ISANG linggo na ang nakalipas. We had been through so many lessons. She insisted for me to teach her about sa mga ginagawa ko sa bahay. Kahit ayaw ko, you know how charming she is kapag nagmamakaawa sya. You just couldn’t resist her.
Natuto na sya ng paisa-isa sa mga maliliit na gawaing bahay. Sa pagpunas ng table at figurines, sa pagwawalis ng sahig sa bahay at sa backyard, paghahanda ng mesa kapag kakain, paghuhugas ng plato, kahit paglalaba at pamamalantsa. Medyo nahirapan lang sya sa paglalaba at pamamalantsa at umabot kami ng gabi. Kasi nga naman mahirap talaga halos pag fifirst timer ka lang, lalo’t nakalimutan mong expert ka do’n noon.
And today is our 10th day of lessons, ang finale ng household tutorial week. Ang pinakahuli at ang pinakagusto nyang gawin sa lahat ang gagawin namin: magluto. Ang hype ko nang nagising ako. Kahit nahulog na naman ako sa sofa ng pang-ilang beses na. Minsan gusto ko nang batukan ang sarili ko at sermonan. Tanga mo, Ge, nahulog ka na naman sa sofa! Wag ka ngang masyadong pahahalatang baliw na baliw ka kay Sarah!
Pumasok na ako sa bathroom namin at naligo na. With matching kanta. Medyo bakla, pero ewan. After all these days, sa sampung araw na nakasama ko si Sarah sa bahay na ‘to, I would consider this energy na pinakamalala at pinakamataas ko. In history. Para akong nakadroga.
This is gonna be the best time of my liiiiiife, my la-a-a-a-a-a-a-ayf!!!!
On repeat lang yun sa Spotify ko, may matching pasayaw-sayaw pa. Hindi naman ako maririnig ni Ash, 4 A.M. pa lang. O.A. nga sa energy. At dahil nga sa mataas ang energy ko, nakalimutan kong magdala ng damit sa CR. Nasa kwarto pa man din ni Ash yung closet ko. Minsan talaga, if you’re too happy, you can be so stupid. Pinatay ko na yung music ng phone ko and came out of my bathroom nang nakatapis and creeped in my room where Ash is currently sleeping. Kaso pagkabukas ko ng pinto, nakatayo na sya at nagtutupi ng kumot. I was taken aback lalo na nang napalingon sya sa direksyon ko. Napasandal na lang ako sa pinto. Ang aga nyang magising!!! Nahihiya tuloy ako sa itsura ko. Baka isipin nya mukha akong manyak. Tapos papasok pa ako sa kwarto ng nakaganito... Tapos magpapacute sya? Well, hindi na nya nga kailangan yun, she is effortlessly cute.
I heard giggles from the room then the door was opened by her. She laughed at me. “Good morning, Ge! Kung nakita mo lang yung reaksyon mo nang pumasok ka dito, nakakatawa. Para namang nakakita ka ng multo!”
I felt my cheeks are starting to turn red. Nahihiya ako. At kinikilig. “Sorry, baby girl. I was just surprised na ganito ka kaaga magising.” At dahil nahihiya nga rin ako sa itsura ko.
“Grabe ka, ganitong oras din naman ako nagigising, ‘noh. Di lang ako lumalabas ng kwarto.” Tas tinignan nya na katawan ko. “Ay, sorry. Wala ka pa palang damit. Sige na, pasok ka na.”
Lalo akong namula. Para talaga syang bata. Wala nang malisya sa kanya. She gave way so I entered on my walk-in closet at dun na rin nagbihis sa loob. Naalala ko tuloy, sya ang naging inspirasyon ko in being fit. Naalala ko rin kung gaano namumula ang cheeks nya kapag ka nakikita ako with no shirt on. Naiilang syang kausapin ako. Sa mga panahong ganun, tinutukso ko sya. “Darating rin ang panahon na hindi ka na maiilang kasi magiging sa’yo na ‘to.” Sabay halik sa noo nya. Kaso nakukurot rin naman ako sa tyan. Sabay sigaw ng “Shut up!!!!”
Lumabas na ko at nakita ko sya na nakaupo sa dulo ng kama at hinihintay ang paglabas ko. Nagliwanag ang mukha nya nang lumabas ako. She smiled, stood up and went to me. “Ano na ang 10th lesson natin?”
“You’re as hype as me, ah?” She nodded. Ginulo ko ang buhok nya. “Ikaw talaga. Well, I’ll teach you how to cook! Okay ba sa’yo ‘yun?”
“Hmm... I love watching you cook. Ano pa kaya kung matututunan ko pa ‘yun di ba?”
I love watching you cook