Chapter 11

94 0 0
                                    

tw:abuse

Read at your own risk.












"Ang galing naman ng anak ko.." Pumasok agad ako sa banyo nang marinig  ko si mama. Humarap ako sa salamin at nagsimulang umiyak. Kakauwi lang nila galing sa recognition ni Kuya. Nakakuha siya ng award na most improve student. Proud na proud siya kay Kuya habang saakin ay hindi. Ni-hindi niya man lang ako pinuri.




Pinunasan ko ang luha ko at inayos ang suot na uniform. Ngayong araw din ang recognition ko. Rank 1 ako sa school. Marami pa akong nakuhang awards at halos ng 'best in' sa lahat ng subjects ay nakuha ko pero walang kwenta lahat ng 'yon. Sinikap kong makuha lahat 'yon para kay mama pero hindi naman siya pupunta. Hindi niya ako sasamahang umakyat sa stage gaya ng gusto ko. Ayaw niya kasi, eh. Bakit daw siya ang sasama saakin? Pagluluto niya pa raw si Kuya ngayon kaya hindi siya makakapunta sa recognition ko.




"Oh, anak? Wala 'yong magulang mo?" Tanong ng adviser ko. Anak. Nahihiya akong tumango. Lahat ng kaklase kong may awards ay todo ayos at kasama ang mga magulang habang ako ay mag-isa rito.



"Mommy, si Brittany, oh!" Napatingin ako sa sumigaw. Si Lady pala. Kasama niya ang mommy niya. Ngumiti ang mommy niya saakin.




"Absent na nanaman ang Mama mo, Brittany?" Tanong ni Lady. She was my bestfriend since then. Alam niya ang nangyayari sa pamilya ko. We promised to keep it a secret between us two. Hindi niya rin ako tinuring na iba. Hindi niya pinaparamdam saakin na mag-isa ako. "Mommy, ikaw magsabit ng medals ni Brittany, ha? Marami 'yang medals at certificate!"




"Wow, ang galing mo naman, Brittany. Sige at ako ang magsasabit sa 'yo!" Excited na sabi ni Tita. 'Yong mga salitang gustong gusto kong marinig galing sa magulang ko, sa ibang tao pa nagmula. Ang simple lang ng mga salitang iyon pero hindi nila masabi saakin. "Nakaka-proud ka naman!"



"Syempre, Mommy. Best friend ko 'yan, eh!" Lady giggled.




Ganoon nga ang nangyari. Si Tita ang kasama kong umakyat ng stage. Inaya pa nila ako na sumama sa bahay nila dahil may handaan pero tumanggi ako dahil nagluto si Mama si bahay. Pinilit pa nila ako at sinabing ihahatid din ako agad pero patuloy akong umiling. Naistorbo ko na sila nang sobra ngayong araw. They're so nice. Pati ang Daddy ni Lady ay cinongratulate ako at binigyan pa ng isang pack ng chocolates. They're so sweet.




"Ma, hindi ko nga ginawa 'yon! Bakit ka ba nakikinig sakanila?" Nang makauwi ako sa bahay ay gulo ang sumalubong saakin.




Nasa bahay ang mga tita ko, kapatid ni mama, pati na rin ang mga pinsan ko. I saw how Kuya Paul protected Sofia from her mom.




"So sinasabi mo bang nagsisinungaling ako?" Sabi ng mama ni Heather. Agad na pinigilan ni Heather ang mama niya. She looked at Sofia and give her her worried stare. Hinila naman palabas ni Kuya Marky si Sofia para malayo sa gulo.




"Ayan, kunsintihin niyo 'yan! Pare-pareho kasi kayo!" Ang mama naman ni Kuya Marky ngayon ang nagsalita nang makita ang paglabas ni Kuya Marky mula sa pintuan namin, dinaanan ako.




Agad akong hinila ni Diane palabas, sumunod din naman si Heather. Narinig ko pa siyang nagsalita sa mga tita namin bago siya lumabas.




"I'm sorry, Sofia." Agad na sabi ni Heather at niyakap si Sofia.




"H-hindi mo kasalanan." Sabi lang ni Sofia at pinunasan ang mga luha niya.




"What happened?" I asked. Niyakap ako ni Kuya Marky.




"Congrats, Brittany. Sorry for ruining your special day." Sabi nito. Isa-isa nila akong yinakap at cinongratulate. Habang yakap ako ni Sofia ay tinanong ko siya kung okay siya, tumango lang naman siya.



"Sinabi ni Mommy sa Mama ni Sofia na nahuli niya si Sofia na nakikipagdate sa mall. Nagalit si Tita kay Sofia dahil baka raw mabuntis at maging kahihiyan." Kwento ni Heather.




