Hindi ko akalaing mapapalapit ako sakanila nang ganito. Akala ko habang buhay nalang akong magkukulong sa nakaraang hindi ko malimutan. Alam ko namang hindi ganoon kadali, alam kong mahirap, pero mas mahirap kung kahit alam mong malayo ka pa sa patutunguhan mo, hindi mo man lang magawang ihakbang ang mga paa mo.
Nagising ako dahil sa maingay na cellphone ko. Agad kong naramdaman ang ulo kong kung kumirot ay parang pinupukpok. Maliwanang na sa kwarto kaya sigurado akong maliwanag na ang sikat ng araw sa labas.
"Mommy.." Mahinang tawag ko at ipinatong sa tenga ang cellphone habang nakadapa sa kama.
"Kakagising mo lang? Sabi ng mga kuya mo ay mag-jejetski kayo dapat ngayon pero tulog ka pa. Sasabihan ko lang sana kayo na mamayang hapon na sana kayo magjetski dahil matindi ang sikat ng araw. Baka mamula ang mga balat niyo, lalo na si ang Kuya Ian mo." Tuloy-tuloy na sabi ni Mommy sa kabilang linya. Pinilit kong iminulat ang mga mata ko. "Hindi ko ma-contact ang mga kuya mo."
"Lalabas na po ako ngayon. Baka naiwan lang nila ang phone nila sa kwarto, Mom. Sigurado ay nasa pool lang iyon. Ayaw ni Kuya Jaiden na magbilad masyado dahil may shoot sila sa live album." Sagot ko at tumayo na. Nagpaalam na rin siya saakin at pinaalalang mag-send kami ng pictures sakanila nila Daddy.
Mabilis akong nag-toothbrush at naghilamos bago lumabas ng kwarto. Walang tao sa sala kaya dumaretso ako sa kusina. May nakita akong pagkaing pang breakfast duon. Lumingon ako sa orasan at napagtanto kong 10:00 A.M. na pala. Lumabas ako ng bahay kagat-kagat ang french toast. May hawak pa akong strawberry sa kabilang kamay.
"Good morning!" Rinig kong sigaw mula sa malayo. Nakita ko sila sa dulo ng pool parehas nags-swimming. Walang mga damit at nagtatawanan.
"How do you feel?" Tanong ni Kuya Jalen nang makalapit na sila. Umahon siya at umupo sa gilid ng pool. Si Kuya Jaiden naman ay nakahawak lang sa gilid habang lubog pa rin ang katawan.
"Ayos lang." Sagot ko kahit na masakit ang ulo ko, buti nalang at hindi na kasing sakit kagaya kaninang pagkagising ko. "Sabi ni Mommy, hindi raw kayo sumasagot sa calls niya."
"Nasa kwarto ang phones namin, Amber." Sagot ni Kuya Jaiden. "Hindi na tayo magkakapag-jetski. Wala na rin tayong oras kung magyayate."
"Bakit?" Takang tanong ko at nginuya ang toast. Sinubo ko rin ang maliit na strawberry'ng hawak ko.
"We need to leave this afternoon." Sagot ni Kuya Jalen at kinuha ang twalya. "Sir Cyann's order, Amber."
"May show kaming a-attend-an for promotion. Mag-sho-shoot na rin for video dahil hindi ako p'wede next week. I'll fly to Dubai, remember?" Paliwanag niya sa dapat nilang gawin. Tumango lang ako. Hindi naman bigdeal saakin na kailangan na naming umuwi. Para rin naman iyon sa banda at palagi ko rin naman silang kasama.
"Swim now if you want. Mas titirik pa ang araw mamaya kahit malamig ang hangin." Bumalik na ako sa bahay para magbihis. Naglagay ako ng sunblock pagkatapos ay lumabas na. Umupo lang muna ako at ibinabad ang paa sa pool, hindi pa lumulusong. Ang dalawa naman ay pabalik-balik lang sa magkabilang dulo ng mahabang pool.
"P'wede na kaya si Trian? Sir Cyann was pissed earlier. Ayaw naman kasing sabihin ni Trian ang dahilan." Lumapit sila saakin at nagkwentuhan. Suplado pang pinasadahan ni Kuya Jaiden ng tingin niya ang suot ko. Naka-rash guard naman ako pero nakamaikling short na partner talaga ng rashguard na ito. Kahit na mas nakakatakot at strict tignan si Kuya Jalen, mas protective pa rin talaga si Kuya Jaiden, samantalang si Kuya Jalen ay cool lang at less protective.
"Nasa hospital nga ang girlfriend niya. Sinabi ko na sainyo, ayaw niyo lang maniwala." Medyo inis na sabi ni Kuya Jalen.
"Fine, nakahanap na ba sila ng bagong stylist at make-up artist?" Kumunot ang noo ko.
BINABASA MO ANG
What Comes After Sunset (COMPLETED)
RomanceA lady who was invalidated since she was a kid. A lady who kept all her feelings inside. A lady who was looking for hope for a long time. Brittany Amber Canlas Sylva, an honor student since she entered school, a beautiful, smart, lovely, young lady...