Chapter 2

192 4 0
                                    

"How about you, Brit? Kamusta sa bahay?" Tanong ni Kuya Paul. Nasa beach shore kami kakatapos lang maligo. Hinihintay namin ang paglubog ng araw.

    "It's fine. Katulad pa rin ng dati." Tanging sagot ko at bumuntong hininga. Inayos ko rin ang twalya ko na bahagyang tinangay ng hangin kaya nagpakita ang braso ko. Buti nalang at konti lang ang tao kaya hindi ako nahihiyang magsuot ng bikini. Gusto kasi ni Heather ay pare-pareho kami para raw maganda sa picture.

   "Para tayong tanga. Alam naman nating hindi talaga okay tapos sasabihin nating "It's fine."." Singit ni Kuya Marky. Napatawa si Diane. Totoo naman kasi.

    "Gusto ko nang magtrabaho. Para makawala na ko sa puder nila.." Malungkot na saad ni Sofia habang pinaglalaruan ang stick sa kamay. Parang lahat naman kami ganoon ang balak at gustong gawin. Being a Canlas is a pain in our ass. Sobrang mahirap.

    "Saan kaya ako mapupunta kapag naglayas ako?" Tawa ni Diane. Umiling lang ako sakanila. Parang lahat ata kami ay pare-pareho ang pinagdadaanan sa bahay. Pare-pareho ang plano naming gawin, eh.

    "Don't you want to run away together?" I chuckled with what I said. Alam ko namang malapit nang umalis sila Kuya Paul at Kuya Marky. Alam ko rin namang di nila kami pababayaan. Kami nalang nga ang magkakampi, eh.

    "I'm running away first. I'll get you, guys." Kuya Paul chuckled.

    "I don't want to live with Paul. He's annoying."

    Bago pa sila magasaran ni Kuya Paul ay napagdesisyunan muna naming magbanlaw. Sandali lang naman kami upang maabutan pa ang sunset. Namumula na kasi ang mga balat namin dahil sa tubig alat.

   "My parents are separating." Heather said as we enter the bathroom. Diane opened all the doors to make sure there's no one in here.

    "Bro, what? Okay pa lang sila, ah?" Sofia asked habang inaayos ang mga gamit niya.

    "I don't know. I just heard them. Being an only child is hard. Buti nalang kayo rin. Hindi ako magdudusa mag-isa."

     "I have a brother." Singit ko.

      "You treat him as one? He's a trash, Brittany. Hindi na siya umusad sa third year. This is his third year being a third year engineering student, right? What a pain in an ass." Sabi ni Heather bago binuksan ang shower niya.

      "Hinaan mo boses mo, sigurado ay rinig ka hanggang sa kabilang banyo."

      "Hindi ba nagagalit ang Mama niyo? She paid for his tuition for three years. Ni hindi man ata nagalit sa kuya mong bulakbol kahit repeater. While nagagalit siya sa 'yo because  75% ang discount mo sa tuition for being a honor student?" Singit ni Diane.

      "Hindi man nga lang nangalahati ang binabayad niya para sa kuya mo sa binabayad niya para sa 'yo."

     "Wala tayong magagawa." Tanging sagot ko. Kahit gaano pa ka-totoo. Kahit ano pa ang sabihin namin. Wala naman kaming magagawa. Hindi namin alam kung paano mapapalawak ang utak ng mga magulang namin. Hindi namin alam paano mapapalambot ang puso nila.

     "Feeling ko it runs in the Canlas blood, pero hindi naman tayo ganoon."

      "Buti nga at hindi tayo ganoon."

       "Masyado silang problematic." sagot ni Diane.

       "Gusto kasi nila sila ang nasusunod. Sakanila lagi ang pabor. I guess that's why my Dad wants an annulment with my Mom. He can't take it anymore. Nasasakal na siya." Kwento ni Heather.

      "Our family is so problematic. Hindi ko nga alam kung ano pa ang pinagkkwentuhan nila. Kung paano nasisira ang kaniya-kaniya nilang pamilya dahil sa selfishness nila?" Umiling si Diane.

What Comes After Sunset (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon