The vacation went so well, now we're packing our things so that we can go home na. Hindi kami sabay na aalis nina Azrael dahil nauna kami pumunta dito.Habang nasa byahe kami ay natulog lang ako at gigisingin naman ako pag bababa na. Makalipas ng ilang oras ay agad naman kaming nakauwi, ang iba ay magpapahinga na dahil siguro napagod sa byahe.
Dahil nakapag pahinga ako sa byahe ay nagtambay muna ako sa IG account ko para mag scroll ng mag scroll at ng mabored ako ay nanood naman ako ng Netflix sa sala habang kumakain ng popcorn na niluto ko pa.
Ang palabas sa napili ko ay tungkol sa isang babae na broken at ang lalake naman ay kasal ang kaso nung nagkakilala ang dalawang bida ay hindi alam ng babae na kasal na pala ang lalaking bida hanggang sa mainlove sila sa isa't isa at nabuntis ang babaeng bida sasabihin na sana niya sa lalaking bida, kaso ay biglang umuwi ang Asawa ng lalaking bida dahil wala na daw itong pera at kailangan niya ng pangastos hanggang sa nalaman ng babeng bida na kasal na ang lalaking bida, iniiwan ng babaeng bida ang lalake ng hindi sinasabi na buntis ito at dala-dala niya ang anak nila. Hanggang sa mapagod ang mata ko at makaramdam ako ng antok, kaya naman pinatay ko na ang t.v at umakyat sa kwarto.
Mamayang dinner ay pupunta ako kay Azrael dahil sabay kaming kakain, maglilinis lang ako ng katawan ko at saka ako matutulog ulit para makapagpahinga ako ng tuluyan bago ulit umalis at bumalik sa trabaho. Ang dami na sigurong nakatambak na paperwork doon.
Nag alarm lang ako ng 5 p.m para makapaghanda bago umalis ng matapos ay bumaba muna ako para uminom ng tubig dahil sa uhaw na nararamdaman pagkatapos ay umakyat na ako para makapagpahinga na ng tuluyan.
Hindi namin kasamang umuwi si Athena dahil may gagawin pa daw siya doon, ang sabi ko naman ay samahan na namin siya at maghihintayin nalang kami, ang kaso ay ayaw niya dahil confidencial daw iyon at hindi pwedeng sumama. Alam ko naman na kasama niya si Axel dahil masyadong malikot ang mga mata niya at balisa din ito hindi tulad kapag nagpapaalam siyang umalis.
Nagising ako dahil sa alarm, masyadong mabilis ang oras kaya naman nagpahinga lang ako sandali at agad naring maligo at naghanda para umalis.
I need to go to Azrael's house to make sure that he's here. We also have a date to celebrate our official relationship. I'm so excited to our date later and I need to talk to him about something.
Nang matapos ako ay agad naman akong bumaba para umalis na agad ng makasakal ako ng kotse ay dali-dali ko rin naman itong pinaandar papunta sa bahay nila Azrael.
Nang malapit na ako sa bahay ni Azrael ay nakita ko siya na may kasamang babae at para naman silang nag-aaway, kaya naman ng makababa ako sa kotse ay pinuntahan ko sila sa kanilang pwesto.
“I said, what are you doing here!” sigaw ni Azrael sa babae, kita ang galit sa mga mata ni Azrael habang nakatingin sa babaeng yon.
“Azrael!” tawag ko sakaniya habang naglalakad papunta sa pwesto nila.
Napatingin naman silang dalawa sakin, nanlalaki ang mga mata ni Azrael habang nakatingin sakin na papalapit sa pwesto nila at ngayong nakita ko na ang mukha ng babae ay kita ko na rin ang kulay bughaw nitong mga mata, ang natural na pagka pink ng kanyang labi at ang matangos nitong ilong. Mukha itong mahinhin at hindi makabasag pingan.
Nang nakapunta na ko sa pwesto nila ay ngayon ko lang nakita na may kasama pa pala silang dalawa nakilala ko ang isa na si Rogian siya yung nakilala ko sa Palawan at yung katabi naman niya ay hindi ko kilala.
“Who are you?” Mataray na tanong naman ng babae.
“Angel...” napapapikit na sabi ni Azrael, nagtitimpi.
“I'm Azariah Jasper Pascua, Azrael's girlfriend.” I said.
“Come here Azariah, let's go inside...” Azrael said while holding my one hand.
Nakakailang hakbang palang kami ng magsalita ulit ang babaeng tinawag na Angel ni Azrael, napahinto naman si Azrael sa paglalakad at bumuntong hininga atsaka niya hinigpitan ang hawak sa kamay ko, atsaka ako hinila para magpatuloy ulit sa paglalakad.
“Well...” tumikhim muna siya bago magsalita ulit. “For your information, I'm Angel Lacson, Azrael's wife.” she said raising her one brow at me.
“Angel!” Azrael shout, atsaka humarap sa babaeng nagngangalang Angel.
'Angel na siyang asawa ni Azrael.'
Napaawang naman ang labi ko sa narinig. Hindi naman ako makapaniwalang tumingin kay Azrael na nakatingin na sakin. Ilang sigundo kaming nagtitigan, ang mga tinging ibinibigay niya ay para itong nagpapaliwanag, nagmamakaawa, ng ako na ang kusang umiwas ng tingin sa kaniya. Wala ni isang luha ang pumatak sa mga mata ko.
“Azariah,” he breathlessly called me, so I look at him, staring at his eyes. “Let's go inside, hmm?” he gently said, pulling me closer to him.
“I think, I shouldn't come inside your house, Mr. Lacson.” I said habang binabawi ko ang kamay ko na hawak-hawak niya, ang kaso lalo lang netong hinigpitan ang pagkakahawak. “Mr. Lacson, let go of my hand. It is disrespectful to your wife to hold someone's hand.”
“Azariah, please let me explain, hmm?” he beg.
“You don't have to. You don't owe me an explanation.” I said atsaka ko biglang binawi ang kamay ko sakaniya. “I think you're busy, so I should go.” I said saka ko hinarap ang babaeng nagpakilalang Asawa ni Azrael.
“It's nice meeting you, and I think you have a lot to talk about with Azrael.” I said, and then I extended my hand for a handshake.
Nabigla naman ito sa sinabi ko, napatingin pa siya sa kamay kong nasa harapan niya, pero agad ring nakarecover sa pagkakabigla.
“I'm Azrael's wife.” pagtataray niya, tinaasan pa ko ng isang kilay.
“I know.” buntong hiningang sabi ko saka ko ibinaba ang kamay ko ng hindi niya ito tinangap. “I'm going.” I said, then I took a last glance at Azrael before taking my leave.
YOU ARE READING
Save (MINE SERIES #1) Slow Update
RomanceAzariah Jasper is a volleyball player who want to try everything that interesting things to her and want to be a successful woman on her own hard work. She has a perfect life. Family, who loves her. Friends, and a Dream. And the fresh graduate Azrae...