"Brittany!" Rinig kong sigaw ni Renuel. Kumaway pa siya saakin. May hawak siyang dalawang coke mismo at may mga chichirya sa lamesa.
"Ang hirap pa rin ng statistics! Wala akong na-gets." Bungad niya saakin nang makaupo ako. Inabot niya saakin ang isang bote ng coke. Kumuha na rin ako ng chichirya sa lamesa.
"Madali lang naman 'yon, basta nakikinig ka." Sabi ko. Nagulat ako nang yugyugin niya ako, iniharap niya pa ako sakaniya.
"Naririnig mo ba 'yang sinasabi mo, Brittany? Mahirap ang statistics!" Sabi niya. Tinanggal ko ang mga kamay niya sa braso ko. Napatingin din ako sa mga mata niya. Ngayon ko lang napagtantong parang kulay asul ang mga mata niya. Lumapit ako para mas makita nang mabuti.
"Hoy, anong ginagawa mo?" Sabi niya at nilayo ang mukha mula saakin. "Crush mo ba ako? Hindi kita type."
"Ang kapal mo. Hindi rin naman kita type." Inirapan ko siya. "Kulay blue ba talaga mata mo? Tignan ko nga!"
"Ngayon mo lang napansin?!" Gulat na sabi niya. Napalakas pa ang boses niya kaya napatingin saamin ang mga estudyanteng naka-tambay sa school benches gaya namin. Marami kasing benches at lamesa dito sa school grounds kaya madalas pagtambayan. Mayroon ding open space kaya madalas pag-practice-an.
"Bakit asul mata mo?" Tanong ko. Hindi naman siya mukhang American, eh. Mas mukha siyang korean. May korean bang asul ang mga mata? Enlighten me, please.
"Tatay ko." Sagot niya at uminom sa coke niya.
"Oh, napano tatay mo?"
"British."
"Weh?!" Hindi makapaniwalang tanong ko. Hindi siya mukhang British.
"'Wag ka ngang sumigaw. Half British, half Filipino tatay ko. Tapos nanay ko, Koreana.
Ang favorite color ko ay blue. Mahilig ako sa dumplings at chocolates. Ang trip ko sa babae, ahhhh—basta hindi si Brittany—""Ang kapal ng mukha mo. Hindi naman kita tinatanong." Inirapan ko siya pero tinawanan niya lang ako.
Kuya Paul:
Okay lang ba kayo diyan? I'm sorry for taking too much time to clear my mind. Hindi ko na alam anong uunahin.
Sofia:
It's okay, Kuya. I'm using my Ipad now. My parents took my phone.
Heather:
My father's getting an studio type house for me. He will give me his civic sedan since he will fly to Australia. Please call if you need me.
It's been days. Wala pa ring bagong update kay Kuya Marky. Luckily, Kuya Paul, Sofia and Heather are updating in our group chat. May balak din silang magkita-kita kami para makapag-usap pero wala pang date dahil hindi ma-contact si Kuya Marky. Si Kuya Paul naman ay nag-iisip pa ng plano.
"Brittany! Lumabas ka rito at maghugas ka na ng plato. Hindi ba ay dapat maglalaba ka ngayon?" Sigaw ni Mama mula sa labas ng bahay. Muntik ko pang mabangga si Kuya paglabas ng kwarto dahil busy siya sa cellphone niya. Sinamaan niya naman ako ng tingin bago siya lumiko at pumasok sa sariling kwarto.
"May gagawin po ako ngayon, kaya baka mamaya nang gabi ako maglaba." Sagot ko at dumaretso sa lababo para maghugas ng pinagkainan nila.
"Saan ka na nanaman pupunta? 'Wag ka lang makahingi-hingi ng pera saakin sa gala mong 'yan. Wala ka na ngang ginagawa rito sa bahay ay maglalakwatsa ka pa." Sermon niya. Magkikita kami ni Keanne ngayon dahil mamimili kami ng mga kulang pang gamit na hinabilin ng ibang departments para sa event. Hindi naman ako maglalakwatsa.
BINABASA MO ANG
What Comes After Sunset (COMPLETED)
RomanceA lady who was invalidated since she was a kid. A lady who kept all her feelings inside. A lady who was looking for hope for a long time. Brittany Amber Canlas Sylva, an honor student since she entered school, a beautiful, smart, lovely, young lady...