Chapter 34

94 0 0
                                    

Hindi nagpatinag si Kuya Jaiden at nagpumilit talaga siyang sumama sa dinner namin ngayon kasama ang mga pinsan ko. Kanina ko pa siya pinipilit na h'wag na dahil maghapon siya sa studio at siguradong pagod na.

"Sasama ako." Hindi ko na mabilang kung pang-ilang beses na niya sinabi iyan habang hinihintay akong matapos mag-ayos sa aking kwarto. "Nakabihis na ako't lahat lahat."

"Ihahatid naman ako ni Keanne, Kuya. " Sabi ko habang tinitignan ang repleksyon sa salamin. Nakasuot lang ako ng simpleng puting dress at flat na sandals. "Before 12 gaya nang gusto mo."

"Edi ihatid niya tayo. I won't bring my car." Tamad na sabi niya. Huminga ako nang malalim. Hindi ko na talaga siya mapipigilan.

"Yeah, sumama ka na." Sukong sabi ko at kinuha ang bag na dadalhin sa kama para i-check ang loob kung ayos na ba.

"I'm sorry, feeling ko tuloy linta ako na dikit nang dikit sa 'yo. I just missed you." Paglalambing niya. Tunog guilty pa siya. "Lagi nalang sila 'yung kasama mo. Christmas break mo nga pero instead na sumama ka sa'min sa studio, sakanila ka pumupunta. Sorry, nagseselos lang ako. Hindi ako sanay na —"

"You shouldn't feel jealous, Kuya." Putol ko sakaniya. "I love you and mahal ko rin sila. Hindi ko naman kayo pagpapalit. I'm just trying to catch up with them, kasi 'di ba matagal n—"

"I know, I know." Siya naman ang pumutol saakin ngayon. Tinikom niya sandali ang bibig at pumikit. "I'm sorry, naiintindihan ko naman 'yon. Akala ko lang makakapag-bonding tayo nang mas matagal ngayong break at madadala kita lagi sa studio. I'm gonna shut up now. Kuya will laugh at me kung malalaman niya 'to."

I pursed my lips to stop myself from smiling and laughing. He's just too cute! Big boy na pero kung makaasta parang baby na iniiwan. I understand them naman. They just want to bond with me too. Tama rin nga na mula nung umuwi kami galing La Union ay araw-araw na akong umaalis ng bahay. Hindi ko na sila nasasabayan kumain at nak-kwentuhan pagkatapos dahil pagod na ako pag-uwi. Last week ay hindi rin ako nakasama sa Sunday sessions namin na church at family day dahil pumunta ako ng hospital.

"Sorry, Kuya." Sincere na sabi ko. Iniisip ko kasi na marami talaga akong planong gawin ngayong December at pupunta na kaming Zambales at Manila niyan kaya hindi muna talaga kami magkikita madalas. Alam na nila Mommy at Daddy ang plano pero wala pa ring alam ang dalawa kong kuya. "May plano rin akong pumunta ng  Zambales this week para bisitahin ang bahay, tapos Manila."

"Anong gagawin mo sa Zambales? Magbabakasyon kayo?" Tanong niya. Umiling ako at ngumiti.

"My father is sick." Agad nanlambot ang ekspresyon niyang kanina ay matigas at mukhang hindi pumapayag sa gusto ko. "May cancer siya at balak ko siyang puntahan para bisitahin."

"Bisitahin." Ulit niya sa sinabi ko. "N-no plans of staying there? T-to take care of your father?"

Umiling ako. "May classes ako. I heard from my cousins na may kinakasama na siya na nag-aalaga sakaniya. Hindi man ako mags-stay roon, balak ko namang dalawin siya roon buwan-buwan." Mabilis siyang tumango.

"That's good. W-we can visit him every month. P'wede kitang samahan palagi, lalo na at baka maging busy ang mga pinsan mo." Saad niya. Tumango ako at ngumiti sakaniya. "I'm sorry... kanina. I shouldn't be jealous talaga. Sorry for being jealous. I'll try my best not to be jealous kasi pamilya mo rin sila— gaya namin. You should bond with them just like how you bond with us."

"You shouldn't be jealous talaga!" Tumawa ako. "Kapag nakilala mo sila, I'm sure you'll love them. They are party people and drinkers like you!"

"I'll try to get along with them for you." He kissed my nose. "Kwentuhan mo naman ako kung anong nangyari last week."

What Comes After Sunset (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon