ii

1.6K 34 9
                                    

1:00 A.M.

Ang pinakaalanganing oras sa pagbyahe ng isang byahero lalo na kung mag-isa ka lang. Usually kasi, 3, 4 A.M sila nagsisimula kaya naaabutan na nila sa byahe ang pagsikat ng araw.

Siguro sa sobrang atat lang talaga ako lumaya at magpahinga, I dared to do this.

Napag-isip-isip ko rin na magstay muna sa bahay namin sa Subic for 6 months. Alone. My dad is in the US. Si Mommy naman nasa Gensan. Ken went with mom dahil gusto nya rin muna magbakasyon with her. For my other siblings, they are all with dad.

My gang, oh, pahinga muna sila sa akin. They needed rest, too. Sinabi ko rin sa kanila that kung kailangan talaga nila ng raket kung kelan nila gusto, they could first take over sa iba kong businesses. I told Ate Nhils na mababawasan muna sya ng isang pasaway na alaga.

I had these planned for a long time. I told myself kung pagod na ako sa trabaho kong 'to, and if I feel lost, I should really take a rest first.

And this is the right time.

Kahit nakakulob ako sa sasakyan ko dahil nakaaircon ako ngayon, feel ko nakakahinga pa rin ako ng sariwang hangin. I felt I was encaged for a long time and now I am free. I'm off my cage. At kahit alam kong soon babalik ako sa lungga ko, at least nagkaroon ako ng pagkakataon to freshen up.

Mistulang isang drum ang steering wheel ko. Sinabayan ko ng beat ang kantang Magic ng One Direction. Ibang tuwa ang naramdaman ko. Iniisip ko kung ano ba ang mangyayari sa bahay pag mag-isa ako. I planned it na everyday, may dapat akong gawin. Excited na ako.

Matapos ang dalawang ras nang mabilis na byahe, malapit na akong pumasok sa daan papasok ng Subic Bay proper. Ibang excitement ang naramdaman ng isip ko, pero nakakapagtaka kung bakit ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Weird.

Hanggang sa sumikip nang sumikip na ito. Itinabi ko muna ang sasakyan ko tsaka kumuha ng tubig sa bag ko. Heartburn lang siguro 'to. Masyado kasi yata akong naexcite na lumuwas dahil bumyahe na ako kaagad matapos kong kumain. Nang naramdaman kong medyo kalmado na ko, I'm ready to go.

Nagulat naman ako ng may isang sasakyan na bumabyahe rin katulad ko ng ganitong oras. Talagang nagulat ako kasi the whole ride parang ako nga lang yung bumabyahe. Pero ngayon, may kasabay na ako.

Siguro may problema rin sya at gusto nyang makawala dun. Just like me.

Pero nayanig ako nang napansin ko ang pamilyar na plate number ng sasakyan na yun. Tsaka ko lang rin napansin ang pamilyar na sasakyan na dala nya.

Tinangka ko itong habulin para malaman nyang nandito ako, na gusto ko syang makausap, na I am damn sorry about everything.

Pero naunahan ako ng isang 10-wheeler truck na tumabi sa sasakyan nya. Kinabahan na ako nang unti-unti itong lumapit sa kotse nya. At binangga nya ito. Hindi ko alam kung bakit o kung ano ang dahilan kung bakit niya ginigitgit yung sasakyan ni Sarah.

Natatakot ako, natatakot ako na baka mawala uli ang babaeng mahal ko. Hinabol ko sila, I don't damn care kung nasa 100kph na ang pagpapatakbo ko ng sasakyan ko. I was determined to catch up, to make sure na safe siya. Na magiging safe sya.

Malapit na ako, and IF was determined to get rid of this ass truck away from my girl's car. At sa isang iglap, nawasak ang mundo. Masyadong mabilis ang pangyayari... Bigla nalang akong nanghina, nanlalambot. Nawala ang katiting kong pag-asa na maililigtas ko sya.

"SARAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!!!"

Sinayad ng truck ang sasakyan nya hanggang sa umabot sya sa small space na wala itong harang, kaya tumilapon ito sa may palayan and it crashed. Agad kong ipinark ang sasakyan ko sa isang tabi at bumaba sa may palayan para makuha man lang sya at subukan syang iligtas. Nanginginig ako at nanghihina. Tarantado ang gumawa nito. Balahura. Demonyo. Inalala ko sa isip-isip ko ang plate number ng truck. Balang araw makakapaghiganti ako.

Pero hindi ko muna yan inisip ngayon. Iniisip ko lang ang kapakanan ng mahal kong duguan at ginago. It is just so painful to see it. Hindi ko lubos maisip na magkakaganito. Na mangyayari sa kanya ito. Nakabaliktad ang kotse nya at nakastretch sa labas ang arms nya. Wala syang airbag at may mga bubog sa gilid. Duguan ang ulo nya. Umuusok na rin ang makina ng kotse kaya hindi na ako nag-atubili pa na kunin sya. Hindi na ako makakapaghintay sa mga reresponde.

Pagkalabas ko sa kanya sa sasakyan ay agad ko syang isinapo sa aking mga braso. Lalo akong nasasaktan sa nakikita ko. Pero my adrenaline rush struck me. Bumuhos naman ng malakas ang ulan kasabay ng pagpigil ko sa mga luha ko na sumabay. Hindi pa panahon para magdrama ngayon. Dinala ko na sya sa sasakyan ko at pumasok ako sa may upuan sa likod.

Bumigat lahat. Ang puso ko, ang katawan ko, ang nararamdaman ko. I didn't expect that she'll be in my arms again, lalo na on this way. Pinunasan ko ang mga dugo nya sa katawan, unveiling her scars and wounds. Inisip ko na lang na dapat magpakatapang ako. Kasi kapag nagbreakdown ako, baka hindi na sya makakaligtas.

Lumipat na ako kaagad sa may driver's seat. Nilingon ko ulit sya. I leaned close to her and kissed her on her head while trying hard to hold back my tears. "Baby girl, you'll make it through. Just please fight. Wag mo kog iwan."

I faced the road again at ipinaharurot na ng takbo ang sasakyan ko papasok ng base. Wag kang bibitaw, mahal. Wag.

"Ge, ano'ng nangyari?"

Nang naipasok na nila si Sarah sa emergency room, agad kong tinawagan si Tita para sabihin ang masamang balita.

"Tita, si Sarah po...." Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil bumalik na naman sa alaala ko ang itsura nya nang nakita ko sya sa palayan. Bakit ba sya pa? Bakit ngayon pa? Wala na ba akong karapatang sumaya? Manahimik?

Natahimik ang kabilang linya. Narinig ko ang isang pagbagsak na mistulang bumagsak sa sahig ang cellphone, at paghagulgol. May pumulot naman ng cellphone ayon sa tunog nito. "Ge, ano'ng nangyari kay Sarah?"

"Tito, binunggo sya ng isang truck. Tumilapon yung sasakyan nya at..."

"Jusko..." Naiyak na rin si Tito Delfin.

Kita nyo? Matindi talaga ang epekto nito sa akin at sa aming lahat. Pare-pareho naming hindi inasahan 'to. The demons really come out on the worst times. Evilness overpowered us.

Ilang oras na akong naghihintay ng naging resulta ng tests at medications na ginawa sa kanya. At sa mga oras na yun, walang katapusan ang pag-iisip ko kung bakit sya pa ang napahamak. Bakit hindi na nga lang ba ako? Bakit yung least deserving pa? Bakit?

Inabot na ng umaga. Nakatulala lang ako sa kawalan, minsan tinitignan ko yung promise ring at couple watch naming dalawa na lagi kong suot. Sinabi ko nung binigay ko sa kanya yung singsing na walang iwanan forever and ever and ever. Iniwan ko man sya pero physically yun. She never left my mind, at all. Sa couple watch naman, kahit malipasan kami ng oras na nag-away o di nagpapansiman o basta lang malayo sa isa't isa, kailangan mabawi namin yun. Nagpinky promise pa nga kami e.

Sarah, please tuparin mo yun. I'll be waiting, kahit it takes long. I love you.

ResetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon