Habang naglalakad sa mall matapos naming maglunch ng pamilyang Geronimo, napadaan ako sa National Book Store. Naisip ko ang sinabi sa akin ni Mommy Divine at Daddy Delfin kanina. Ayoko nang magsinungaling pa kay Sarah. Sa ganung paraan sya nawala sa akin, eh.
Pero siguro nga, that's the best thing to do right now. Tulad ng dati, kailangan ko munang pagsamantalang itago sa kanya ang katotohanan, pero sa kada sabi ko ng katotohanan ay sasabihin ko din ang katotohanan. Hindi man direkta sa kanya ngayon, pero sa tamang panahon, isang bagsakan kong ibibigay sa kanya iyon.
Bumili ako ng isang journal. Classic ang cover nito. May dalawa ring magkasintahan na nandito ay nakaupo sa harapan ng Eiffel Tower. Bumili rin ako ng dalawang libro. Napansin naman kaagad ni Gab ang hawak kong paper bag.
"Babasahin lang." Excuse ko na lang. Kahit kay Gab, hindi ko na muna sasabihin ang plano ko.
Kasabay naman ng pagbukas ko ng pinto ng kwarto ni Sarah ay ang pagmulat muli ng kanyang mga mata. My heart skipped a beat. Bumalik na ang 100% na pag-asa ko na magkakabalikan muli kaming dalawa. Na mababalik ko muli ang nawala. At nadagdagan a ito ng 100% na pag-asang makapagstart over again kaming dalawa alinsunod sa sinabi sa akin ni Tita.
Hindi na akong nag-atubili at agad akong lumapit sa kanya at niyakap sya. I felt the longing. At last. It has been three years nang huli ko syang niyakap. That was a sorrowful goodbye hug na pinilit ko na lang sa kanya kahit na naririnig ko ang himig ng hagulgol nya. Ngayon, it's a hug of longing, of great happiness, of new beginnings.
Wala nang nakaattach sa kanyang mga equipments. Sa sobrang galak ko, hinalikan ko sya ng hinalikan sa noo t hinawakan ang kamay nya na tipong akala ko ako lang ang tao dito sa kwatong ito. Na parang wala ang mga kapamilya ni Sarah. Masyado ko syang pinossess.
Napalingon naman ako sa likod ko at natawa ng mahina at nahihiya. Kumulan sila doon at nanginginig dahil sila'y paluha na. Tumayo ako at humingi ng paumanhin. "Mahal ko lang po talaga e. Kayo naman?" Natawa naman sila.
"Sino ka?"
Right then and there, my world tore apart. For the millionth time.
Mabilis na naman na lumipas ang isang linggo. Pinayagan na si Sarah na magpahinga sa labas ng ospital. Eto na rin ang panahon kung saan magsisimula ang pananatili nya sa bahay ko. Ng kaming dalawa lang. I am damn excited, at the same time, nervous. Di ko alam ang mga mangyayari. Kinakabahan ako kung ano ang mga dapat kong ituro sa kanya, ikwento sa kanya, lalo na't kailangan may limit. Baka maoverwhelm ako ng sobra at kung ano-ano na lang masabi ko sa kanya. Excited din ako dahil sa wakas, makakasama ko na ulit sya. Ang hirap mainlove, grabe.
Nakaabang na sa harap ng ospital ang sasakyan ko at nilalagay na namin sa backseat ang mga maleta at gamit ni Sasa. Naiwan sya muna sa kwarto at naghahanda kasama ang Ate Johnna nya. Pinasok ko na ang huling maleta at sinara na ang pinto. Tinignan ko si Tita Divine, Daddy Delfin, Gab at Ate Shine na pare-parehong nakangiti sa akin. Napangiti rin ako at lumapit sa kanila.
"Parekoy, alagaan mo si ate ha."
"Syempre naman!" I tapped his head.
"Hoy Budoy ha, sasapakin kita pag nalaman kong may ginawa kang masama sa kanya. Wag mong itanan 'yan!"
Natawa naman ako. "Ate Shine talaga, parang di ako kilala. Syempre di ko itatanan yun, magpapaalam muna ako sa inyo bago ko sya pakasalan."
Lumapit naman sa akin si Daddy Delfin at inakbayan ako. "Basta anak, alagaan mo ang prinsesa ha. Susubukan naming dalawin kayo once a week sa bahay nyo. Basta't ipangako mo sa amin ha, wala kang gagawin sa kanyang masama. May tiwala naman kami sa'yo, Ge."