"Wala akong boyfriend at wala akong dine-date sa mall." Paliwanag naman ni Sofia. We believed her, of course. Alam naming lahat ang ugali ng mga tita namin. They are story makers. Mahilig silang siraan kami. They didn't treat us as their family. Magkakatulad lang sila. Same blood, same attitude, same mindset.




After that scene, we ran away for days, accepting all the consequences we're about to face after that. Buti nalang at may pera si Kuya Marky at Kuya Paul, they are still in college. Si Kuya Marky ay working student, habang si Kuya Paul naman ay rumaraket. Buti nalang din at kilala si Heather at user ang may-ari ng tutuluyan namin ng products ni Heather kaya nagka-discount kami sa tutuluyan namin bahay, maganda pa dahil malapit sa beach front. Si Heather ang nagbayad ng bahay, may pera rin naman siya dahil may business siya na cosmetics at skin care. Kami naman nila Diane at Sofia ay nagambag ng kakaonti, kami rin ang gumastos sa pamasahe namin pauwi.





Diane and Sofia were grounded. Kuya Marky, Heather and Kuya Paul were scolded.. And I was— physically abused. Hindi ako tinigilan ni Mama. Sampal, suntok, hampas ang natamo ko pagkauwi. Marami akong sugat at pasa dahil doon. Ilang araw din ako hindi nakapasok sa school. My brother also tried to harrass me.




"Tulong." I tried to shout but all I can do is to whisper. Amoy na amoy ko ang alak sa damit niya. Hinubad niya ang damit niya, pinakita niya pa saakin ang logo nito na malaking gagamba. Pumatong siya sa ibabaw ko at sinimulang isiksik ang mukha sa leeg ko. Sinubukan kong lumaban pero wala talaga akong lakas. Ang mga sugat ko ay natatamaan niya kaya humapdi ang mga ito.



Nahuli kami ni Mama na ganoon ang posisyon pero imbes na pagalitan si Kuya ay ako pa ang pinagalitan niya. Pinagbintangan niya pa ako na nilasing si Kuya at inakit siya. Sinabihan niya rin ako ng iba't-ibang hindi magandang salita gaya ng malandi, makati, walang pinagaralan, at iba pa.




After all of that, I live my life like it never happened. Walang nakakaalam sa nangyaring iyon, kahit pa ang mga pinsan ko, even my father who was in Taiwan. Kami lang tatlo ang nakakaalam.



I would always stay up late everynight. Takot na baka mangyari ulit. I would just cry and breakdown. Wala atang gabi na hindi ako umiyak. I also became afraid of spiders since that night. Nagkakapanic attack din ako palagi, but no one knows about all of these, even Lady. I kept it all inside.




"Gaga ka talaga, ilang beses mo na ginawa 'to?" The soft spoken Lady asked. I cut my hair short. Hindi ko na mabilang ilang beses ko na ginawa 'to because of pain. She brought me to the salon like she always do everytime I cut my hair. "Sabi ko naman sa 'yo, if you need me, you can call me! Ang tigas ng ulo mo, Brittany. I'm all ears!"






Umiling lang ako sakaniya at tumawa. Inayos ako ang jacket ko para matakpan ang daliri kong may mga sugat din. Pumasok na ako ngayon. I hid my wounds by wearing high socks and a white jacket. Nilagyan ko rin ng concealer ang mga sugat ko sa leeg para hindi masyadong halata.



Nang makita ng mga pinsan ko ang mga sugat ko ay nagsi-iyakan pa sila. Ako raw ang bunso pero ako rin daw ang pinakamahirap ang dinanas. I was relieved to see them safe and sound. Wala rin silang mga sugat at pasa na tulad ko. Heather gave me an ointment and soap to get rid of my wound scars. It worked, tho.


We were so happy when Kuya Marky and Kuya Paul graduated. We celebrated with our family, of course. Kapag may family gathering, hindi pwedeng walang gulo. Nagkagulo naman dahil nag-away ang parents ni Heather. Heather was crying.



Kuya Paul was mad at Tita and Tito because they ruined their special day. Ang iba naman naming Tita ay inaway din si Tito kaya mas lumaki ang ang gulo.


Tito, Heather's father, revealed that Kuya Ashton, my brother was caught using illegal drugs. We were so stunned to speak. Nagalit lalo si Mama kaya talagang nagkagulo sa bahay nila Kuya Marky. Muntik ang magkabaranggayan at magkademandahan.



Hindi pa sila tapos mag-away ay umalis kaagad ako. Umupo ako sa damuhan at hinarap ang kalangitan. Sunset.

What Comes After Sunset (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon