Totoo nga ang sinabi ni Kuya Marky kanina. I found Keanne, almost dead, lying on my bed. Naglinis lang kami sa loob at naligo ako tapos nalasing na nila 'to? Halos isang oras pa lang ata mula nang makauwi kami!
Nilapitan ko siya at tinapik pero tinanggal niya lang ang kamay ko at dumapa. "Keanne, hoy."
Hindi siya sumagot kaya hinayaan ko na muna at bumaba. Nakita ko agad si Kuya Marky at Kuya Paul sa kusina.
"What did you do to him, Kuya?" Kompronta ko. Baka may trabaho o gagawin siya bukas na paniguradong hindi niya magagawa dahil nilasing siya ng dalawa.
"Ewan ko, ask him. He was the one giving the shots." Turo ni Kuya Paul kay Kuya Marky.
"Anong ako? I was fair! He needed to drink 7 consecutive shots. Dapat nga more than 10 para fair kasi nakarami na kami kanina, pero pinagbigyan na namin." Napanganga ako. I can't believe them! Alcohol poisoning!
"He drank 7 consecutive shots and how many more?" Tanong ko habang kumukuha ng tubig para ipainom sa lalaking bagsak sa taas. "I'll tell Sofia if Keanne doesn't wake up."
"He obliged, Brit. Hindi kami ipapakulong." Inirapan ko lang si Kuya Marky at umakyat na.
Pagpasok ko sa kwarto ay nakadapa pa rin siya. Hindi man lang gumalaw sa huling pwesto niya. Kung paano ko siya iniwan kanina ay ganun pa rin. Lumapit ako sa kama dala ang isang basong tubig.
"Keanne, huy." Tawag ko para magising siya. Tinapik-tapik ko pa ang mukha, likod, kamay, braso, at kung anu-ano pa para lang magising siya.
"Hmm…" Tumihaya na siya ngayon, pilit na minumulat ang mga mata para makita ako.
"Uminom ka muna ng tubig." Tumayo ako mula sa kama at hinila ang braso niya para maiangat siya. Napagod na ako't lahat-lahat, do'n pa lang siya umupo. Nakayuko siya at nakapikit. Jusko! Parang isang pitik ko lang dito ay tutumba na ulit.
Hinawakan ko ang baba niya at nilapit sa bibig niya ang baso. Inangat niya na nang kusa ang ulo para tulungan akong painumin siya. Sumipsip lang siya ng konti roon sa tubig at humiga na ulit. Pinalo ko ang hita niya. "You need to drink more!"
Hinila ko siya ulit. Buti na lang at hindi na katulad kanina na ilang minuto bago siya umupo, agad siyang umahon ngayon. Habang hawak ko ang baso't nakasaksak iyon sa bibig niya. Habang umiinom ay nakatingin lang siya saakin.
"Ano?" Tinaasan ko siya ng kilay dahil hanggang maubos niya ang baso ay nakatingin lang siya saakin. "What are you staring at? Crush mo ko 'no?"
My eyes grew bigger when he grabbed my neck then kissed my lips. Dinampian niya pa ng iilang halik ang labi ko habang nasa leeg ko pa rin ang kamay niya. Akala ko ay tapos na nang bitawan niya ako kaya agad akong tumalikod dahil sa hiya, pero hindi pa pala tapos!
Hinuli niya ang pulsuhan ko kaya bumagsak ako sa gitna ng hita niya. Buti nalang at mahigpit ang hawak ko sa baso dahil kung hindi ay siguradong nabasag na iyon sa sahig. He kissed me deeply then tasted every corner of my mouth. Tapos ako? Ewan ko! I don't know how to kiss! He tasted like alcohol kaya parang pati ako ay nalalasing, but both because of his kisses and the alcohol. Nababaliw na ako.
Tinapos niya iyon nang halikan niya pa ako ng isang beses sa labi pagkatapos ay sa pisngi. Humarap ako sakaniya, siguradong pulang-pula ang mukha. Buti na lang at iyong lamp lang ang nakabukas! Hindi masyadong maliwanag kaya hindi niya makikita ang kamatis kong pagmumukha.
"I'm going to sleep," Halos ihampas ko sakaniya ang basong hawak nang humiga na muli siya sa kama. What the hell? Tumayo ako at lumabas, naiinis sakaniya. After he kissed me, matutulog siya? Just to be clear, I wasn't expecting something to happen, pero… I'm so disappointed!
BINABASA MO ANG
What Comes After Sunset (COMPLETED)
عاطفيةA lady who was invalidated since she was a kid. A lady who kept all her feelings inside. A lady who was looking for hope for a long time. Brittany Amber Canlas Sylva, an honor student since she entered school, a beautiful, smart, lovely, young lady...