Letter #14

35 3 0
                                    

Dear Francheska,



I saw you. I wanted to talk to you, but I know I can't. Nakita mo ba ako? Alam mo bang magkaklase tayo? Too bad the professor didn't give us time to introduce. Nakakainis man, pero siguro okay na rin 'yun. Pero alam mo, kung nagkaroon man tayo ng oras na magpakilala, ganito ang sasabihin ko, "Hi, I'm Zander and I love Francheska." Pero alam kong mali. Alam kong hindi pwede.


Bakit ang tahimik mo sa room kanina? Bakit hindi mo pinapansin si Harry? May nangyari ba? Nag-away ba kayong dalawa? O alam mong naroon ako? Sinubukan kong hindi humarap o lumingon sa direksyon mo, kasi alam ko na kapag nakita mo ako, masisira ang araw mo. Minabuti ko rin na ibigay sa 'yo itong sulat na ito kapag nasa bahay ka na, kasi baka kung sa school ko ipinabigay, malaman mo kaagad na naroon lang ako sa paligid mo. Francheska, ang sakit pala. Ang sakit pala na may pagkakataon na akong lapitan at kausapin ka, pero hindi pa rin pwede. Ang sakit pala na may pagkakataon na akong humingi ng tawad sa 'yo, pero hindi pa rin pwede dahil alam kong hanggang ngayon, sariwa pa rin 'yung sugat na iniwan ko sa puso mo.


Francheska, masakit pa rin ba? Hindi mo pa rin ba ako mapapatawad? Alam kong hindi ganoon kadaling patawarin lahat ng mga kasalanan ko sa 'yo, but I am still hoping na maging posible 'yun. Na dumating na ulit 'yung araw na maging ayos tayo. Kahit bilang magkaibigan lang. Kahit'yung makausap man lang kita ng harapan at hindi na sa through letters. Gusto ko na ulit marinig ang boses mo. Kahit murahin mo ako kapag nagkita tayo. Kahit awayin mo ako sa harap ng maraming tao. Kulang pa 'yun sa lahat ng mga nagawa ko, kaya ayos lang. Saktan mo rin ako, basta pagkatapos noon, maging ayos na sana tayo. Kahit ipagsigawan mo sa buong mundo na galit na galit ka sa akin, ayos lang.


See you tomorrow Francheska. 'Wag ka sanang magalit kapag nabasa mo 'to. 'Wag ka sanang magalit kapag nalaman mong sa loob ng maraming araw, linggo, at buwan, ay magkakasama tayo. Kahit magkunwari ka na lang na hindi mo ako nakikita at na anino lang ako, ayos lang. May sasakit pa ba sa katotohanan at pakiramdam kong wala ng pag-asang natitira para sa ating dalawa? Wala na siguro. :') Kaya kahit saktan mo ako, hindi ako aangal. Francheska, ganiyan kita kamahal.


I love you, Francheska. 사랑해. あいしてる。



Love,

The Jerk who broke your heart

ZAYN

Love, The Jerk who broke your heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon