vii

921 31 5
                                    

Nakaupo lang ako sa tabi ng nakahigang si Sarah nang nakapatong ang pisngi sa unan katapat ng kanyang mukha. Hinihintay ko ang pagmulat ng kanyang mga mata. Gusto ko kasing ako ang una nyang makita paggising nya. Yung tipong ako ang unang mag-aasikaso sa kanya. Di bale nang mapuyat-puyat pa, basta't alam nyang nandito lang ako sa tabi nya't inaalagaan sya. Grabe, ang possessive ko naman.

Dahil sa ayoko rin namang buksan yung TV, kasi lahat naman halos ng mga balita dun puro kalokohan, kagaguhan. Ayoko nang magpaloko at ayoko na rin namang istress ang sarili ko. Nilabas ko mula sa bulsa ko ang iTouch ko at earphones. Nilagay ko ito sa shuffle mode at nagkusang magplay. Pagbalik ko sa pwesto ko kanina, I jolted dahil napakaganda ng kantang lumabas mula sa earphones ko. Eto yung kantang hindi nya alam na kanta ko para sa kanya. I'm not really proud of my song choices, pero whenever I hear this 'corny' song as everyone says, laging sya ang naaalala ko. Kahit sa mga mall shows na napupuntahan ko. This is really for her.

Naalala mo ba nung nililigawan pa lamang kita?

Dadalaw tuwing gabi, masilayan lamang ang 'yong mga ngiti

At ika'y sasabihan bukas ng alas siyete sa dating tagpuan

Buo ang araw ko marinig ko lang ang mga himig mo

Kahit na paulit-ulit, hindi pa rin akong nagsasawang magflashback sa lahat ng good memories na nangyari sa amin the past years. Para lang syang isang kanta na paulit-ulit mong pinapatugtog at kahit na naiintindihan mo na talaga yung meaning hindi ka pa rin napapagod at nagsasawang ulitin pa ng ilang beses ang kantang 'yan. Sa kanta it is called LSS. Sa atin, tawag dun, love.

Hindi ko man alam kung nasaan ka, wala man tayong komunikasyon

Maghihintay sa'yo buong magdamag dahil ikaw ang buhay ko...

"Kung inaakala mo..." I caressed her face, hoping it could wake her up, make her feel better and help her remember everything again. "Ang pag-ibig ko'y magbabago..." I am definitely offtune. You always laugh at me when I do. "Itaga mo sa bato, dumaan man ang maraming Pasko..."

Kahit na di mo na abot ang sahig

Kahit na di mo na ako marinig

Ikaw pa rin ang buhay ko

Hindi ko na namalayan ang pagpasok ng The Gang sa kwarto hanggang sa tinanggal ni Jalal ang earphone ko. Nagulat ako, wondering why were they here. I never told them yet na naaksidente si Sarah, na patitirahin ko muna sya sa bahay. Merely maybe because I was afraid of disappointing them. I promised to make this vacation only for me. No distractions, no anything. Just me time for 6 months or so. Besides, ayoko na rin silang abalahin pa.

Napatayo na lang ako with a shocked face. Kasama pa nila ang pinsan kong si Lance at ang ate ni Sa na si Ate Shine. I didn't remember telling them that I was here. "H-Hey guys!" Alanganin kog bati sa kanila.

ResetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon