iii

1.4K 38 11
                                    

Napapansin ko mula sa gilid ng mga mata ko na narerecognize na rin ako ng mga tao. It is already past 9 in the morning and the sun's shinig so bright sa labas kaya malamang nakikita na nila ako. I haven't took breakfast yet and I look miserable, but I don't care. Paano naman kung umalis ako, di ba? Tapos hinanap ako ng doktor and I'm nowhere to be found? Hindi ko kayang iwan si Sarah dito kahit hindi man nya alam na nandito nga ako sa tabi nya.

"Sir Gerald?"

Napatingala naman ako kaagad nang tawagin ako ng babaeng nurse na nasa desk. I jolted. Naramdaman ko na bumalik yung katiting na pag-asa ko kanina sa kalsada na ligtas si Sarah. Naramdaman ko ang mga mata ng mga tao sa paligid ko na nakatingin sa akin. Tinuro ng babae sang papasok sa emergency room ng nakangiti. Tumayo naman ako kaagad at pumasok doon.

Ano kayang sasabihin sa akin ng doktor? Okay na sana sya. May mga kumplikasyon kaya sya? Sana konting pahinga lang ang gawin nya, tapos okay na sya. Alam kong imposible yun, pero ang dami kong naiisip. Sana ganito lang, sana ganyan lang. Sana kumapit nga sya. 50-50 ang inaasahan ko. 50% sa puso ko ang naniniwala na magiging okay sya. 50% naman ang may alam ng katotohanan-na magiging kuplikado. Na matatagalan pa ssiguro bago sya makaarecover. Pero ahit ano pa man ang mangyari o mangyayari, nandito lang ako para sa kanya. 24/7. Ako na lang ang mag-aalaga sa kanya.

Sinalubong naman ako ng doktor ni Sarah. Tinignan nya ako ng malungkot. Nahawa naman ako. Nagshrink yung pag-asa ko, naging 25% na lang, hanggang sa naging 20%, 15%, 10%... 1%. Sinabi ng doktor na inilagay nila sa state of coma si Sarah. Matindi daw ang nangyaring collision ng ulo nya sa sasakyan nya kaya probably daw e nawalan sya ng oxygen sa utak for a short span of time. Nang dinala ko rin daw sya dito, zero breath daw sya, kaya nagrescue breathing daw sila sa kanya. Marami rin daw syang natamong sugat galing sa bubog ng sasakyan at mga pasa sa pagbagsak ng kotse nya sa palayan. Ang pinakamalaki daw ay ang sa ulo. Kaya nasabi ng doktor na merong malaking tsansang magkaroon sya ng amnesia. Malalaman lang daw namin na totoo iyon pagkagumising na sya at nagpakita na sya ng signs na wala nga syang maalala at all.

Kinakabahan ako sa mga mangyayari. Paano nga kung oo? Ang bigat nun sa dibdib. Pero kakayanin ko lahat para lang sa kanya. Mahal ko sya e. Kung amnesia man ang magpapabago sa buhay nya, kasama naming kakalabanin ito. Ako ang magtuturo sa kanya ng lahat. Kung ikaw rin naman ang papipiliin, mas pipiliin mo pang kalimutan ka nya pero nandito pa rin sya kesa mawala na lang talaga sya ng tuluyan sa'yo.

At ayokong mawala sya sa akin.

Hinayaan nila akong pumunta muna sa kanya sa kwarto nya. Sinilip ko muna sya sa salamin at nakahimlay lang sya ng tahimik sa kanyang kama. Nakakamanhid syang makita. Maraming bandages ang nakabalot sa kanyang braso at meron din sya sa noo. Pinagmamasdan ko ang lifeline nya mula sa monitor. Sana patuloy ka lang sa pagtaas-baba, parang isang visualizer sa Windows Media Player. Ang corny ko. Naalala ko na naman yung mga kacornihan naming dalawa noon. Hindi man alam ng lahat, pero pag nagroroard trip kaming dalawa while wearing disguises, we usually do pun gun. Nagbibiruan kami lagi and we crack our corny jokes and laugh on them.

Good 'ol times. Nakakamiss. Ang sarap balikan, ang sarap ulitin.

Naramdaman ko naman ang pagpatong ng isang kamay sa balikat ko, and it made my heart ache even more. Nilingon ko naman kung sino ito at silang tatlo ay pare-parehong nakatingin sa salamin na tinitignan ko kanina. Lalong lumakas ang vibes ko na masakit sa puso ang susunod na mga pangyayari. At tama nga ako. Lalong bumigat ang pakiramdam ko nang narinig ko ang malungkot na boses ni Tito Delfin na bumasag sa katahimikan naming apat.

"Nung dumating ka sa bahay kahapon, nakasilip sya mula sa sasakyan nya." Nilingon ko sya at hindi nya inaalis ang pagkakaakbay nya sa pigil na pigil na paghagulgol ni Tita, at sa kanyang pagtingin sa kanyang precious girl na nasa tapat nya ng salamin. "Hindi daw sya makalapit man lang sa atin dahil natatakot sya sa maaaring mangyari. Nasasaktan pa rin sya tuwing nakikita ka, Ge. Kahit man lang sa TV. Lalo na sa mga talk show. Kahit alam nya kasing wala na kayo, sa puso't isip nya, pwede, pwede pa rin. Kahit hindi nya yun aminin sa amin, nahahalata namin yun."

ResetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon