"Kalungkot, 'no?"
I am in the middle of reading my script when a fine young lady pouting stood up in front of me. I looked up to her and smiled. "Ang alin?" Kinuha ko ang upuan malapit sa akin and moved it closer to me. I patted the seat, signaling her to sit there. In these times, she just wants someone to listen to her silent rants.
"Na last day na ng shoot ngayon." Sarah, still frowning, sat on the chair and moved beside me even more. "Na after Direk Raz screams 'Cut! It's a wrap!' You won't hear it ever again. Wala na 'tong kulitan, cheesy script, hampasan, lokohan, magulong crew.." She got the script from my hands and scanned it. "Eto, etong mga ganitong eksena ni George at Andrew."
Nginitian ko sya and chuckled. "Honestly, I don't keep track of the last days, kaya hindi ko alam."
"Asus!" She giggled. "Baka ayaw mo lang maalalang mamimiss mo 'ko? Chos!" Tumawa na naman sya, at hindi ko na rin napigilang tumawa kasama sya. "Pero seriously, di mo ba 'to mamimiss?"
"Mamimiss.." Bumuntong hininga ako. I leaned my elbows on my thighs at nagtalumbaba while watching the crew setting up the lights and cameras on the space given by the terminal we rented for the last scene of the movie. Napangiti ako. "This is one reason why I don't keep track of endings. Because I actually hate goodbyes." Napalingon naman ako sa kanya and ngayon, hindi na sya nakasimangot. She was just pouting, as if she's convinced of my words. Napangiti naman ako lalo. "Ganun lang siguro talaga ang buhay. Pero di ko lang minsan matanggap na may mga mawawala."
Lalo na pag attached ka na.
Bumigat naman bigla ang pakiramdam ko, kaya malungkot na ngiti na lang ang naibigay ko sa kanya. Kasi after ng lahat ng ito, hindi ko na alam kung ano'ng gagawin ko sa pagitan naming dalawa ni Sarah. I am too attached to her right now, that I am torn between saying goodbye or getting my guts together and telling her the truth that I extremely like her. Mas extreme pa sa naramdaman ni Edward at Bella sa isa't isa nung una silang magkita. Yeah, I quite discovered her likes and dislikes. Sarah G. Effect, as they call.
Tinignan nya ako as if she doesn't believe to any word I said. "Anudaaaaw?" She giggled. Binaba nya na mula sa eyeview nya ang script at lumingon sa akin with confused look. "Lalim naman no'n! May pinagdadaanan ka ba?"
I pouted involuntarily. Nahihiya kasi akong sabihin sa kanya. Una sa lahat, hindi ito ang tamang panahon at lugar para umamin sa kanya. Pangalawa, ang awkward lang. Ewan ko, hindi ko maramdaman ang pintig ng puso ko ngayon! Tumango na lang ako paulit-ulit. "Meron."
"Gusto mo ishare?"
Tinignan ko sya ulit and she's making a convinced expression. Natawa na lang ako. "Nahihiya ako eh."
"Ay, hurt naman ako dun." Tumingala sya nang nakita nyang dumaan ang PA nya ng inaabot ang tumbler nya. Kinuha nya ito at ininuman. Tapos tumingin ulit sya sa akin. "Alam mo bang naaawkwardan pa rin ako sa best friend mo?"
Nagulat ako sa sinabi nyang revelation. Tinignan ko sya with questioning look. "What did you just said?"
"Ako na nga 'tong nakikipagfriends ulit!" She stated matter-of-factly. "Tsaka nakikipagreconciliate ako sa kanya pero hindi as some lover na humihingi ng second chance sa relationship, but for a friendship man lang. Syempre may pinagsamahan rin kami no!" Nagtalumbaba sya sa binti nya. "Though I screwed up for some time."
Napailing na lang ako and smiled to myself. Isa sa mga rason kung bakit gusto ko sya ay dahil she makes everyone comfortable with her especially when opening up. Tahimik lang sya pag bagong kilala mo sya. Pero pag kasama mo na sya at nagkapalagayan na ng loob, mag-a-unleash na ang pagiging makulit nya at madaldal sa'yo. And she makes you comfortable in any way, tipong hindi ka na makakatayo sa upuan mo dahil sarap na sarap ka nang makipag-usap sa kanya. Ngayon, it is something different. We are going to each other's deep thoughts. Deeper-about our family, aspirations, heart issues. Damn, she convinces me to open up my heart.