Pagkagising ko naman ay kinabahan ako dahil wala akong nakapang Sarah sa tabi ko. Bakante na ang kama at bukas ang kurtina na nagpapaaninag sa akin ng mga puno at sikat ng araw sa labas, though clouds are still visible. Tumayo ako, inayos ang kama at sinara ang pintuan ng veranda. Naghugas ako ng mukha sa CR ng kwarto bago ako pumunta ng sala. Pero pagdating ko dun, walang tao.
"Ash?" Binuksan ko naman ang pinto ng CR sa sala, pero wala sya dun. Pumunta naman ako kaagad sa may dining area at may nakahain nang happy pancakes, pero kinakabahan pa rin ako kaya sinilip ko ang kusina. Pero lalo lang bumigat ang dibdib ko. Wala sya dun.
"SARAH!!!" Hindi ko na napigilang isigaw. Dali-dali akong nagsuot ng t-shirt at tsinelas tsaka bumaba sa garahe. Nadaanan ko ang relo at nakitang 9:52 AM na pala. Malamang matagal nang nakahain ang pagkain. Malamang matagal nang nawawala si Sarah.
Bakit naman sya biglang magdidisappear? Bakit sya bila na lang mawawala? Dahil ba umulan kagabi kaya dapat tuwing umuulan nawawala ka sa akin? Bakit ba kailangang lagi na lang ganito?
Kinuha ko sa kotse ang isang sumbrero at sinuot ito. Tsaka ko lang narealize na bukas ang main door. Iniwan na ba nya 'ko? Naaalala na nya ba lahat ng nagawa ko sa kanya kaya lumayo na sya? Bakit kailangan pang magkaganito?
Napaparanoid ka na naman, Ge. Kumalma ka lang, please.
Paranoid na kung paranoid, pero hindi ko na napigilan ang sarili ko na mag-isip ng ganun. Ng mga masasamang bagay na pwede talagang mangyari. Hindi kaya di talaga kami meant to be? Kasi kung ganun nga, tatanggapin ko na lang. Kesa pareho pa kaming nasasaktan.
Kumukulimlim na naman. Uulan na naman. Naghuhudyat na naman ang langit. Gusto ko na lang ulit umiyak.
Siguro nga, narating na namin ang dulo. Maybe I really have to end what I'm doing. Siguro narealize na nyang nahihirapan na sya, na hindi na nya matiis lahat, kaya bilang si Sarah man o si Ash, she left me because she was tired of the situation. Of me.
"RJ!!!!!!!!!"
I was stunned when I heard her voice call for me. Nawash away lahat ng kadramahan ko on losing her. I search to where that voice came from, until I see her figure few houses away from mine. She was on the second floor with messed up hair, peeking out on a window while carrying a kid.
"Ash?! Ano'ng ginagawa mo dyan?" Tumakbo naman ako kaagad papalapit sa bahay na iyon, sa ilalim ng bintana.
"Akyat ka dito. Tulong please. Hindi ko alam kung paano mag-alaga ng bata."
"What?!"
"Nakita ko kasi syang patalon dito sa bintana, umiiyak ng malakas. Kanina pa. Kaya pasensya na kung hindi ko napigilan ang sarili ko na lumabas kahit sabi mo bawal. Teka nga, umakyat ka na nga dito!!! Nandyan ka pa sa baba eh!"
Taranta naman akong pumunta papasok ng bahay na iyon at umakyat sa second floor kung nasaan ang mismong bahay and so her carrying the kid. Ngayon ko lang napansin na umiiyak yung bata. Sobrang focused lang kasi ako kay Sarah kanina. He's a two-year-old kid, with golden hair amd freckles in his cheeks, which make me think he's American.
Kitang-kita ko na tagatak na ang pawis ni Sarah kaya binuksan ko muna ang electric fan sa tapat nya bago ko kinuha sa kanya ang batang nagtatantrums. Sinubukan kong patahanin sya.
"Don't cry, baby." Niyakap ko ang bata at unti-unti naman tumigil ang iyal nya. Tinignan ko si Sarah, who was wiping away her sweat on her forehead. "Ash, tinignan mo na ba kung may tao sa mga kwarto dito?"
Tumango sya and looked at me. "Pagkatapos ng pagtalon ng bata at pagsalo ko sa kanya, umiyak-iyak na sya. Inakyat ko sya kaagad dito kasi bukas yung main door. Hinanap ko kung may mga kasama sya dito, pero wala. Pero may nakita akong letter kaninang nakadikit sa pinto kaya tinignan ko muna 'yun. Di ko pa kinukuha."