Letter #16

69 2 0
                                    

Dear Francheska,

Hindi ulit kita nakita ngayong araw na 'to. May nangyari ba? Dalawang araw na kitang hindi nakikita. May mga nagsabi sa akin na nakita ka raw nila sa school kahapon ng hapon. Sabi nila, baka raw nagpalipat ka ng section. Totoo ba ang hinala nila? Nagpalipat ka nga ba? Hindi naman siguro. O kung totoo man, dahil ba sa akin? Dahil ba ayaw mo akong makita o makasama? Dahil ba ng sulat ko sa 'yo noong Lunes, kaya nagpalipat ka ng schedule mo? Don't you really want to see me?

Francheska, hindi ko naman hinihiling na pansinin mo ako, pero 'wag naman sanang ganito. Alam kong wala akong karapatang magreklamo, pero hindi kaya sumosobra ka na? Alam kong sobra 'yung sakit na naipadama ko sa 'yo noon. Alam kong hindi ganoon kadaling patawarin ang kasalanan na nagawa ko, but can you please at least accept my sincerity? My SORRY? I've been writing to you since I realized that I should do all that I can to have you back. Doon na tayo sa punto na hindi na natin kayang ibalik ang noon, pero sana naman, ayusin man lang natin 'yung ngayon. I will never hate you, Francheska. Hate me as long as you want, but please, let's just forget about the past. Iba na 'yung ngayon. You and I have to move on.

Pagkabigay ko nitong sulat na 'to, babalik ako sa school to check kung nagpalipat ka nga ng section and sched. If it so happens na totoo nga na ganoon ang nangyari, may magagawa pa ba ako? Please, Francheska. Sabihin mo kung may magagawa pa ako. I mean, kung may magagawa pa ako para patawarin mo na ako sa lahat ng mga nagawa ko, para hindi na tayo umabot sa ganito, na kailangan mo pang lumayo para lang parusahan ako. Every day and night I think about you. Iniisip ko kung napatawad mo na ba ako, at na tinitingnan mo na lang kung seryoso ako sa paghingi ko ng tawad sa 'yo. Francheska, please forgive me. Alam kong napatawad na ako ni Lord sa mga nagawa ko, dahil inilalapit ka na niya ulit sa akin. I hope you can forgive me too, Francheska.

I love you. I'm so sorry for everything. I know, words are not enough to show how much I care about you, but I really do. I hope you care about me too. So please forgive me before I die, and before it's too late for me to hear your voice again. </3


Love,
The Jerk who broke your heart
ZAYN

Love, The Jerk who broke your heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon