Read at your own risk.
Nagising ang diwa ko sa ingay mula sa pintuan. Nagulat ako nang may mga kamay na humawak saakin. Iniangat ko ang tingin ko, ngunit dahil sa dilim, anino lang nila ang nakikita ko.
"Sino kayo? Bitawan niyo ako!" Agad kong sigaw. Nagtangka pa akong sumigaw muli pero bago ko pa man magawa iyon ay tinakpan nila ng tela ang ilong at bibig ko.
"Sarap nito, pre! Sulit ang bayad ni utol." Rinig kong sabi ng isa.
"Kaya nga, eh! Tangina, sobra-sobra pa 'to sa isang milyon kapag binenta natin. Kay kinis na dalaga, oh!"
Pinilit ko pa ring makawala pero naramdaman kong nakaposas na ang mga kamay ko. Di kalaunan ay natakpan na ng kadiliman ang paningin ko.
"Brittany?" Rinig kong tawag ng kung sino man saakin. Minulat ko ang mga mata ko at sumalubong saakin ang madilim naming kwarto. Agad akong nakaramdam ng takot kaya agad kong kinuha ang kumot ko at pinalupot ko iyon sa katawan. Nahawi ng paningin ko ang braso ko, ramdam ko ang sakit noon, nasaan na ang posas? Hinaplos ko iyon at nakaramdam ng hapdi sa bandang pulsuan. Agad na umagos ang luha sa pisngi ko. Anong nangyayari? "Brittany? Si Sofia 'to. P'wede na ba akong pumaso—"
"'Wag kang papasok!" Sigaw ko. Patuloy lang ako sa pag-iyak habang inaalala ang mga nangyari. Panaginip ba iyon o totoo? Mga lalaki. Madalim. Posas. Panyo. "'Wag kang papasok, please..."
"Brittany, kanina ka pa hindi kumakain.." Rinig kong sabi nito mula sa labas ng kwarto. Patuloy lang ako sa pag-iling.
"Ayaw ko! Anong nangyayari?!" Pag-iyak ko. Gulong-gulo na ako. Anong ginagawa ko sa kwartong ito? Nasaan na ang mga lalaki kanina? 'Yung posas? Napatingin ako sa kamay ko. Napansin ko ang pamumula ng ilang bahagi nito, may mga galos din ako. Agad kong kinapa ang buong katawan ko. Did they... touch me? Hindi ko alam! Naguguluhan ako.
"Brittany!" Si Diane naman ang narinig ko ngayon. Agad kong tinakpan ang mga tenga ko nang patuloy nilang kinakatok ang pinto. Ayaw ko nang kahit anong ingay!
"Stop!" Sigaw ko habang nakatakip pa rin ang dalawang palad sa tenga. Pumikit ako nang mariin nang maramdaman ang sakit ng ulo ko. Kumikirot iyon na parang konti nalang ay sasabog na.
"Brittany.." Agad akong tumayo mula sa pagkakahiga. Tumakbo ako dala ang comforter papunta sa isang sulok ng kwarto handa na sa kung ano man ang binabalak niyang gawin saakin.
"Si Kuya Paul 'to. You're safe now." Malambing na sabi niya. Patuloy lang ako sa pag-iling. Hindi rin matigil ang pagtulo ng mga luha ko. Naramdaman ko na rin ang panginginig sa sobrang takot at kaba. "Come on, please.."
"L-labas.." Nanghihinang sambit ko. "Please, l-lumabas muna kayo." Nanginginig kong nilingon ang ibang pinsan ko pang nakatayo lamang sa bungad ng pintuan. "Please.."
"Brittany..." Umiiyak na sabi ni Heather. Napaluhod pa siya sa sahig habang tinitignan ako ng mga mata niyang puno ng luha. Agad siyang inalalayan ni Kuya Marky. "Please, we'll n-never leave you, again."
"G-get out.." Mahinang sabi ko. Naninikip ang dibdib ko at sumasakit na ulit ang ulo ko. Ni wala man lang akong kaalam-alam kung ano talaga ang nangyayari saakin o saamin. All I can feel right now is pain. My priority is not to share the pain with them. "Labas!"
"Brittany, please. 'Wag ganito." Mahinahong sabi ni Kuya Marky habang inaalalayang tumayo si Heather.
Ilang sandaling nanatili ang katahimikan saamin. Hikbi ng bawat isa saamin ang nangunguna sa madilim na kwartong kinaroroonan namin. Napahawak ako sa ulo ko nang maramdaman muli ang matinding sakit nito. Walang pagdadalawang isip ay sumigaw ako para umalis na sila at hindi nila ako makita.
BINABASA MO ANG
What Comes After Sunset (COMPLETED)
RomanceA lady who was invalidated since she was a kid. A lady who kept all her feelings inside. A lady who was looking for hope for a long time. Brittany Amber Canlas Sylva, an honor student since she entered school, a beautiful, smart, lovely, young lady...