Dear Francheska,
Kamusta na? Ilang araw rin akong hindi nakasulat. Medyo busy kasi sa shop kaya ayun. Nakita nga pala kita noong isang araw sa tapat ng shop kung saan ako nagtatrabaho. Noong lumingon ka sa direksyon ko, kaagad akong tumalikod para hindi mo ako makita. Para hindi masira ang araw mo. Tapos noong nakalayo ka na, lumabas ako upang makita kung saan ka papunta. Francheska, ang laki na talaga ng ipinagbago mo sa sandaling nanatili ka sa America.
Alam mo ba? Minsan, iniisip ko na ako 'yung dahilan kung bakit ka bumalik dito sa Pinas. Iniisip ko na narito ka dahil pinapatawad mo na ako. Na narito ka dahil gusto mo na ulit akong bigyan ng pagkakataon. Wala namang masamang isipin ko 'yun, hindi ba? Iniisip ko lang naman eh. Hindi naman ako umaasa. Pero kung ayaw mong isipin ko 'yun, okay lang. Iisipin ko na lang na narito ka dahil may iba kang dahilan. :)
'Yun nga palang batang nag-abot sa 'yo nitong sulat ko, alam mo bang nagpresinta siya na siya lang daw ang magbibigay sa 'yo nito? Ang bait niya ano? Sandali pa lang kaming magkakilala, at nang nalaman niya na umuwi 'yung babaeng ikinukwento ko sa kaniya, tuwang-tuwa siya. Gusto nga raw niyang mabasa kung anong nakalagay sa sulat ko eh. Pero sabi ko sa kaniya, mas maganda kung ikaw ang unang makakabasa.
Kamusta nga raw pala sabi ng parents ko. Gusto raw sana nilang dumalaw sa inyo kasi nahihiya rin sila sa 'yo. Nahihiya sila dahil sa mga nagawa ko. Nahihiya sila dahil baka galit ka rin sa kanila. Please don't hate them, Francheska. Habang wala ka, iniisip ka rin nila. Halos araw-araw nila akong sinisisi kung bakit mo ako iniwan. Kung bakit bigla kang lumayo. Believe me, nagsisisi ako. Kaya sana bigyan mo pa rin ako ng pangalawang pagkakataon.
Mahal na mahal kita, Francheska. Nandito lang ako. Hihintayin kita.
Love,
The Jerk who broke your heart
ZAYN
BINABASA MO ANG
Love, The Jerk who broke your heart
RandomDear Francheska, Please give me one more chance. Love, The Jerk who broke your heart ZAYN