"H'wag na mag-review..." Pang-aasar ko sakaniya. Kanina pa ako tumitigil sa pagbabasa habang siya ay dare-daretso lang sa pagre-review. Parehas kaming may finals next week. Buti naman at malapit na ang second semester. Nakakapagod masyado ang first sem. O baka naman mas pagod sa second sem?
"Purposive sampling, quota, convinience......" Hindi ko na maalala. Parang isang buwan lang mula nang nag-exam kami, heto kami ngayon, mage-exam ulit.
"Pst." Panggugulo ko ulit kay Keanne. Tamad niyang binaling ang tingin saakin pero agad niya ring ibinalik iyon sa libro niya. Naiinip na ako!
Nandito kami ngayon sa study room namin. Dito naming naisipang mag-aral, magkasama. Magiging mas busy pa ata siya sa mga susunod na araw. Nasa work ang ibang pinsan ko, habang si Diane at Sofia ay nasa school. Nag-aral si Sofia habang si Diane ay may ginagawang school works.
"Okay, pahinga muna." Pagsuko niya nang huminga muli ako nang malalim, sinisiguradong dinig na dinig niya.
"La!" Gulat akong napabaling sakaniya nang may natamaan siya kaya bumagsak iyon sa sahig. "Hala, sorry!"
"Lagot..." Pang-aasar ko sakaniya habang natataranta niyang binalik ang mic sa stand pero hindi niya magawa dahil may natanggal atang parte.
"Sorry! Babayaran ko nalang!" Natataranta niyang sabi at nilayo pa ang sirang mic mula saakin.
"H'wag na!" Sabi ko at kinuha ang mic para ilayo sakaniya. Baka ano pang gawin, e.
"Seriously, Brit. Babayaran ko nalang." Rinig kong sabi niya habang busy ako sa pag-aayos ng highlighters at markers sa mga organizers ko.
"'Wag na sabi."
"Nakaka-guilty! I'll just buy you a new one." Pagpupumilit niya.
"I'll buy, I'll buy..." I mocked him. "Konti nalang magiging sugar daddy ka na."
"Too young to be a sugar daddy.." Inirapan niya ako kaya tumawa ako, hindi makapaniwala sa ginawa niya. "Or p'wede naman basta ikaw."
"Err." Tinignan ko ang dala niyang mga pagkain na nakapatong sa lamesa. Jollibee, pizza, milktea, at wings. May paper bag pa na mula sa isang mamahaling brand. Hindi pala sugar daddy, ha? "Payag ka nang maging sugar daddy?"
"Nawp, let's eat, come on. I'm hungry."
"Come on, daddy.." Pang-aasar ko. Tumayo siya mula sa office chair at hinawi ang buhok bago tumingin saakin.
"Let's go, baby." Naramdaman ko ang pagtalon ng puso ko. What? What? What?
Kinagabihan ay naabutan pa ni Kuya Paul si Keanne sa bahay kaya inaya pa nilang uminom. Napagkasunduan nilang bukas nalang tutal day-off ni Kuya Paul at Kuya Marky.
"Isang spike rush lang." Sagot ni Hera sa tanong ni Lei. May compe kami ngayon. 10,000 each player kapag nanalo. Kaibigan ng team captain namin ang nag-arrange ng laban kaya madali kaming nakapasok. Sa April daw ay may competition ulit, mas mataas ang prize, at face to face na. Hindi lang daw kasi kayang mag face to face compe ngayon dahil halos lahat ng players ay nag-aaral kaya gabi lang available, at inaayos pa raw ang pinapagawa nilang venue para rito.
"Okay ba lahat? Walang delay? Lag?" Paninigurado ni Hera. Hindi naman ako lag kaya okay pa. "Sa laro na kayo mismo mag-mic, pero kung kailangan niyo ako, nasa discord lang ako."
"Hi.." Hindi ako lumingon kahit may narinig akong pumasok at nagsalita. Naka-focus lang ako sa ginagawa ni Lei. Mag-isa nalang kasi siyang natira tapos ay 10-11 na ang score. Kapag napanalo ito ng kabilang team ay match point na sila. "Hi, baby.."
BINABASA MO ANG
What Comes After Sunset (COMPLETED)
RomanceA lady who was invalidated since she was a kid. A lady who kept all her feelings inside. A lady who was looking for hope for a long time. Brittany Amber Canlas Sylva, an honor student since she entered school, a beautiful, smart, lovely, young lady...