CHAPTER 4

17 0 0
                                    

HI! HINDI AKO MASYADONG MAKAPAG UD NGAYON DAHIL BUSY AKO SA SCHOOL WORKS KO AT MODULES NATAMBAKAN NA RIN KASI AKO. BUT ENJOY READING☺️

"Pre, ano na? Hindi ka pupunta?" Sabi agad ni Arlo pagkasagot ni Azrael sa tawag neto.

Tinatamad si Azrael dahil hinihintay niya ang tawag ni Azariah pero kahit anong gawin niya kakahintay ay hindi pa rin ito tumatawag.

"Ligo lang ako, punta ako jan." Walang buhay na sagot naman neto.

"Okay, Tama yan! Good yan! HAHAHAHA—" Agad niyang pinatay ang tawag dahil Wala namang sasabihing matino yon.

Pagkatapos ng ilang minuto ay natapos na rin si Azrael, tumingin muna ito sa salamin para tignan kung ayos lang ba ang suot niya, ng makuntento ito ay kinuha na niya ang susi ng koste niya at wallet.

"COMFORT room lang ako!" Sigaw ni Azariah sa mga kaibigan niya, dahil maingay at sobrang lakas ng tugtug sa loob ng club.

"Sige! Pag may nakita kang gwapo lapit agad ah, HAHAHAHA!" Sabi naman ni Athena

"Sira! Sige ba!" Natatawag sagot naman niya.

"Oh sige! Game ah!"

"Oo ba! Pagbalik ko, hahanap pa ko ng gwapo eh!"

"Okay! Basta bilisan mo!"

"Oo na!" Natatawag netong sagot, saka na siya naglakad papunta sa comfort room, ang dami niyang nakakabangang lasing pero wala siya pakealam don, ng malapit na siya sa comfort room ay may nadaanan siyang lalake.

"Ang bastos talaga ng lalakeng yon, di man lang ako pinatapos." Bubulong bulong na sabi neto, habang nakatingin sa cellphone niya.

Sinawalang bahala na lang niya yon saka na siya dumeretso sa Cr para mag-retouch dahil mukha na siyang sinabunutan dahil sa kakasayaw niya sa dancefloor.

Nang matapos na siya ay bumalik na siya sa place nila kung saan nandon ang mga kasama niya.

"Ano na? Game na ba?" Sabi agad ni Athena dahil hindi talaga ito makapag hintay.

Umupo muna siya sa couch saka uminom ng margarita.

"Ugh, game na."

"Okay! May nakita ako kanina, kadarating lang! Gwapo siya! Sigurado akong yun yung mga type mo! Gusto mo?!"

"Sige lang!"

"Yun oh! Sakabilang couch!"

Tinignan naman niya ito habang umiinom, kaya naman napaubo siya ng makita niyang nakatingin si Azrael sa kaniya.

"Oh ito! Inumin mo!" Sabay bigay niya rito ng vodka, kinuha naman neto yon saka ininom, kaya lang lalo lang yatang sumakit yung lalamunan niya.

"Siraulo ka! Akala ko pa naman tubig!" Sigaw niya kay Athena.

"Ay mali nakuha ko, yun pala yung tubig oh." Saka neto tinuro kung saan nakalagay yung tubig, kinuha naman niya agad yon saka ininom. "Ano? Okay ka na?" Natatawang tanong pa niya.

"Siraulo ka." Saka niya ito tinignan ng masama.

"Gwapong-gwapo!"

"Nabulunan pa nga!"

"Siraulo! Nakatingin kasi!"

" Oo nalang sis!"

"HAHAHAHAHA"

Hindi na siya makatingin ulit don sa kabilang couch dahil alam na niyang nandon si Azrael, akala pa naman niya ay hindi sila magkita ngayon dahil yon ang inaasahan niya.

Minsan talaga hindi nakakatuwa ang Tadhana kung maglaro.

"Pucha..." Saka ito tumayo ng makita niyang tumayo rin si Azrael at naglakad papunta saan ang lugar nila. "Oy alis na ko." Sabi niya kay Winifred dahil ito nalang ata ang hindi pa masyadong lasing.

