisyon. Hindi ko mapigilang mag-alala sa kaniya.
Mas lalo akong nag-alala sa kaniya nang ilang araw siyang hindi pumasok. May mga nabalitaan akong nagdrop na raw siya at hindi na papasok. Natakot ako. Pakiramdam ko may mali. Kaya kahit labag sa kalooban ko, at alam kong kailangan kong kainin ang pride at ego ko, binisita ko siya sa kanila.
"Nandiyan po ba siya?" Tanong ko sa katulong nila, na siyang nagbukas ng gate ng bahay nina Zayn. "Gusto ko po sana siyang bisitahin."
"Naku, wala pa po sila eh. Pero baka parating na rin po sila. Pumasok muna po kayo sa loob."
"Sige." Sagot ko naman. Tumingin ako kay Harry at sinabing, "Okay lang ba kahit hintayin natin sila?"
"Sure. Wala rin naman akong gagawin."
Hindi nagtagal at dumating sina Zayn at ang mga magulang niya. Nang nakita ako ni Zayn, hindi niya ako kinausap, at kaagad siyang dumiretso sa kwarto niya. Niyakap ako ng Mama niya, at hindi ko alam kung bakit, pero pakiramdam ko, may hindi magandang nangyayari.
"K-Kumusta na po siya? Okay lang po ba si Zayn? Bakit parang..ang..putla po niya?" Tanong ko, habang pinagmamasdan ang pintuan ng kwarto ni Zayn.
"Okay lang siya, hija. 'Wag kang mag-alala. Magiging okay rin siya."
"Ganiyan din po ang sinabi ni Tito Richard sa akin. Ano po ba talagang problema? Ano po ba talagang nangyayari kay Zayn?"
"He's sick. But he'll recover. There's nothing to worry about." Sagot ni Tita.
Hindi na ako nagtanong pa, at umalis din kami kaagad ni Harry. Hindi ko na sinubukang kausapin si Zayn, dahil mukhang kailangan niyang magpahinga. At isa pa, mukhang hindi ko pa rin yata kaya.
"Uy. Lalamig na 'yang kape mo." Ani Harry, nang kinulbit niya ako. Nasa café kasi kaming dalawa.
"Sorry. May iniisip lang ako." Sagot ko naman sa kaniya.
Tumango siya at sinabing, "Naiintindihan ko. Syempre, kahit ako rin naman, gusto kong malaman kung ano na ba talagang kalagayan ni Zayn. Hindi kita masisisi."
"Thank you." Nakayuko kong sagot. "Sana okay lang siya."
Hindi ako nakatulog ng maayos ng gabing iyon. Hindi dahil sa kapeng ininom ko kanina, kundi dahil sa pag-aalala ko kay Zayn. Hindi ko matiis na hindi siya kamustahin.
F: Zayn? Gising ka pa ba?
Sana magreply siya sa text ko. Kahit K lang.
F: Sorry kung naabala kita. Gusto ko lang sanang mangamusta.
Z: Okay lang ako.
"Omo. Omo. Nagreply siya." Excited kong bulong habang nakahiga na ako sa kama.
F: Okay ka lang ba talaga? May masakit ba sa 'yo? May nararamdaman ka ba?
Z: Okay nga lang ako sabi.
F: Okay. At least alam kong okay ka na.
Z: Okay.
Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Para akong tanga na halos buong bahay ay naikot ko, kakaisip kung anong dapat kong sabihin sa kaniya.
Zayn calling...
"Hala. Tumatawag siya. Sasagutin ko ba? O kunwari tulog na ako? Ano ba, Francheska. Sagutin mo na!" Natatanga kong bulong habang nasa may sala ako.
Huminga ako ng malalim, at hindi kaagad ako nagsalita nang sinagot ko ang tawag niya. Hindi ko kasi alam kung anong una kong sasabihin.
"Hello, Zayn?" Mahina kong sinabi.
"Bakit hindi ka na nagreply?" Seryoso niyang tanong, na tila ikinakaba ko naman.
"H-Huh? Eh kasi ano, hindi ko alam kung anong sasabihin ko." Sagot ko naman.
"Tss. Hindi mo ba alam na ayaw na ayaw kong ako ang nahuhuling magreply? Gusto ko, 'yung katext ko ang huling magrereply. Para mo akong ini-Seen sa Facebook. Alam mo ba 'yun?"
Nakakapagtaka at bigla siyang nagkaganito matapos ang ilang araw na pandededma niya sa akin. Ayos pa ba talaga siya? O baka naman may problema siya sa pag-iisip. Naku naman.
"Ngayon naman, hindi ka nagsasalita. Pambihira. Bye na nga." Aniya, na tila ba tatapusin na niya ang pag-uusap naming dalawa.
"Namiss kita!" Bigla kong nasambit. "N-Namiss kita. Nag-aalala ako sa 'yo, okay? Hindi ko alam kung okay ka lang ba. Hindi ko alam kung.."
"Namiss din kita." Pabulong niyang sagot sa akin. "Pasensya na kung pinag-alala pa kita. Okay lang ako. 'Wag kang mag-alala."
Hindi ko alam kung bakit, pero parang nagbalik ang..DATI.
BINABASA MO ANG
Love, The Jerk who broke your heart
AcakDear Francheska, Please give me one more chance. Love, The Jerk who broke your heart ZAYN