CHAPTER 9

14 0 0
                                    

Habang naglalakad papunta sa pwesto ni Athena ay namumula ang mukha ko. Ang hayop hinalikan ako, ang dami pa namang tao at si Athena nakatingin rin, siguradong marami ang itatanong neto.

“Tangina, ano yung nakita ko.” nakatulalang sabi niya ng makalapit ako sa kaniya.

“Tara na.” Saka ko siya hinila papasok sa Airport.

“Hoy! Ikaw na bruha ka! Bakit hindi mo sinasabi na may jowa ka na pala!” malakas ang boses niya habang sinasabi yon.

“Hindi naman ako artista para laging updated ang mga fans ko,” nakabusangot kong sabi, inaasar siya. Kumunot naman ang noo niya at inirapan ako. Kaya naman natawa nalang ako sa kaniya at inakbayan siya. “atsaka hindi ko boyfriend yon.” sagot ko sa tanong niya kanina.

“Hindi mo boyfriend pero hinalikan ka!” sarkastikong sabi niya, nanlalaki pa ang mata niya habang nakatingin sakin. Natawa nalang sa reaksyon niya.

“Gaga! Ikaw rin naman!” pinanlakihan ko rin siya ng mata.

Tumawa lang siya sa sinabi ko at hindi na nagsalita ng makarating na kami sa mga kasama namin.

“Bakit ba ang tagal niyo?” naiinip na sabi ni Winifred saka ito tumayo sa pagkakaupo at nag stretching.

Umubo naman ng peke si Athena at tinignan ako, ng may pang-aasar. Kaya naman pinanlakihan ko siya ng mata.

“May isang tao kasi rito na nakipaglandian muna sa poging lalaki na wala naman palang label.” pagpaparinig pa niya. Nanlalaki naman ang mga mata nilang tumingin sakin. Nakung nakatingin sila sakin para bang gumawa ako ng masama.

“Wag niyo nga akong tignan ng ganyan. Parang may ginawa naman akong masamang krimen.” nakasimangot na sabi ko.

“Gago, sino yung poging lalaki?” nagtatakang tanong ni Nova.

“Wala kayong label?” tanong din ni Skyla.

“Walang label?” Ulit ni Winifred.

“Ano? Wala?” tanong din ni Saoirse.

Kaya naman mas lalo akong napasimangot. Wala na ngang label uulitin pa. Para namang mas lalo nilang ipinapamukha sakin.

“Oo nga, wala, paulit ulit dapat unlimited.” nakasimangot na sabi ko.

“Siraulo ka Nova,” natatawang sabi naman ni Athena. “yung poging lalaki lang yata narinig mo!” saka ito tumawa ulit.

“Syempre, kung may pogi na kayong lalaki dapat mag hanap na rin ako ng mas pogi pa don!” natatawang sabi niya.

Hanggang makasakay kami ng eroplano ay nagkukwentuhan lang kami, nagtatawanan. Nung mapagod ay natulog ako, ewan ko nalang kung anong mga pinag-gagagawa nila. Nagising lang ako nung Landing na ng eroplano. Saka kami sabay sabay na bumaba.

“Gago, ang gwapo nung piloto!” Sabi ni Saoirse habang nakatingin sa ibang dereksyon. “Gusto ko tuloy mag stewardess, yung piloto yung sasakyan ko!” dagdag pa niya saka tumawa.

Natawa nalang rin kami ng nag-uusap sila ni Athena na para bang seryoso sa buhay. Umulan man ng pagkain hindi ka niyan seseryosohin.

“Susuportahan kita kahit anong gusto mo.” Sabi pa niya. “Basta ba ireto mo ko sa mas gwapo pa ron.” Dagdag pa niya saka siya tumawa.

Nang makalabas kami sa airport ay sumakay kami ng cab para makarating sa hotel, dalawa ang sinakyan naming cab. Ilang oras lang agad kami nakarating sa hotel. May reservation na kami ng room para samin. Isang room lang ang reneserve namin, pero dalawa yung kama. Nang makapasok ay agad kaming nagpahinga dahil sa sobrang pagod ay agad din naman akong nakatulog.

Nagising ako ng maramdaman kong niyuyug-yog ako.

“Gising! Gising! Hindi tayo pumunta dito para matulog lang!” sigaw ni Athena kaya naman nilagay ko ng unan sa ulo ko at balak ng matulog ulit ng may humablot ng unan at inalis ang comforter. “Gising na! Hinahanap ka nung gwapong lalaki sa airport!” sabi niya kaya naman napabalikwas ako ng upo at inayos ko ang buhok ko.

“Nasaan!? Nasaan!?” natatarantang hanap ko.

“Ayun tayo eh, ang bibilis paglalaki ang usapan,” nailing na sabi ni Athena habang nakapamewang sa harap ng kamang kinahihigaan ko kanina na kinauupuan ko ngayon. “Bumangon kana dyan. Aalis tayo.” Sabi niya, kaya naman tinignan ko ang suot niya ngayon. Naka beach dress ito ay sandals na walang takong. Tanga naman niya kung magtatakong sa Beach.

“Saan na yung lalaking sinasabi mo?” tanong ko habang inaalis sa kama. “Atsaka san tayo pupunta?” tanong ko, habang inayos ang kamang hinigaan ko.

“Tanga, gagala tayo atsaka walang lalaking naghahanap sayo.” Sabi neto “Bilisan mong maligo.” dagdag pa neto saka lumabas sa kwarto. Siraulo talaga.

Nang matapos ay agad akong kumuha ng susuotin ko atsaka na ligo, ng matapos ako sa pagligo at pagaayos ay lumabas na ko. Naabutan ko silang nanonood ng t.v nakabihis na rin sila. Halatang ako nalang ang hinihintay. Nang makita nila akong ready na ay agad naman kaming umalis at agad na naglibot sa lugar.

Ang daming nagtitinda sa Palawan at nakaka-refreshing ang hangin.

“Kain muna tayo. Gutom na ko.” Sabi ni Nova.

“Tara gutom na rin ako eh.” sabi ko rin.

Sumangayun naman sila at sinabing gutom na rin sila, kaya kumain kami sa mga Kubo doon. Para ka lang nag reserve ng isang restaurant, dahil kayo lang ang pwede sa Kubo na yon at saka kayo oorder at dadalhin nalang nila ang mga order niyo sa Kubo, may isang mahabang mesa doon at may nakalatag na dahon ng saging, para lang kayong magbo-boodle fight.

Pagkatapos namin kumain ay naglibot ulit kami hanggang sa mapagod kami at gumabi. Kaya ng makauwi kami sa hotel room ay bagsak agad. Ako naman ay naglinis muna ng katawan at kinuha ang phone ko saka pumunta sa kusina para magtimpla ng gatas, matapos magtimpla ay pumunta ako sa veranda ng room nang magring ang phone ko, tinignan ko muna ang caller ng makitang si Azrael ang tumatawag ay agad kong sinagot.

Shit, nakalimutan kong tumawag.


“You didn't call me, so I did babe, so you will receive a punishment when I see you.”








Save (MINE SERIES #1) Slow Update Where stories live. Discover now