Busy ako sa pagre-review ng lessons namin na oral communication nang makarinig ako ng ingay sa labas. Napahinga na lamang ako nang malalim. Wala na bang katapusan 'to? Itinabi ko ang mga highlighter at ballpen na ginamit ko bago ako nagpasyang lumabas para tignan kung nagsasaksakan na ba sila.
"Ano?! Kakampihan mo na nanaman ang anak mong bulakbol! Nahuli ko nga siya na sumisinghot! Mahirap ba akong paniwalaan? Sige at paniwalaan mo 'yan nang tuluyang masira ang sira niyang buhay!" Galit na sigaw ni Papa. Nakita ko siyang itinuturo pa ang Kuya ko na nakaupo sa sofa na para bang kuting habang si Mama naman ay nasa harap ni Kuya na para bang pinoprotektahan ito kung plano mang saktan ni Papa si Kuya. Kung hindi ko lang napigilan ay napangisi na ako. What the fuck?
"Sabihin mo sinisiraan mo na nanaman siya! At saan mo naman siya nakita? At anong oras? Alas kwatro? May pasok siya noon kaya imposibleng siya ang nakita mo!" Pagtatanggol ni Mama. Sumandal ako sa dingding at pinagmasdan silang mag-away.
Inawat pa ni Kuya si Mama nang tangkain nitong sampalin si Papa.
"Ma, tama na." Awat ni Kuya.
"Kita mo na, ah? Guilty'ng guilty ka, ah! Sabihin mo diyan sa nanay mong baliw na baliw sa 'yo 'yung totoo!" Galit na sigaw ni Papa. Kumawala si Mama sa hawak ni Kuya at lumagapak ang kamay niya sa mukha ni Papa. Napasinghap naman ako roon.
"Tangina, Ma. Tama na sabi. Hindi ko na gagawin 'yon! Magpahinga na kayo!" Iritadong sabi ni Kuya. Hindi makapaniwalang tumingin si Mama sakaniya.
"Jusko, anak! 'Wag mong gawin iyon dahil masama iyon sa kalusugan! Baka mahuli ka pa! At 'di ba may pasok ka pag ganong oras? Bakit ka asa labas? Maaga ba ang uwian niyo?" Parang batang inalo ni Mama ang anak niyang napaka-galing. Umiling ako roon. Umamin lang naman ang anak niya na sumisinghot siya tapos ganiyan lang ang sasabihin niya?
"Ayan! Ngayon mo sabihing nagsisinungaling ako! Kita mo nang gumagamit 'yang anak mo, hindi mo pa pagalitan. Balak mo pa atang konsintihin!" Sermon ni Papa.
"Bakit ba si Ashton lagi ang pinagiinitan mo? Bakit hindi mo pagalitan 'yang anak mong babaeng magaling sa lahat? Gabayan mo siya dahil tarantado ang mga pinsan na kasama niya! Baka bukas siya na ang maglayas, 'di kaya makita mong may kahalikang kapwa na babae!" Napalingon agad sila saakin. Pagod akong huminga at lumapit sakanila. Ano ba namang buhay 'to?
"Ikaw, babae! Kung may balak kang maglayas, umalis ka na. Gayahin mo ang pinsan mong si Marky. Kung may balak ka rin namang tumaliwas sa utos ng Diyos gawin mo na tutal demonyo ka naman! Magsama kayo ng tatay mong demonyo!" Sigaw ni Mama. Napangiwi nalang ako. What the hell? Naglayas si Kuya Marky? At anong tumaliwas sa utos ng Diyos? Ano?
"'Yan ang mahirap sa 'yo, Georgiana! Kung sino pa ang tama siya ang ginagawa mong mali. Kung sino ang mali siya ang kinakampihan mo!" Sigaw ni Papa. Si Kuya naman ay tumayo tsaka dumaretso palabas. Sinamaan ako nang tingin ni Mama bago hinabol si Kuya.
Agad naman akong tumayo balak nang bumalik sa kwarto. Sanang hindi nalang ako lumabas.
"Anak, Brittany." Rinig kong tawag saakin ni Papa pero hindi ko pinansin at dare-daretso lang ako.
Agad kong ni-lock ang pintuan ng kwarto ko tsaka hinablot ang cellphone mula sa study table. Binuksan ko ang gc naming magpipinsan para kumpirmahin ang mga nangyayari. Walang bagong text doon.
Ako:
What's happening? Nasaan ka @Marky ?
Umupo ako sa upuan ko tsaka sinapo ang ulo. Lumayas ba siya sakanila? Bakit hindi niya man lang kami sinabihan?
BINABASA MO ANG
What Comes After Sunset (COMPLETED)
RomanceA lady who was invalidated since she was a kid. A lady who kept all her feelings inside. A lady who was looking for hope for a long time. Brittany Amber Canlas Sylva, an honor student since she entered school, a beautiful, smart, lovely, young lady...