A day ago...
"6 months leave, Ge?"
Habang naglalakad kami ni Ate Nhila sa hallway ng ABS-CBN, binasa nya ang ipapasa kong papel sa mga big bosses. Inakbayan ko sya. "Dapat nga ate, indefinite leave eh. Pero siguro, okay na yang span na yan para makapagpahinga ako."
"So itutuloy mo na talaga 'to?"
Tumango ako. "Life reevaluation."
"Kasama ba sa life reevaluation na yan ang pagquit mo sa showbiz?" Napahinto kami sa paglalakad. Naging concern ang mukha nya. I tapped her head.
"Ate talaga oh, minamadali ako. Hintayin na lang natin after six months kung anong maging results ng gagawin ko."
She showed up a sly smile and nodded. Pero nakita ko sa mga mata nya ang matinding lungkot sa lahat ng napagdaanan namin these past few weeks. I felt na bumigat muli ang puso ko. It has been painful, pero parte ang lahat ng 'yon ng plano, ng buhay. Nginitian ko na lang rin si Ate.
"Ate dun na naman ba tayo babagsak? Tapos na yun e, wala na tayong magagawa. I guess we just have to move on and go on." I felt tears trigger, but I tried to push it back. Hinila ko na ang kamay ni Ate papunta sa usual na tambayan nila. "Tara na, ate. Palunch break na rin."
Nang nakarating na kami sa tapat ng pintuan, I knocked the door before I opened it. And pagsilip ko, lahat sila tinigil ang ginagawa at nakatingin lang sa akin. I showed off my smile. I scanned these people: nandito si Boss Gabby, Ma'am Charo, Ma'am Linggit, Ma'am Cory, Sir FMG. Nung dumapo naman ang tingin ko kay Mr. M na usual na nakabusangot, napahawag ako ng mahigpit sa leave letter ko. "Good morning po."
"What a surprise, Ge. Napadalaw ka." Warm greeting ni Ma'am Charo. "Anong atin?"
Lumapit ako sa kanya at inabot ang nakaenvelope na letter. "Gusto ko lang po sanang personal na iabot ito sa inyo."
"What's that, Ge?"
"Boss Gabby, leave letter po. Kung okay lang."
Tumingin na ulit sa akin si Ma'am Charo matapos nyang basahin yung liham ko. Nag-aalala ang mukha nya. "Dahil ba 'to sa gawa ni Johnny?"
He groaned. "Ako na naman ba, Charo?" Napailing si Ma'am Charo. "If he wants a leave then let him!"
"You deserve this, Ge. After what happened. Stubborn lang talaga 'tong Little Johnny namin." He groaned again. Lahat ng nasa loob ay tinawanan na lang rin si Mr. M. Pero agad ding nagseryoso si Ma'am Charo at tinignan ako. "But seriously, Ge. If I knew this earlier, I should have warned him to hold it back.But don't worry. Pagbalik mo, we'll save you."
Nginitian ko na lang sya at tumango.
Honestly, hindi ko pa alam kung babalik pa ba ako. Ayoko na rin. Masyado nang magulo. Ayokong masira ang buhay ko dahil dito. Wala na rin naman akong rason para magstay pa.
If only I could reset my life, I shouldn't have entered this world.
Sa totoo lang, nahanap ko ang rason noon kung bakit mananatili ako dito. Dahil sa kanya. Gusto kong magka-access sa kanya kahit pagkatapos ng pelikula naming una. Mas naging inspired ako na magtrabaho lalo tuwing nakikita ko na sya yung future ko. Nagtatrabaho ako para sa kanya at para sa pamilyang bubuuin namin. Masyado man akong advanced mag-isip, pero ganun talaga e. That's how she affects me.
Pero when the breakup happened, nagkadaleche-leche na ang buhay ko. Nawala sya sa akin dahil hindi ko sya ipinaglaban o ipinagtanggol man lang. Nag-go with the flow lang ako kasi alam kong ikakapahamak nya at ikakapahamak ko kung pipilitin ko pa. Naisip ko na lang na sana balang araw man lang. Kahit hindi ngayon.