"Ah, osige, ingat ka ah." Sagot naman niya habang ginigising si Athena na nakahiga na sa couch ang kalahati ng katawan neto. "Hoy, gumising ka nga." Saka niya ito tinapik sa balakang.

"Hm sige." Saka niya kinuha ang pouch niya na nakaunan kay Athena. "Oy, gumising ka nga, hina mo."

"Kaya mo bang umuwi?" Tanong si Winifred.

"Kaya pa naman."

"Hindi ka nahihilo?"

"Hindi naman."

"Osige na."

"Ikaw kaya mo ba yan?"

"Naman, ako pa."

"Okay, sige na."

"Hm, ingat sis."

"Sige, ingat ka rin."

"Hm, salamat."

Saka na ito naglakad ng mabilis para makalayo kay Azrael, ng makarating siya ng parking lot ay akala niya ay nakalayo na ito pero hindi talaga siya natutuwa sa Tadhana.

"Not to fast, honey." Boses iyon ni Azrael at alam niyang nakangisi ito ngayon, pero hindi siya nagpatinag dito, bagkus ay hinarap niya ito at nang-aakit na nginitian.

"Oh, ikaw pala Azrael."

"Yes."

"So, what are you doing here?"

"Isn't obvious?" Saka siya neto pinagtaasan ng isang kilay. "I'm drinking."

"No, you're not." Siya naman ngayon ang nagtaas ng kilay.

"I am." Nakangisi sabi neto.

"No." Siya rin ay ngumisi.

"Yes, I am."  May diin na ang bawat salita ni Azrael, kaya naman napatawa siya ng bahagya.

"No, you're not Azrael." Saka siya ngumiti ng naaasar. "Because if you're drinking, why are you here on the parking lot?" Hindi naman nakaimik si Azrael dahil wala talaga siyang maisasagot. "Are you drinking 'here' on the parking lot?" Diinan niya talaga ang 'here' para maasar ito, at parang bata inilabas ang dila para dilaan si Azrael.

"Don't do that again." May diing sabi ni Azrael, napatayo naman ng tuwid si Azariah.

"Ang alin?" Naguguluhang tanong niya. "Ang asarin ka?" Saka ito tumawa ng bahagya. "Asar-talo ka pala eh." Saka niya ulit dinilaan si Azrael at tumawa.

"Don't stick out your tongue, honey" Sabi naman ni Azrael at umiwas ng tingin.

"Eh? Yun lang?" Bulong naman ni Azariah dahil akala pa naman niya ay kung ano. "Akala ko pa naman ay ano na." Bulong ulit niya, pero mukhang narinig yata yon ni Azrael.

"Expect the unexpected, babe."

"Pucha, ano ba, tigilan mo nga ang kakatawag sakin ng kung ano-ano!"

"Stop cursing, woman."

"Pake mo ba! Parang tanga ang siraulo."

" I said, stop cursing."

"Bwesit, paulit-ulit."

"Ang dumi kasi ng bibig mo."

"Madumi rin naman ang sayo ah!"

"Edi linisin mo."

"Ano!"

"Ang sabi ko, linisin mo."

"Ayoko nga! Parang tanga naman."

"Okay, I'll clean yours nalang." Saka neto binaba ang mukha niya at tinantay sa mukha ni Azariah.

"Para kang tanga, tumigil ka nga." Saka niya tinulak ang balikat ni Azrael ngunit siya lang ang napa-atras.

"Ayaw mo?" Tanong pa ni Azrael.

"Ayoko." Sagot naman niya.

"Kung ayaw mong ako lang ang maglinis ng bibig mo, pwede mo rin namang linisin ang akin." Saka niya inilapit ang bibig neto sa tenga ni Azariah. "Let's clean each others mouth, then." Saka niya ito hinalikan.

Hindi naman makagalaw sa pagkabigla si Azariah dahil sa biglaang paghalik ni Azrael.

Save (MINE SERIES #1) Slow Update Where stories live. Discover now