Sinakatuparan na pala nina Mommy Divine ang sinabi nila sa akin noon nang idrive ko sila pabalik ng ospital. Pagkabalik daw nila ng Manila, magpapaschedule na daw sila kay Sir Jonathan ng isang presscon at iaannounce na nila ang pagreretiro ni Sarah sa showbiz. Sasabihin nilang nahihiya si Sarah kaya sila muna ang mag-aannounce. Sasabihin din nila na kasalukuyan muna syang nagpapahinga sa Paris kasama ang Ate Shine nya.
Hindi ko naman alam na ganito pala kabilis ang gusto nila. Malamang ngayon-ngayon lang silang nakarating ng Maynila pero para dito, dumiretso na sila sa presscon.
Komportable naman akong napaupo sa upuan ko habang hinihigop ang kapeng tinimpla ko kanina pa. Kaharap ko ngayon ang dining table at ang sunset na naghuhudyat na pagabi na.
Bigla naman akong ginulo ng sunod-sunod na beep na galing sa phone ko.
From Ate Nhila: Ge, nasan ka? Napanood mo ba?
From Bro Ken: Kuya, you aren't hiding Sarah, are you?
From Fred: Aba't nauna na pala 'to si Sarah sa plano nyong dalawa e. Teka nagkausap ba kayo?
FromJalal: Hoy, ilabas mo na si Sarah
From Ali: Congrats, pare. Pwede mo na itanan si Sarah.
Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko sa mga pinagsasasabi nila. Are they being supportive to me or what? Nang-aasar pa? Mga pasaway talaga 'tong mga 'to.
To Ate Nhila, Bro Ken, Fred, Jalal, Ali: Relax, guys. Wala akong kinalaman dyan. For now. Wag nyo 'kong abalahin.
Natawa na lang ulit ako sa tinext ko. Ano kayang magiging reaksyon ng mga 'yun? Malamang patay ako sa kanila. Hindi lang sa nagsinungaling ako sa kanila, kundi baka nga sabihin nila na talagang tinanan ko si Sarah. Wag muna silang dumalaw ngayon.
Nagreply naman ang bawat isa. Sabi ni Ate Nhila, "What do you mean by that Ge?" Rereplyan ko pa lang sana kaso bigla kong narinig ang mga yabag ng paa ni Sarah na papalapit sa akin. Hindi ko dapat ipakita yung cellphone ko. Nagkunwari akong nakaupo lang ng maayos nang lumabas sya mula sa C.R., nagpalit ng pantulog.
"Hay, ang lamig!" Yakap yakap nya ang kanyang sarili, pinapahiwatig na talagang lamig na lamig sya. Natawa naman ako sa reaksyon nya.
"Binuksan ko na yung heater kanina, ha? You didn't use it?" Umiling sya. "Bakit?"
"Wala, ayoko lang. Natatakot ako." Napangiti naman ako at napailing. "Bayaan mo na, Rj."
Inalalayan ko na sya sa pag-upo nya at ipinaghain ko sya. Ako na ang nagluto ng dinner naming dalawa."Ang tawag dito, chicken adobo." Nung magkaibigan pa lang kami during Won't Last A Day tapings, kwinento nya sa akin na eto ang paborito nyang pagkain. Eto ang gusto nyang iluto ng lalaking mahal nya sa first date nila. It happened. Pero ngayon, simpleng pahiwatig lang muna ang gagawin ko. Baka maalala nya. Baka lang naman. "Masarap yan."
Nilagyan ko ng kanin yung plato nya at ng chicken leg. Sinabawan ko din 'yun. Nagdurog din ako ng patatas at ginawa itong toppings sa kanin. Turo ko sa kanya yun nung dinalhan ko sya ng adobo nung nagshoot kami. Nagustuhan naman nya. Hanggang sa naadopt na nya yun sa akin.
Sumubo sya ng kanin na may patatas at ng piraso ng manok. Nakapikit syang nginuya ang combong iyon. Nakatitig lang naman ako sa kanya at kinakabahan, and appreciating this beautiful creature in front of me. Bakit ganun? Bakit anong anggulo talaga ang ganda nya. Kapag nakadilat, nakapikit, ngumunguya, ultimo kahit tulo laway sya minsan kapag nakakatulog sya.