Hindi pa rin ako makatulog. Ilang beses ko nang minotivate yung sarili ko na matulog na dahil maaga pa 'ko bukas na magigising. Pudpod na pudpod na ang Good Night's Sleep playlist ko sa Spotify ko. Nakailang bilang na ako ng mga sheep na tumatalon sa bakod sa utak ko. Pero wa epek pa rin.
Well, kasalanan rin naman ng utak ko na bigla-bigla na lang nagpapop out yung mga nangyari kaninang maghapon kaya nadidistract ako sa pagkakafocus ko na makatulog. Masayang-masaya lang talaga ako ngayon. I never knew I'll feel this way again. Na ganito kalight. Ganito kasaya. Na nararamdaman ko ulit 'to.
I can really never stop loving her. Lalo ngayong naiinspire pa ako na parati na syang pasayahin. Nakakamiss yung mga malulutong at mahihinhin nyang tawa. Yung matamis nyang ngiti. Yung pino nyang kurot. Yung taos sa buto nyang panunulak. At yung nakakapanghulog-loob at malaanghel nyang boses. I am no Shakespeare or Balagtas, but that is what I'm feeling right now.
Napasilip na lang ako sa phone ko para sana pigilan ang music na paulit-ulit nang nagpeplay mula sa headphones ko, only to find out that it is already 2 in the morning. I spanked my forehead upon realization that I have been to dreamland for that long although I am not asleep yet. I turned my phone off and slid it under my pillow. I was about to sleep when a loud thunder rumbled. I heard a scared mumble. Natakot ako na baka multo 'yun, pero I told myself that I was just hallucinating. Hibang ka na rin, Ge? So I closed my eyes again. Kumulog ulit, pero mas malakas pa sa una. Then a figure from the short hallway with light appeared running towards me. It was Sarah.
"Rj, halika, dali!!!" She was wearing her white gangster t-shirt and a pajama with a blankie on her right arm while both strong arms of hers pulled me up of my bedrest.
"Oh, bakit?" I obliged to stand up para di na maging pabigat sa kanya. She pulled me to the hallway, and inside the bedroom. Kinusot ko ang mga mata ko. "Why, baby girl? Is there something wrong?" I sounded like a dad.
She nodded like a kiddo. Cute. "Dito ka matulog."
My senses came up to me as I realized what she has just said. Dito ka matulog. "B-But why?"
"Nakakatakot kasi eh." Humiga na sya sa kama at nilagay na ang kumot sa ibabaw nya. Umusog sya ng kaunti and left a space, perhaps for me. "'Lika na."
My palms are sweating. Para akong daddy nya at para ko syang anak na babae. Pero plot twist: pedophile si daddy. Just kidding. "Ash, I'm a guy and you're a girl. I don't know if you know this yet pero, it is not good to see that two people of the opposite gender sleeps together in one bed kung they are not officially on."
"Eh di, officially on na tayo." Inosente nyang sagot. Natawa naman ako at ginulo ang buhok nya. "Ano ba 'yung officially on na sinasabi mo?"
"In a relationship." Naupo na lang ako sa tabi nya while she looked at me and anticipated to what I'll say next. "Ibig sabihin n'un, kapag nakaramdam ka na ng love para sa kanya, at pareho kayo ng nararamdaman, and you both want to live with each other until forever, 'yun ang in a relationship."
"Eh gusto kong makasama kita habambuhay." Nanigas ako sa kinauupuan ko at natitigan lang sya. "Feel ko kasi wala nang mas iintindi sa kalagayan ko ngayon kundi ikaw lang." Napangiti naman ako.
"Hindi ganun kadali 'yun." Marami pa tayong dapat daanan. Marami pang di sasang-ayon. Kakausapin ko pa parents mo. Ipaparamdam ko pa sa'yo kung gaano kita sobrang kamahal. True love wits nga, sabi mo di ba? "Sige na matulog ka na." I pat her head and stood up.
"Wag mo 'kong iwan."
"Dito ako sa sahig matu—"
"Please. Wag mo 'kong iiwan. Dito ka lang." She pouted like a baby. I smiled. Pero binato nya sa mukha ko yung isang unan. "O ayan."