xii

1.1K 43 11
                                    

"Oh bro, ano'ng minumukmok mo dyan?"

Ano'ng minumukmok ko? Hindi ko din alam. Siguro nakakapangsenti lang talaga yung paligid. Yung simoy ng hangin, yung katahimikan, yung bench, yung ilog na kahit medyo madumi... Parang gusto mong sumabay sa paggewang gewang ng mga puno sa paligid mo.

Those words she uttered yesterday are still in my head, and I am going insane. Hanggang sa matapos ang araw, yun pa rin ang naiisip ko. Well, hanggang sa panaginip ko, actually, it haunts me. Pero masaklap lang ang kinalabasan. She was running away from me while raining. I kept calling her name, but she kept on screaming, 'Wag mo na akong sundan, Gerald.'

Hanggang ngayon, natatakot pa rin ako. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Baka nga wala naman talagang forever. O baka kami lang...

"Huy!"

Nagkibit-balikat na lang ako at umayos ng upo sa bench. "Wala, ang lamig lang."

Umupo rin naman si Fred sa tabi ko and chuckled. "Ang lamig daw. Init kaya! Ewan ko sa'yo Heraldo."  He pats my shoulder and breathe deep. "Alam mo, sa totoo lang, imposible nga na hindi nya maalala 'yung hindi mo gustong maalala nya. Sabi nga nila, the truth is sometimes revealed when you least expect it. Kung hindi manggagaling sa taong nagsinungaling, malamang malalaman nya sa iba pang factors: sa isang evidence na bagay, sa isang lugar, sa isang tao, o sa pagkakataon na rin mismo."

Napapapikit naman ako sa sinabi nya. Tama nga naman. Kaso ewan, ewan ko na lang talaga. "Eh ano nga ba ang dapat kong gawin, Fredudu?"

"The hell dude, stop with that silly name!!!" Natawa naman kaming dalawa. "Feeling mo. Si Sarah lang dapat tumawag sa'kin ng ganun! Pero jokes aside, tol. Siguro, para sa akin lang naman 'to ha, alam mo naman na sa iyo pa rin ang final decision. Mas maganda na lang na you go back on track. Magfocus ka sa ngayon. Wag kang ahead. Because if your perceive what will happen in the future, that will drive you eventually. Hindi mo na maeenjoy yung present. Kaya kung ako sa'yo, magfocus ka kay Asher. Wag muna kay Sarah at Gerald. Dadating din yang araw na yan na malalaman nya. Pero ano'ng malay natin kung malapit na 'yun o matagal pa di ba? Tsaka para saan pa yung hirit mo sa kanyang Time will decide what's best for us? Kung hindi ka rin naman gagawa ng move para dun, di ba? Pero pwede mong isipin yung future nyo sa kasalukuyan, basta wag ka lang sa future nyo nakastuck... If that makes sense..."

"Wow, Fred. That was a heck of a SONA." Natawa kaming dalawa. Pero again, I was struck with those words. Sino nga bang bobo ang maghihintay na lang sa kapalaran to make its own way? I have to do something in order for a something to happen. And I hope it turns out well. Pero siguro, good or bad, I'll have no regrets. At least alam ko na nagawa ko ang dapat kong gawin, kesa magsisisi ako sa dulo at magmumukhang gago na bubulyawan ang sarili na ba't hindi mo ginawa 'tong ganito, ganyan. Pero syempre mas less regrets pag napunta lahat sa good.

Pero whatever happens today, may be bad or good, all I know is, soon enough, I'll try hard to win her back.

"What the hell, Iron Man?" Napalingon naman kaming dalawa ni Fred sa nagsalita sa likod ko at nakita si Ken. "For all I know, superheroes don't do dramatical shits while on costume."

Napailing ako. "Then I'll be free to be a dramatic shithead for a day without your idea, I think?"

"Then you'll not be in this fricking mall at this moment if you don't." Inihampas nya sa akin ang Captain America shield nya. Natawa na rin kaming lahat. "Let's go, the girls just finished using the bathroom. Ang tagal nila.

"Well I guess, girls will be girls." Sabi naman ni Lance, na naka-Superman.

"Anong sabi mo?" Sinabunutan naman sya bigla ni Ate Shine kaya natawa na din kaming lahat. "Ewan ko sa inyong lahat, tara na nga!" Sinara ko na lang ulit ang maskara ko. Niyakap na ni Ate Shine ang natatawa pang si Sarah tsaka na naunang maglakad papasok ulit ng mall.

ResetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon