xi

826 30 2
                                    

Nakasalampak sa nakalatag na sofa bed sa sahig ang The Gang pagkatapos naming magliwaliw sa playground sa subdivision namin. Napagod sila ng sobra kakalaro. Oo, sila pa ang naglaro. Ang kukulit nila, para silang hindi dinaanan ng pagkabata. Aliw na aliw naman si Gregory sa mga bago nyang kuya-kuyahan. Si Sarah, habang nasa playground, nakaupo lang sa swing. Tinatabihan ko na lang sya tuwing kasama ng mga tropa ko si Greg at nilalaro, at hinahabol ko naman ang bata pag tumatakbo papalayo sa kanila. Minsan kumakandong na lang si Greg kay Ate Sarah nya habang aliw na aliw naming pinapanood ang mga kakulitan nilang lahat.

Ang daming kinukwento sa akin ni Ash. Lahat ng mga di nya nasasabi sa akin simula umpisa, sinabi nya. Marami rin syang naging tanong. Pero nang tinulak ni Jalal at Ali ang mga swing namin, napatigil sya at napahawak ng mahigpit sa akin. Mataas ang swing namin kaya natakot sya ng kaunti pero eventually naenjoy nya. Pinasubok ko na lang din sa kanya ang seesaw, slide at monkey bars na syang kinaenjoy nya. Bago umuwi, nagpicturan muna silang lahat sa playground. May group picture kaming magkakaibigan, kami nina Sarah at Greg, at kanya-kanyang selfie ng bawat isa.

"I still want to play." Sabi ni Greg that interrupted my flashback. He was sitting between my legs and is holding a teddy bear while wiggling his feet.

"Hala jusko. Pinagod ako ng batang 'yan. Di mawalan-walan ng energy!" Sabi ni Jalal mula sa sahig at gumulong papunta kay Fred.

I hugged Greg from behind. "You're so full of energy now, huh? Are you hungry?"

"Noooooooo." Iling-iling ang bata. Ang cute. Tumingin sya kay Sarah, sa tabi ko dito sa lovechair. "I want her to be mommy."

Napangiti naman ako at napalingon kay Sarah, pero saktong bumagsak ang ulo nya sa balikat ko. Pagod na pagod rin sya sa ginawa namin kanina. Hindi nga pala sya pwede magpagod ng sobra. Baka nga kulang din sya sa tulog.

"Look Daddy, Mommy's asleep." Turo ulit ni Greg kay Sarah. Natawa naman ako. Inayos ko na lang ang pagpatong ni Sarah ng ulo nya sa balikat ko at isinandal sya para mas maging komportable sya. Inakbayan ko na lang rin sya. Ang himbig ng tulog nya. Sumandal na rin naman sa akin si Greg, tumingin kay Sarah at pumikit. "Good night, Mommy. Good night, Daddy."

Lalo namang lumawak ang ngiti ko. Pwede na ba akong maging daddy? Daddy material na ba talaga ako? Kahit na ginawa akong unan ng dalawa, ramdam ko na pamilya na nga talaga kami. Niyakap ko si Greg at hinigpitan ko ang pagkakaakbay ko kay Sarah. Tinignan ko sya. Ganito ba ang magiging itsura natin pag nagkapamilya na tayo, Sars? If then, I'm more than willing to be their pillow for the rest of our lives. Napangiti na lang ako at napailing ulit. Eto na naman ako.

"Aww." Nilingon ko naman ang mga taong nasa sahig at lahat sila, nakadapa at nakatingin sa amin nang may hawak pang mga cellphone. Sabay sabay na nagflash ang mga ito, na pinicturan na pala ako. Pagkababa ng mga cellphone nila, tinignan nila ako na parang cute na cute sila sa nakikita nila.

"Post ko nga sa Instagram 'to." Sabi ni Ken habang kinakalikot ang phone nya.

"Wag mong subukan, mister." Saway ko. Natawa naman silang lahat. Inabot sa akin pabalik ni Fred ang phone ko. "At paano mo 'to nakuha?"

"Masyado kang focused dyan sa pamilya mo.  Nakakatakot kang maging tatay, baka bigla kang manakawan dyan."

"Siraulo."

"Ginawa ko na ding wallpaper yung picture nyong tatlo. Ginawa kong collage. Isa nung kakarating pa lang namin, isa nung sa playground tsaka isa nung ngayon. Alam mo bro, napakapriceless ng ngayon."

"Natagpuan mo na ang forever, bro!" Tukso sa akin ni Ali. Nagcheer naman silang lahat.

"Kung titignan mo talaga eh," Inilahad ni Jalal ang kamay nya at parang gumawa ng picture frame sa tapat naming tatlo. "Sarap gawan ng family portrait! Iba talaga pag maganda ang nanay at gwapo ang tatay. Gandang lahi. Paampon kami!!!" Hinila-hila nya ang binti ko. Gumaya na rin ang iba at pinaglololoko pa 'ko with baby voice.

"Daddy, can I crack the egg?"

"Pabreastfeed naman daddy!!!"

"Hey dad you're having favoritism na ha!"

"Daddy puno na diapers ko!!! Pakipalitan!"

"Daddy umutot ako!!!"

"Kadiri ka Ken!!! Yung sa'yo totoo!!!" Sita ko sa kanya. Bumaho kasi bigla.Natawa na lang kaming lahat. Surprisingly, for my family, naks seryoso na!, mahimbing pa rin silang natutulog.

Dumating na rin ang lunch, at sa dahil hindi ako makagalaw, nagpadeliver na lang kami ng pizza at pasta. Tinatamad na din kasi magluto ang mga bisita. Mga bundat talaga.

Maya-maya, nagising na rin ang bata. "Good morning, Greggy!" Bati ko.

"Mownin daddy." Sinundot-sundot ng bata ang tyan ni Ash. "Waaaaaaaakeeeeeey!"

Natatawa ko namang blinock ang daliri ng bata sa pagsusundot pa. "She's still asleep! Don't disturb her, baby."

"Eat!!!"

"You want to eat?"

Tinuro nya si Ash. "Eat!"

"Concerned na concerned 'tong bata kay Sars ah. Di kaya, di lang mommy ang tingin ng bata dito?"

"Baby girl material nga si Ash!" Sigaw pabalik ni Jalal na kinuha na mula sa delivery guy sa baba ang mga pagkain.

"Why Kuya, you jealous?" Hirit naman ni Ken.

"Di ba incest at pedophile yun? Kingina nyo umayos nga kayong lahat!" Banter naman ni Fred.

"Ewan ko sa inyo." Sabi ko na lang. Nagulat naman ako nang tumayo na bigla si Ash at nag-unat. "Woah, good morning, Ash."

"Morning, Ge." Sabay upo nya ulit at siksik sa akin at bumalik sa pagtulog.

Pare-pareho kaming nagulat sa sinabi ni Sarah. Ge daw. Ge. She's half awake. She said Ge. What does that mean?

Si Fred ang unang bmasag ng katahimikan. "Uh, guys, I'm sure hindi lang ako ang nakarinig nun."

"I heard it, too." Ken looked at me. Nagkatinginan kaming lahat.

Ano'ng ibig sabihin nu'n? Nakakaalala na ba sya? O talagang galing lang sa puso nya ag pagtawag sa akin sa pangalan ko while she's half conscious?

Binuhat na nila si Greg at pinakain sa may dining table habang hindi ko na naitanggal ang pagtingin ko kay Sarah. Bigla naman nyang niyakap ang bewang ko. Biglang nanahimik ang buong paligid at lahat sila nagsitinginan sa amin. Pare-pareho na lang rin kaming nakangiti.

"I miss you..." Nagsesleep talk na ang prinsesa. Lalong humigpit ang hawak nya sa akin. Malabakla naman ang pagtili sa kilig ng mga kasama ko. Ang sarap naman pag lagi syang ganito pag tulog sya. Papanoorin ko na lang sya lagi sa gabi. Pakiramdam kong unti-unti nang bumabalik ang alaala nya.

Pero paano nga kung bumalik ang alaala nya? Malamang hindi na kami magiging ganito ulit. Yung ganito kaclose, yung nag-uusap, yung nagkukulitan, yung magkasama sa isang bahay at nakakakwentuhan. Nakalimutan ko nga pala ang huling alaalang ibinigay ko sa kanya. Iniwan ko nga pala sya. Sinaktan. Paano kung maalala nya ulit ang mga 'yun?

Babalik na naman ako sa pagkalugmok. Ibabalik ko na naman sa kanya ang pakiramdam na maiwan.

Siguro, isa rin sa mga dahilan kung bakit ayaw din ipabalik ko kay Sarah lahat ng nangyari sa past life nya ay para makapagsimula rin kami ng bago. Pinapabuild up nya sa akin ang pag-asang hindi na sana nya maalala ang lahat ng paghihirap na dinanas nya noon. Na parang ngayong nagreborn sya, gagawa na lang sya ng good memories. Ngayon ko lang narealize na okay pa rin pala, para sa akin, kahit papano ang ganito. Ang selfish ko, pero ganun naman talaga pag nagmamahal ka, di ba? Nagiging selfish ka na lang rin?

Masyado 'kong sinasaksak sa utak ko na pilitin kong makaalala sya para maalala nya rin ako. Pero ngayon, sa tingin ko, sana hindi na rin sya makaalala, na hindi nya na maalala lahat ng lungkot na pinagdaanan nya dahil sa akin. Siguro, hindi na rin importante yung mga masasayang memories namin noon. Hindi nya na kailangang alalahanin yun kasi pag nangyari yun, di naman imposible na hindi nya rin maaalala ang lahat ng pagpapasakit na ginawa ko sa kanya. Pero alam ko, balang araw, maaalala nya ulit lahat.

Ngayon, mas determined ako na mas pasayahin sya, na mas turuan sya, na mas bigyan sya ng memories na hinding-hindi nya makakalimutan kahit bago sya makaalala ulit. Bago kami mahihiwalay ulit sa isa't isa.


Pagkatapos ng 30-day rule.

ResetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon